@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, December 15, 2010

Juday as a mother



Whenever I see superstar Judy Anne Santos, she would always be high-strung, very “babaeng bakla” and would always cry out to me, “Ano na!?!?!?” 

Recently, I saw the new Judy Ann in a children’s birthday party. It was my first time to see Juday so serene filled with peace beyond human understanding. She was holding baby Lucho in her arms rocking him to sleep. Juan Luis “Lucio” Agoncillo was the mini-me version of his dad Ryan. Baby Lucho got Ryan’s eyes and forehead. “Kawawa naman noh?” Ryan jokingly told us. 

It was a pity I cannot publish the pictures I took as Juday has signed a contract with a magazine that will hold exclusivity to the pictures of baby Lucho. In return the magazine will donate a hefty amount to Juday’s chosen charitable institution. I got to talk to Ryan in the other room and I asked Ryan if Juday is going to take it easy for a year or two.

“We never really talked about it but according to people that are close to her, she plans to go back to work this January already. I’m not really sure because from the looks of it, she really enjoys being a mother and I am totally enjoying my role as a father,” Ryan’s eyes were gleaming while he was speaking to me and my husband.

Monday, December 13, 2010

Juday-Claudine movie, tuloy na tuloy na sa January 2011!







Ang saya ng lunch namin sa Romulo’s kamakailan with Viva Boss Vic del Rosario and his three children, GMA7’s Annette Gozon, Joey Abacan & Tracy, with scriptwriter Aloy Adlawan and Shirley Kwan (as Claudine Barretto’s ma*nager) para pag-usapan ang pelikulang gagawin sa GMA films na pagsasamahan nina Juday at Claudine come January 2011.


Ikinuwento ni Adlawan ang buod ng istorya. Pinauna na ako ni Juday at syempre ‘pag nagawa na ang iskrip ay may mga inputs pang ilalagay sa horror movie na ididirek ni Topel Lee na siyang nagdirek ng “Ouija” last year.


Akala ko naman kasosyo si Boss Vic sa “Si Agimat at si Enteng Kabisote”, si Orly Ilacad pala! Binati ko pa naman siya ng “Congrats! Topgrosser kayo”. Wala pala siyang entry this year, pero next year ay may balak siyang Sharon-Juday-Sarah movie na pa*ngatlo at last na sa temang-kapatid.


Sina Sharon at Juday sa “Magkapatid”, sina Juday at Sarah naman sa “Hating Kapatid” and next year, pagsasamahin niya ang tatlo sa “Magkakapatid”. Oh debah bongga, Elvie ng Hong Kong?

Sunday, December 5, 2010

Ang Junior Master Chef ay ihu-host ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. Ito ang unang regular show niya pagkatapos niyang magsilang sa anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.

Monday, November 29, 2010

Magic ni Juday, tumalab kay Casino!


 

Ang masuwerteng binata ay si Albie Casino na siyang love interest ni Kathryn Bernardo as “Mara” in the classic and longest running teleserye ever (more than 4 years on the air) that launch the careers of Judy Ann and Gladys Reyes.Muli na namang tumalab ang magic ni Judy Ann Santos sa nakasama niya sa “Gimik” bilang pamangkin niya at ngayon ay bida na sa “Mara Clara” sa papel na ginampanan pa mandin ng naugnay kay Juday na si Wowie de Guzman.
Masasabing masuwerte talaga o suwerte na ang dumating kay Albie na bagong tuklas at sinubukan lang sa “Gimik”, akalain mong maparis sa suwerte ni John Lloyd Cruz ang kapalaran sa showbiz ni Albie.
Kasi si John Lloyd, bagaman lumaki sa “Tabing Ilog” ay hindi pa umuusad ang career nung ilagay siyasa “Sa Puso Ko Iingatan Ka” bilang kapatid ni Juday. Komo toprater nga ang teleserye na ‘yun ay napansin agad ang deep dramatic acting ni Lloydie kaya binigyan agad siya ng solo teleserye katambal si Bea Alonzo.
And from then on, there’s no stopping Lloydie from winning laurels for his career, box-office king and best actor awards. Until now, nandiyan pa rin ang suwerte ni Lloydie kahit na kinupasan na ng ningning ang Papa Piolo ko na bagay na ngang maging tatay sa drama.
Ang mga kasama ni Albie sa “Mara Clara” na sina Julia Montes (as Clara), John Manalo and Kathryn ay pawang mga graduates ng “Goin Bulilit”. Outsider kumbaga si Albie at nadiskubre kung saan. Destiny na siguro ni Albie ito na ginawa siyang pamangkin ni Juday sa “Gimik 2010” without knowing na tutuloy siyang maging bida sa teleseryeng nagpasikat nang husto kay Juday in the role na ginampanan ni Wowie de Guzman na love interest ni Juday!
Komo mga bata pa ay nahasa na sa acting ang tatlong kasama ni Albie sa “Mara Clara” na sina John, Kathryn at Julia, sanay na sana ng humarap sa TV cameras ang tatlo, samantalang nangangapa pa si Albie but trying his best to keep at par with his co-stars.
“I’m just new in the business, so I’m still learning. I’m glad that my co-stars are very supportive and very fun to work with,” sabi ni Albie.
Oo nga. Halata ko nu’ng una na medyo asiwa pa si Albie sa acting niya, but as nights went by, unti-unti na siyang nakaagapay sa magagaling na co-stars niya lalo na kay John.
Wish nga ng mga fans nina Juday-Wowie na sumusuporta na rin ngayon kay Albie, maabot din niya ang inabot ng mga nakasama ni Juday sa mga TV shows niya at pelikula tulad nina Wowie, Piolo, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Derek Ramsay, Joem Bascon, Will Devaughn, TJ Trinidad, JC de Vera, Luis Alandy, Ryan Agoncillo atbp. At mahalin niya nang husto ang propesyon niya para madali niyang maabot ang inaasam na tagumpay! Goodluck too, Albie Casino!

Sunday, November 28, 2010

Judai in her recent acting award in SNN (video)

Click on the image the watch the video.....



"Practice safe sex today."

Judy Ann Santos
Actress and advocate
for the Practice Safe Sex Today (P.S.S.T.) Campaign

Juday, gustong sundan agad si Baby Lucho



Written by Timmy Basil 
Saturday, 27 November 2010 00:01 


ABA, kakaiba talaga itong si Judy Ann Santos. Karamihan kasi sa mga kababaihan, nawawala ang kompiyansa sa sarili kapag nagbubuntis. At kapag nagle-labor na, may mga babaeng minumura ang kanilang asawa dahil sa “ginawa” nito sa kanya at mayroon namang sumusumpa to the high heavens na ayaw na talaga niyang umulit pa.

Pero iba nga si Judy Ann. Marami siyang natutunan nang siya ay magbuntis, mag-labor at sa pagsilang kay Baby Lucho. Of course naroon ‘yang pain, pero langit ang pakiramdam ni Judy Ann lalo na nang masilayan ang mukha ni Baby Lucho.

At ito na, dinig ko ay gusto na raw ni Juday na sundan kaagad si Baby Lucho. Gusto raw ni Juday na magbuntis na naman.

Aba kung didinggin ng nasa Itaas ang wish ni Juday eh, ‘di hindi talaga siya maaaring bumalik sa showbiz? 

Pero ‘yan naman talaga ang plano ng mag-asawa. The moment na manganak si Juday ay magpapahinga siya ng one year at saka magbabalik-showbiz pero ngayon pa lang ay mukhang hindi matutuloy ito lalo na kung magbubuntis kaagad si Juday.

Kaya doble dapat ang kayod ngayon ni Ryan Agoncillo literally and figuratively he-he-he-he.

O siya, habang keri pa ang magbuntis ay okey lang. For sure kahit ilan pa ang maging supling ng dalawa ay kayang-kaya naman nila itong bigyan ng magandang edukasyon, saganang pamumuhay, at lalaking puspos ng pagmamahal mula kina Juday at Ryan

Thursday, November 25, 2010

The Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) announced the winners of their 19th Golden Dove Awards.
Here is the list of Golden Dove winners for this year (partial):
Ka Doroy Valencia Broadcaster of the Year:
Ces Drilon
Best Television Station:
ABS-CBN
Best TV Newscast:
Bandila
Best TV Newscaster:
Henry Omaga Diaz (ABS-CBN)
Best Magazine Program:
Rated K (ABS-CBN)
Best TV Sports Program:
Sports Unlimited (ABS-CBN)
Best TV Drama Program:
Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN)
Best Special Program:
Harapan Vice Presidential Debate (ABS-CBN)
Best TV Drama Actor:
Coco Martin, Kung Tayo’y Magkakalayo (ABS-CBN)
Best TV Drama Actress:
Judy Ann Santos, Habang May Buhay (ABS-CBN)
Best TV Public Affairs Program:
Y-Speak (Studio 23)
Salamat Dok (ABS-CBN)
Best TV Public Affairs Program Host:
Boy Abunda, The Bottomline (ABS-CBN)
Best TV Talent Program:
Talentadong Pinoy (TV5)
Best TV Comedy Program:
Locomoko U (TV5)
Best TV Documentary Program:
USI: Under Special Investigation (TV5)
Best TV Documentary Program Host:
Paolo Bediones, USI (TV5)
Best TV Public Service Announcement:
UNTV
Best TV Public Service Program Host:
Susan K., Bantay OCW (NBN)
Best Radio AM Station:
DWIZ 882
Best Radio Comedy Program:
The Morning Rush with Chico and Delamar (RX 93.1)
Best Radio Drama Program:
MMK sa DZMM (DZMM)
Best Radio Public Affairs Program:
Pasada 630 with Karen Davila and Vic Lima
Best Radio Program for Arts and Culture:

JUDAY, INIS DIN KAY AGA!



Alfie Lorenzo


TAMA ang sabi ni Sharon Cuneta na “Sino ‘yun? Sino ‘yun?” kay Aga Muhlach kahit joke! joke! lang or in the form of it.

Tatlong bading lang naman kaming nag-handle noon kay Aga when he was struglling to build a name for himself.

The ones who took over after us eh wala namang ginawa na kundi maghintay na lang ng gagawin ni Aga, hindi nila nailako si Aga for more projects.

May ugali kasi si Aga na mag-isip na sikat siya at hihintayin siya ng sinumang may gusto ng serbisyo niya.

Kaya namimili siya ng mga makakatambal niya until abutin siya ng kata*maran niya at matengga na ang projects.

Hindi pa nasusundan ang tambalan nina Sharon at Aga na scheduled na sanang gawin noon pero mataba pa raw si Sharon at papayatin muna (ewan kung kay Aga ga*ling ‘yun!) kaya inuna niya ang kay Ai Ai at may Lea Salonga at Regine Velasquez pa raw na naghihintay?

Years ago ay may gagawin sana sina Juday at Aga, pero inuna ni Aga ang isang project kahit na dalawang projects ang naisakripisyo sa panig ni Juday (na pinili ang pro*ject with Aga na hindi naman natuloy).

Bilang ganti, ‘yung gagawin sana nina Juday at Aga sa Bicol na may wet look pa si Juday (na napunta kay Claudine Barretto) bilang cook ay tinanggihan ko for a va*lid reason!

Ayaw kong mag-wet look si Juday at maaninag ang boobs at nipples niya sa white kamison na isusuot niya na mababasa!

And from then on, any projects that has Aga as Juday’s leading man ay cancelled!

After all, mas mauuna si Aga na magretiro kesa kay Juday dahil mas matanda siya kay Juday at mas kulubot na!

Ngayon, tell me kung may karapatan ba si Sharon na magtanim ng sama ng loob kay Aga na maagang magreretiro?

Another baby for Judy Ann?


by Joseph Peter R. Conzalez 



Judy Ann Santos is open to having another baby in the very near future. The she admitted in a recent phone interview.

“Actually, Ryan (Agoncillo) and I discussed about it already even before I gave birth to our first born Lucho. For one, I’m not getting any younger. I’m already 32. A second pregnancy might be hard. 

“We’ll see. Perhaps, I need to go back to showbiz in the mean time, busy myself with work and take a vacation if ever I get pregnant once again. Just like what I did in Lucho’s case. But definitely, I would love to have another baby again,” she says.

Many are curious to know how many children she dreams of having.

“Three to four will be ideal. I grew up with a brother and a sister so you can just imagine how happy my childhood was. In our family, since our age gaps aren’t that wide, my siblings and I grew up treating our mom like a barkada. That’s what I want to happen to me and my children Yohann and Lucho.”

Speaking of Lucho who is a month and two weeks old, Juday reveals some advertisers are already considering him for product endorsements.

“That’s right! There are lots of inquiries. Some want to set up a meeting right away. But at this point, Rye and I don’t want him to experience showbiz this early. We want him to have a normal childhood as much as possible. But I’m not closing the doors totally. Let’s see,” she avers.

The popular actress wants to thank those who understood if she and Ryan chose a quiet baptismal celebration for their son.

“Yes. I know there are some who felt disappointed. But I apologize because this is what we really wanted: a simple occasion sans fanfare. I hope they respect our decision.”

The public wonder what physical features Lucio inherited from her and Ryan.

“Definitely, he has a strong resemblance to Rye. But the robust cheeks are mine. Ha-ha-ha! He’s really a darling!”

The fans are waiting when she’ll resume her acting career.

“As of now, I’m starting to go out of the house to do some errands. But I can’t stand being away from Lucho that long. I feel like having a separation anxiety when I leave him at home. I don’t want to miss any single development in him. These are moments that money can’t buy.

“With regard to my comeback, I guess it’ll happen next year. I feel it’s just perfect timing. Apart from giving me ample time to enjoy motherhood, it also allows me to get slimmer to look like a leading lady again. To all my fans, thank you for waiting. See you in 2011!” ends Judy Ann.

Sunday, November 21, 2010

RYAN AND JUDAI ON STARTALK VIDEO

Judy Ann Santos says she does not want to miss the milestones in Baby Lucho's life




Judy Ann Santos says she does not want to miss the milestones in Baby Lucho's life
Judy Ann Santos (right) says Baby Lucho, one month and two weeks old now, looks like Ryan Agoncillo (left). "Sa akin po, si Ryan talaga ang kamukha. Yung sa lips, baba at saka pisngi, aangkinin ko yun. Kasi yung pisngi, hindi maipagkakailang bilog na bilog, e. Akin na akin po itong pisngi."

* * * * * * *

Rose Garcia

Sunday, November 21, 2010
02:27 PM

* * * * * * * * * * * *

Live on the phone ay nakausap ni Joey de Leon si Judy Ann Santos sa Startalk yesterday, November 20. Ito ay matapos ma-interbyu ni Joey si Ryan Agoncillo.



Hands-on mommy talaga si Juday sa anak nila ni Ryan na si Baby Lucho. Breastfeeding din si Juday kay Lucho.



At hindi pa man nakakapanganak noon ay nagsabi na itong medyo matatagalan ang kaniyang pagbabalik nang full-time sa showbiz kahit nakapanganak na, dahil gusto muna nitong ma-witness ang lahat ng milestones sa development ng anak.



Sa kanyang matatawag na mothering mindset ngayon, di katakatakang tila vocal si Juday na gusto nitong sundan agad si Baby Lucho. Kaya unang tanong ni Joey kay Juday ay kung totoo nga bang kagustuhan nitong magsunod-sunod na ang anak nila ni Ryan?



"Napag-usapan din naman po namin yun, noong bago ako manganak. Sabi ko, sana masundan agad, kasi hindi na rin naman ako bumabata. Thirty-two [years old] na ko, baka mahirapan na ako sa second pregnancy.



"Titingnan muna namin kung kakayanin. Pero siguro, kailangan muna akong bumalik sa trabaho pansamantala, and then bakasyon ulit kung sakaling mabuntis."



Kuwento naman ni Joey de Leon, naisip daw niya dati na tanungin na ng gobyerno kung ilan ang gustong maging anak ng mga magulang. Kung tatlo, isang beses na anakan na lang para isang beses na lang din na maghirap.



Natatawang sinegundahan naman ito ni Juday ng, "Oo nga, yun din ang iniisip ko, e."



Kung sakaling puwedeng mangyari yun, ilan ang isasagot ni Juday sa gusto niyang maging baby nila ni Ryan?



"Ako, ideally, gusto ko pong talaga three to four [kids] kasi masaya naman kaming magkakapatid. Kapag kaaway ko ang isa, may kakampi akong isa.



"At saka, masaya kasi kapag halos magkakasing-edad kayo, nagiging magkaka-barkada kayo, e."



Totoo bang inuulan na ng product-endorsement offers si Baby Lucho?



"May mga inquiries, may mga gusto pong makipag-usap. Napag-usapan na rin namin ni Rye.



"Pero kami po, ayaw naman naming i-subjéct ang mga bata sa maagang show business.



"Pero bahala na po. Mahirap magsalita nang tapos.



"Pero very thankful naman po kami na maraming advertisers na gustong kuhanin ang mga bata. Thankful po kami."



Dagdag ni Juday, "Pero, pinag-iisipan din po namin kung ano ang magiging kapalit no'n. Siyempre, yung privacy ng mga bata. Gusto rin namin na magkaroon [sila] ng normal na buhay kahit na papaano."



One month at two weeks old na nga raw si Baby Lucho. Since paiba-iba pa kadalasan ang mukha ng baby, sa ngayon, sino ang nakikita ni Juday na kamukha ng baby nila?



"Sa akin po, si Ryan talaga ang kamukha. Yung sa lips, baba at saka pisngi, aangkinin ko yun kasi yung pisngi, hindi maipagkakailang bilog na bilog, e. Akin na akin po itong pisngi."



LUCHO WORE DENIMS AND CHUCKS. Kuwento ng mommy ni Juday na si Mommy Carol, natutuwa raw ito noong binyag ni Lucho dahil hindi raw traditional na damit pambinyag ang suot ng apo.

So, ano ang ipinasuot nila sa anak?



Natatawang kuwento naman ni Juday, "Ever since naman kasi, hindi naman talaga kami traditional ni Rye sa mga ganyang klaseng... Ako mismo, gusto ko na relax lang at bagets yung bata.



"Naka-maong siya, tapos naka-Chucks, naka-white shirt siya sa loob na may 'boss' na nakalagay, at naka-checkered na polo. Halos pareho sila ng suot kasi naka-checkered din si Ryan, e."



Private nga ang binyag, pero umabot din daw ng 200 guests, na hindi rin nila ine-expect?



"Mga ganoon nga po, kasi come and go rin po ang mga bisita. Hindi rin po namin ine-expect na maraming gustong makasulyap kay Lucho.



"At saka, first time rin naming lumabas na mag-ina after how many months na nandito lang sa bahay. Nandito lang kami. Nakakatuwa lang isipin na ang dami po pala naming kaibigan."



Totoo bang may isang pangyayaring naka-upset kay Juday? Tanong ni Joey: May ilang press na kumuha raw ng pictures at hindi nirespeto ang request nilang pribado muna ang binyag? Ano ang reaction ni Juday sa bagay na yun?



"Sa totoo lang, ang hirap na rin po kasi mag-comment. Kasi bawat sinasabi namin, nabibigyan ng masamang kahulugan. Pero, nandoon na po yun. Nailabas na.



"Gaya nga po ng sinasabi namin, hindi naman po kami bumi-break ng mga promises.



"Kahit noong sinabi namin na after na lang ng binyag ipapakita. Ipapakita naman po namin, gaya noong ginawa namin nuong kasal. Hindi naman namin ipinagdadamot.



"Pero yun nga lang, sana nakapagpaalam. Pero, nandiyan na 'yan, wala na tayong magagawa."



Dugtong pa niya, "Puwede naman pong magpaalam nang maayos. Pero wala, nandiyan na 'yan, e."



BALIK-SHOWBIZ. On the other hand, kailan nga ba magbabalik-showbiz si Juday?



"Baka next year po. Ngayon kasi, medyo nakakalabas ako ng bahay to do some errands.



"Hindi ko pa rin kayang mahiwalay nang matagal kay Lucho. Parang nagkakaroon ako ng separation anxiety kapag umaalis ako ng bahay.



"Mahirap sa simula. Pero, ngayon kasi, ang daming developments sa kanya. Nakaka-aninag na siya. Napapangiti mo na siya.



"Nanghihinayang ako kapag merong moment na hindi ko makita. Parang baka pagsisihan ko.



"Siguro puwede ang mga guesting kapag nakabalik na ako sa tamang sukat ng pangangatawan, babalik din naman po ako."



Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Juday, lalo na sa kanyang fans.



Aniya, "Una po sa lahat, salamat. Sa Startalk, salamat po sa pagbibigay ng chance na makapagpaliwanag kami.


"Kasi, I'm sure, may mga iba riyan, siyempre, hindi naman lahat mae-explainan mo nang maayos.



"Siyempre, they will always take it against us na pribado na naman ang reception, lahat-lahat.



"Pero, siyempre po, salamat at naiintindihan kami ng ibang mga tao.



"Sa mga hindi po nakakaintindi, e, ganoon po talaga ang buhay, pasensiya na po.



"Sa lahat ng naghihintay, babalik din po ako.



"Ine-enjoy ko lang po itong aming bagong baby at kailangan ko lang din po na magpa-impis ng pisngi, para sa pagbabalik ko, e, hindi naman ako magmukhang katawa-tawa."


* * * * * * * * * * * * * * *


Ryan Agoncillo talks about the very private, almost "secret" christening of Baby Lucho

Father Tito Caluag officiated the christening of Juan Luis Santos Agoncillo or Lucho at the Sacred Heart Parish in Hillsborough, Alabang on November 14, 2010. The reception was held at a restaurant at The Fort.

Courtesy of Noel Ferrer

* * * * * * * * * * * * * * *

Rose Garcia

Sunday, November 21, 2010
12:49 PM

Last Sunday, November 14, bininyagan na nga ang anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Juan Luis Santos Agoncillo or Baby Lucho.



Si Father Tito Caluag ang nag-officiate ng christening sa Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang, at sa isang restaurant naman sa The Fort ginanap ang reception.



Sa Startalk kahapon, November 20, isang exclusive interview ang ginawa ng program co-host na si Joey de Leon kay Ryan habang nasa dressing room sila ng Eat Bulaga. Si Ryan ay co-host sa naturang lunchtime show ng GMA-7.



Ang binyagan ay naging napaka-pribado at halos sikreto sa karamihan, walang kaibahan nang maganap din ang church wedding nina Juday at Ryan.



Ayon nga kay Ryan, "Unang-una po, gusto kong magpasalamat sa staff ng Eat Bulaga, Pinoy Henyo at kay Joey at kay Bossing [Vic Soto] sa ipinambayad namin sa binyag. Marami-raming shower 'yun," biro niya na natatawa.



At dahil pribado nga ang naganap na binyagan, unang tinanong ni Joey kay Ryan ay kung sino-sino ang mga ninong at ninang na kinuha nila para kay Lucho.



Aniya, "'Yung mga ninong at ninang na kinuha namin—si Beth Tamayo, best friend ni Juday. Pero proxy lang kasi, wala siya sa Pilipinas ngayon. Tapos, yung kuya ko, si Kuya Dondi, nag-iisa kong kapatid. Siya ang kinuha naming ninong. Si Yohan kasi, yung panganay namin, puro ang mga ninong at ninang, kay Misis.



"Ngayon, kay Lucho, sa amin naman, sa amin naman nakuha."



Nagawa rin ng mag-asawang Ryan at Juday na hindi muna maipakita or maglabas ng picture ng almost one-month-old nilang baby simula nang maipanganak ito ni Juday noong October 7. Pero tinupad din nila ang promise na pagkabinyag ng bata ay ipapakita at ipapakita na nila ang picture ng anak.



LUCHO HAS RYAN'S EYES. Ang madalas nga raw itanong ay kung sino ang kamukha ni Lucho.



Ayon kay Joey, sa TV raw, si Juday ang kamukha, although sa personal, mas si Ryan naman.



Naniniwala si Joey na magbabago pa rin daw ang features ni Lucho. Sa ngayon, kapansin-pansin lang na ang mata ay kuha kay Ryan.



Natawa si Ryan sabay sabi nang, "bilog na bilog, bright na bright."



Gumigising din ba siya at nag-aalaga sa madaling-araw?



"Sa ngayon, e, moral support support lang ako. Nakikiusyoso lang, nakiki-nerbiyos. Nagbi-breastfeed po kasi."



May kuwento rin si Ryan para raw hindi masyadong makaramdam ng selos si Yohan sa pagdating ng kanyang baby brother.



Sabi nga ni Ryan, "May itinuro sa amin si Ruby [Rodriguez, co-host sa EB]. Kapag nasa lap, lagyan lang ng unan para may feeling si Yohan na involved siya sa pagpapalaki kay Lucho, para responsible siya."



Tinanong din ni Joey si Ryan kung totoo gang gusto na raw ni Juday masundan agad si Lucho para magkakabarkada na?



"E, basta ba may go-signal na ng doctor, e," natatawa niyang sabi.



Mas gusto rin ba niya na dikit-dikit ang ages ng mga baby?



"Ako pa ba ang tatanggi? E, okay lang, maganda naman ang kinakalabasan, e."



PRODUCT ENDORSEMENTS. In terms of commercials and endorsements for baby products, meron na raw bang offer kay baby Lucho?



"Sa ngayon, ang alam ko, meron na," prangkang sagot ni Ryan. "Pero si Mommy ang nakikipag-usap, e. Pinapabayaan ko na si Juday ang makipag-usap. Kasi, hindi ko na ano yun, e, mas linya na niya yun."



Sa huli, nagpasalamat si Ryan sa mga taong nakinig at sumunod daw sa naging request nilang maging pribado ang binyag ng anak.



Aniya, "Sa mga nag-grant po ng request namin and to those who patiently waited sa picture ni Lucho, maraming salamat po sa paghihintay... and to all the well-wishers, marami pong salamat."


* * * * * * * * * * * *

Ryan at Juday inakusahang maramot ng fans
THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated November 21, 2010 12:00 AM

Sa pagnanais ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos Agoncillo na mairaos sa napaka-pri*badong paraan ang ilang mga pangyayari sa kanilang buhay tulad ng kasal nila, at lately, ang binyag ng kanilang anak na si Baby Lucho, tila dumarami ang mga tagasubaybay nila na nagtatampo na sa kanila.

Maraming tumatawag sa aking programa sa radio ang nagpapaabot ng kanilang pagtatampo sa mag-asawa. As if daw magi-gate crash sila, hindi sila ang tipo ng mga fans na pumupunta sa mga lugar at okasyon na kung saan ay hindi sila imbitado. Pero sumama raw talaga ang loob nila ng mabasa na nagpabinyag na ng anak ang dalawa nang hindi man lamang nila ipinaalam. Feeling nila, ang damut-damot na ng dalawa.

First glimpse of baby Lucho Agoncillo after his baptism!





Juan Luis Agoncillo, or baby Lucho, was baptized on November 14. His godparents are Beth Tamayo, Ronald Agoncillo, Aileen Kalalo, and Renato Arcilla.

courtesy of Noel Ferrer




* * * * * * *

Trish Alvarez

Tuesday, November 16, 2010
04:39 PM

Bininyagan na si Juan Luis Santos Agoncillo sa Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang. Ang baptism ay isinagawa ni Fr. Tito Caluag. Pagkatapos, nagkaroon ng reception sa isang restuarant sa Global City o Fort Bonifacio.



Ilang beses nang nagkuwento sa telebisyon at pahayagan si Ryan Agoncillo tungkol kay baby Lucho (palayaw ng anak nila ni Judy Ann Santos).



Pero hiniling ng mag-asawa na hihintayin muna ang binyag bago nila ipapakita ang larawan nito sa publiko.



Kahapon, may mga nauna nang naglabas ng video at paparazzi photos ng baptism at reception. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin sina Ryan at Juday sa mga miyembro ng press na nirespeto ang kanilang kahilingan.



Heto ang pahayag ng mag-asawa sa pamamagitan ni Noel Ferrer, ang talent manager ni Ryan at blogger din dito sa PEP:



"It was just a matter of time before this picture of baby Lucho was to be shared to the press.



"It was just the family's request to wait until after the baptism was done.



"We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request—except for one who came out with paparazzi shots of the baptism and reception.



"We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family.



"As always, thank you for all for your prayers and support!



"Welcome to the Christian world, Baby Juan Luis Santos Agoncillo!"

Juday, ‘di nakayanan ang katakawan ni Baby Lucho


ABU TILAMZIK 


SA press release pa lang na ipinadala ng manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer, nahahalata na naming disappointed ito sa inilabas ng ABS-CBN 2 na paparazzi shots na kuha sa binyag at reception ni Baby Lucho.

Bahagi ng press release nito, “We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request -- except for one -- who came out with paparazzi shots of the baptism and reception.

“We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family.”

Ang nakarating sa amin, sa GMA 7 lang muna ipinadala ang litrato ni Baby Lucho at sa ilang diyaryo.

Nang nakausap namin si Mommy Carol kahapon, masama rin ang kanyang loob dahil nirespeto ng mga kaibigang press at media ang konting privacy na hinihingi nina Ryan at Juday para sa kanilang anak, hindi man lang daw ito pinagbigyan ng kung ano mang programa sa ABS-CBN 2.

Nagulat na lang daw sila nang lumabas iyun sa TV Patrol na kuha mula sa malayong lugar.

“Naintindihan ko naman iyun na parehong celebrity sina Juday at Ryan pero they’re human beings na humihingi lang naman ng konting privacy,” himutok ni Mommy Carol.

“For 22 years na binibigay naman ni Judy Ann ang lahat sa publiko at wala namang naitatago, itong konting hiling lang naman nila na kung puwede, para sa kanila na lang muna iyun, pero isi-share naman nila pagkatapos lang ng binyag, hindi man lang napagbigyan.

“Nakaka-disappoint lang talaga,” patuloy ni Mommy Carol.
Hindi pa raw niya nakakausap si Judy Ann nang nakapanayam namin ito kahapon kaya hindi lang niya alam kung masama rin ang loob nito sa ginawa ng ABS-CBN 2.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Mommy Carol na napaaga ang binyag sa isang chapel sa Alabang at ang reception ay lunch na sa isang restaurant sa The Fort.
Naghanda raw ang mag-asawa ng masarap na almusal kaya parang natuwa na raw sila sa handaang iyun.

Pagdating sa reception ay doon na nagdatingan ang iba pang mga malalapit na kaibigan na imbitado sa naturang selebrasyon.

Nakatatlong palit pa raw ng damit si Baby Lucho at kakaiba pa raw ang ipinapasuot ni Juday dahil hindi raw ito naka*damit pambinyag kundi parang cool na bagets na naka-T-shirt at maong jeans ito. 

“Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ni Juday sa anak niya,” natatawang pahayag ni Mommy Carol.

Nakapanayam ni Tito Joey de Leon si Ryan para sa Startalk at tuwang-tuwa itong ikinukuwento ang malaking pagbabago sa kanila magmula nang duma*ting si Baby Lucho.

Sa loob ng isang buwan ay nagpapa-breastfeed daw si Juday pero ngayon ay hinahaluan na raw ng formula dahil hindi nakayanan ni Juday ay pagiging matakaw ng kanilang anak.

Kuwento ni Mommy Carol, ang lakas dumede ni Baby Lucho, kaya pinayuhan na raw ito ng kanilang doktor na puwede na itong sabayan ng formula na gatas.
Kuwento ni Ryan, nakikita niya kay Juday na kahit enjoy na enjoy ito sa pag-aalaga sa kanilang anak, parang hinahanap na rin nito ang magtrabaho pero medyo matagal-tagal pa raw iyun.

Ang tantiya niya, mga mahigit isang taon pang magpapahinga si Judy Ann sa showbiz dahil gusto nitong personal na matutukan ang kanilang anak. 
Iyan ay kung hindi pa mabubuntis uli si Juday, ha?!

Samantala, nakara*ting na rin sa amin na meron nang commercial na gagawin si Judy Ann kasama si Baby Lucho at baka pati pa si Yohan, pero hindi pa puwedeng i-share ito ni Ryan dahil si Judy Ann daw ang nagde-decide niyan.
Mukhang malapit na itong gawin ni Judy Ann dahil nailabas na sa publiko ang litrato ng kanilang anak.

Juday, Ryan release baby's first official photo



By KAYE VILLAGOMEZ
November 17, 2010, 2:24pm

MANILA, Philippines - Like how they managed to skirt the public on their wedding day, Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos have kept people from seeing their son Juan Luis' photos until now.

The showbiz couple wanted to have the baby baptized first before letting the public have a glimpse of Lucho, Juan Luis' nickname.

"It was just a matter of time before this picture of baby Lucho was to be shared to the press. It was just the family's request to wait until after the baptism was done," Mr. and Mrs. Agoncillo relayed to Bulletin Entertainment via an email sent by Ryan's manager Noel Ferrer.

"We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request—except for one who came out with paparazzi shots of the baptism and reception," the statement read.

Ryan and Judy Ann recognize the patience that the entertainment media exercised to honor their wish.

"We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family."

Officiated by Fr. Tito Calauag, Lucho was baptized at the Sacred Heart Parish in Hillsborough, Alabang. Reception followed at Global City in Taguig.


* * * * * * *


Baby Lucho nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nabinyagan na!

BONGGA TALAGA SINA Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, naitago na naman nila ang pagpapabinyag sa anak nilang si Baby Lucho.

Noon pa man ay sinasabi na ng mag-dyowa na gusto nilang very private ang pagpapabinyag sa kanilang anak, at natuloy nga ito nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa Hillsborough Chapel sa Alabang.

Kuwento ni Mommy Carol, dalawang pares lang daw ang ninong at ninang, pero saka na raw niya ito ikukuwento sa amin sa Startalk.
Naintindihan naman namin kung gusto munang itago nina Juday dahil sinasabi naman nila noon pa na kung puwede, ii-enjoy muna nila ang privacy ng kanilang anak.

Kaya hintayin na lang natin kung kailan na sila handang ipakilala ang kanilang anak.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwentong iyan dahil susubukan daw ni Joey de Leon na ma-interview si Ryan at siyempre may tsika rin si Mommy Carol sa atin.


Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

* * * * * * * * * * * *

Eto na ang baby ni Juday! 

IN-EMAIL sa amin ni Noel Ferrer (manager ni Ryan Agoncillo) ang litrato ng anak nina Ryan at Judy Ann Santos kahapon, kasama ang ma*ikling liham:
“It was just a matter of time before this picture of baby Lucho was to be shared to the press. It was just the family’s request to wait until after the baptism was done.
“We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request -- except for one -- who came out with paparazzi shots of the baptism and reception.
“We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family.
“As always, thank you for all your prayers and support!
“Welcome to the Christian world, Baby Juan Luis Santos Agoncillo!”


* * * * * * * * * * * * * * *

Baby Lucho nina Juday-Ryan, ibinahagi na sa publiko!


Star Nga ba ni Alfie Lorenzo

Super dami na ang nangungulit sa akin na ipakita ko raw ang picture ni Baby Lucho nina Juday at Ryan Agoncillo. Ang tagal na raw nanganak ni Juday at sabik na sabik na silang makita ang bunga ng pagmamahalan nila ni Ryan.


Eh, waiting lang naman ako siyempre, dahil siyempre, ang parents ni Baby Lucho ang dapat masunod, kung kailan nila dapat ipakita sa publiko ang bata.


Anyway, kahapon ay nag-email na si Noel Ferrer ng official picture ni Baby Lucho. At sure ako, ngayon pa lang ay nagtititili na ang mga fans nina Juday at Ryan, dahil sobrang cute talaga ni Baby Lucho.



Narito ang kalakip na email na explanation ni Noel kung bakit natagalan ang paglabas ng picture ni Baby Lucho:


“It was just a matter of time before this picture of Baby Lucho was to be shared to the press. It was just the fami*ly’s request to wait until after the baptism was done.


“We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request -- except for one -- who came out with paparazzi shots of the baptism and reception.


“We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family.


“As always, thank you for all your prayers and support!


“Welcome to the Christian world, Baby Juan Luis Santos Agoncillo!” -- Noel Ferrer.

First glimpse of Juday and Ryan’s baby Lucho

Tulad ng kanilang pangako, ipinakita na nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang larawan ng kanilang anak na si Juan Luis o “Lucho", matapos itong mabinyagan noong Linggo. 

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ng anchor na si Pia Guanio na mismong ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer ang nagpadala ng larawan sa GMA News ni Lucho na one month old na.

Ayon kay Noel, nagpapasalamat daw ang mag-asawa na mga gumalang sa kanilang request na hintayin na munang mabinyagan si Lucho bago maipalabas ang kanyang litrato.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Nauna nang sinabi ni Ryan na batay na rin sa kagustuhan ni Juday ay ipakikita lang nila ang anak sa publiko kapag nabinyagan na ito. 

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP nitong Martes, sinabing ginanap ang binyagan Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang na pinangunahan ni Fr. Tito Caluag. 

Pagkatapos ng bigyan, ginawa naman ang reception sa isang restaurant sa Global City o Fort Bonifacio sa Taguig. - FRJimenez, GMANews.TV