@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, December 7, 2011

Ryan, nag-sorry sa ‘nakabangga’


GORGY RULA

 
MAPAGPAKUMBABANG humingi ng paumanhin si Ryan Agoncillo sa taong nakainitan niya sa kalye nu’ng nakaraang linggo.
Ilang araw na pinagpiyestahan sa Twitter si Ryan sa insidenteng ‘yun at pinapalabas siyang masama dahil sa inasal niya nang na-cut siya ng isang van habang nagbibiyahe sila ni Judy Ann Santos pauwi.
Ang ginawa ni Ryan, hinabol niya ang van na ‘yun at nag-cut din siya para maharang niya at ala­min kung bakit ginawa ito sa kanya.
May isang kotse na humabol sa kanya at sinabihan itong may 2-year old child na sakay sa kotseng na-cut niya.
Nagkainitan sila sa isang kanto, pero mai­ngat pa rin si Ryan dahil iniisip niyang baka may masamang balak sa kanila ni Juday.
Baka isa lamang daw ito sa mga nababalitaan niyang modus operandi ito para ma-carjack sila.
Taga- Inquirer pala ‘yung nakabangga ni Ryan na nagpakilala sa kanya nang magpang-abot sila.
Hindi namin nabasa ang nasulat sa diyaryong ‘yun, at in-acknowledge ni Ryan na tama ang mga nasulat, pero sana raw ay kumpleto at dinetalye ang mga pangyayari.
Nang magkaalaman na, nag-sorry raw doon si Ryan at umalis. Pero sinundan pa rin siya na duda ni Ryan, sinusubukan nilang kunan sila ng litrato.
Nakaalis din ito agad at hindi na sila nasundan.
Paulit-ulit na nag-sorry si Ryan nang nakapanayam namin ito kahapon sa presscon ng My Househusband.
Nagpasalamat din siya dahil hindi ito masasamang tao, gaya ng naisip niya nu’ng mga oras na ‘yun.
Maaaring mali ang nagawa niya base sa kanyang hinala, kaya humihingi siya ng paumanhin.
Pero katakut-takot na panlalait na ang inabot ni Ryan sa Twitter, pero hinayaan na lamang niya ito.
“Honestly, nagpasa­lamat ako na totoo siyang reporter, na traffic altercation ‘yun na sa totoo lang, ilang oras din at buong araw kong iniisip kung ano ba ‘yun, was it an attempt or carjacking or kidnap attempt.
“Na-relieve ako nu’ng nalaman kong tunay siyang reporter, na hindi masamang tao ang nakaaway ko, and it was my fault.
“I apologize to them, nasira ko ang araw n’yo, na-bad trip kayo. Pasensya na, mali ang pagkabasa ko at interpretasyon ko,” pahayag ni Ryan.
Si Juday naman ay takot na takot nu’ng nangyari ‘yun. Pero nasasaktan din siya sa mga masasamang itini-tweet laban sa kanila, at sa lumalabas na balita.
“Sa amin lang, pa­sensya na po kung kayo ay nabuwisit nu’ng panahong ‘yun. Pero kami mismo ay natakot din, hindi natin alam baka mamaya tinitiktikan lang ang sasakyan mo, or napagtripan kaming harangin. Ang daming tumatakbo sa isip ko, eh.
“Sana, sa susunod, bago maglabas ng mga ganu’ng balita, ‘yung ala­min na po muna ang buong istorya. Kasi parang… ang lumalabas, ‘pag artista ka, mayabang ka.
“Hindi naman po… sorry, sorry,” mapagpakumbabang pahayag ni Juday.
***
Impressive ang ga­ling ni Juday sa pagluluto nang humarap sila ni Ryan sa movie press kahapon para sa presscon ng My Househusband.
Panalo ang pandesal na binake niya na may tapa at white cheese.
Isa ito sa specialty ni Juday na hindi lang si Ryan at mga kaibi­gan ang nagkagusto kundi ang mga reporter na nakatikim nito kahapon.
Puwede ba siyang mag-restaurant uli para matikman din ang mga recipe na gawa niya?
Napag-isipan na raw niyang mag-restaurant pero hindi pa muna sa ngayon.
Abala pa sila sa kani-kanyang trabaho kaya hanggang plano pa lang muna sila.
“Siguro, ‘pag relaxed na kami talaga. ‘Yung wala ka nang iniintindi, ‘yun siguro ang time na puwede na kaming mag-restaurant para du’n na lang kami talaga naka-focus,” pahayag ni Juday.
Nakalimutan naming i-suggest kay Juday kung puwedeng mga luto niya ang ihanda sa premiere night ng My Househusband sa December 22 sa SM Megamall.


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment