@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, December 9, 2011

Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang perso­nal na nagluto ng mga pagkain sa presscon ng My Househusband sa Napa Restaurant & Bar. Nadatnan ng entertainment press si Ryan habang nag-iihaw ng isaw at nagluluto naman si Judy Ann ng bulalong lugaw, isa sa mga pinakamasarap na natikman namin.

Si Judy Ann pa ang apologetic sa press people dahil na-delay ang pag­labas ng mga niluto niya.

Walang dapat ihingi ng paumanhin ang aktres dahil masarap ang mga pagkain na inihain nila ng kanyang asawa.

Ang My Househusband ang official entry ng OctoArts Films sa 2011 Metro Manila Film Festival at ito ang unang pelikula ni Judy Ann, matapos isilang ang baby boy nila ni Ryan.

***

Ang frequent visit sa gym ang sikreto ng mabilis na pagpayat ni Judy Ann. May strict schedule na sinusunod si Judy Ann kaya balanse ang oras niya para sa kanyang pamilya at mga personal na lakad.

Nagugulat ang mga nakakakita kay Judy Ann nang personal dahil mas payat siya ngayon, kum­para noong dalaga pa siya.

No comments:

Post a Comment