@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 27, 2011

Kris ipinaubaya na ang award kay Juday

Mamayang gabi na gaganapin ang awards night ng MMFF 2011. Kung sa takilya ay mahigpit ang bakbakan ng Enteng ng Ina Mo at Panday 2, mamayang gabi ang sinasabing maglalaban naman ng husto ay ang Yesterday Today Tomorrow at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
In fairness to Tikoy Aguiluz who directed the  4th version of the notorious Tondo character, maganda ang produkto niya pero marami ang nagsasabi na bibigyan siya ng magandang laban ni Jun Lana na nagdirek naman ng Yesterday…
Samantala, marami ang hindi nagandahan sa sinabi raw ni Kris Aquino na ibinibigay na niya ang best actress kay Judy Ann Santos. Marami ang nagsasabi na hindi naman daw sila ang maglalaban sa nasabing kategorya kaya wala siyang pagkakataon o award na maipapaubaya kay Juday.
Ako naman, in fairness to Kris, wala naman akong nakikitang masama sa sinabi niya. Kung inaakala niyang comparable sa performance ni Juday sa My Househusband ang acting niya sa Segunda Mano, sino tayo para kontrahin ‘yun? Opinyon niya ‘yun, igalang na lang natin. Siguro naman wala siyang intensiyong makasakit.



No comments:

Post a Comment