@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 25, 2011

MERRY Christmas to everybody! Opening day ngayon ng pitong festival entries sa 2011 Metro Manila Film Festival at sana’y tangkilikin lahat para masaya ang Pasko ng mga producer, cast members, production staff at lahat ng involved sa MMFF.
***
Kahit walang special effects ang “My Househusband, Ikaw Na!,“ sobrang naaliw kami sa pelikula nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Idagdag pa si Eugene Domingo na ‘kaloka ang mga eksena. Effortless si Eugene sa pagpapatawa kaya panay ang tawanan ng mga nanood noong premiere night ng MHHIN. Bawat bitaw ng linya ni Eugene, bentangbenta. Iba ka talaga, Eugene!
Hindi rin nagpahuli ang Agoncillo couple. Kwelang-kwela rin ang mga eksena nina Ryan at Juday. Parang wala sila sa harap ng kamera na casual lang ang acting nila at batuhan ng linya. Napaka-natural, walang sapawan ang mag-asawa.
Gusto naming kontrahin ang sinabi ni Ryan na kung hosting ang labanan, hindi siya uurong. He did a good job in MHHIN bilang isang househusband. Kayang-kaya niya rin lumaban sa best actor award sa MMFF. With Juday, kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Peanuts lang sa kanya ang pag-arte. May we add na ang ganda-ganda ni Juday sa pelikula.
Blooming ang beauty ni Mrs. Agoncillo na hiyang na hiyang sa pagmamahal at pag-aalaga ni Ryan. Seksi-seksihan din si Juday sa mga eksenang naka-shorts siya na exposed ang kanyang flawless legs.
Extra lang
Sayang at kaunti lang ang exposure nina Derrick Monasterio at Lexi Fernandez sa “My Househusband, Ikaw Na!“ May following na ang dalawang GMA Tween stars, lalo na si Derrick na tinilian ng fans noong premiere night sa mga eksena nila ni Lexi. Dalawa o tatlong eksena lang yata sila at pasulpot-sulpot lang ang characters nila sa MHHIN.
Dumalo pa rin sina Derrick at Lexi sa premiere night bilang suporta sa MHHIN. Sa bagong teleseryeng gagawin nila sa GMA-7, bida na sila. Kasama rin sa cast sina Jake Vargas at Bea Binene.


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment