@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, December 3, 2011

Juday-Ryan marriage, on the rocks na?

Star Nga Ba by Tito Alfie Lorenzo Bigo na naman ang mga gustong gumawa ng usapin kina Juday at Ryan *Agoncillo. Text sa akin nitong may number na +639268286016 : “Why is Ryan no longer using his wedding ring? And so with Juday? Tapos sa wedding ni Jolens si Gha ang kasama niya at iyak pa siya nang iyak doon. Is there truth sa rumors na on the rocks ang marriage nila? Thanks. Concerned lang po.” Sagot ko: “Naku, ha! Hindi na kayo tumama. Wala na kayong tinamaan kahit na last six digits man lang! From Julia Clarete to Daiana menezes tinatawanan lang ni Juday ang mga pakulo ninyong ‘yan. Hindi mahilig ang alaga ko sa eskandalo and *being written about on the front pages about magulong buhay. Yes! Their marriage is on the rocks! Sa Hardrocks cafe at enjoy sila doon sipping their favorite coffee. Ha! Ha! Ha!

 ------- I saved all these petty text messages at pinu-forward kina Juday at Ryan kaya alam kong tina*tawanan lang nila ang mga ito dahil palaging ang sagot sa text nila ay simple “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” Tamang-tama naman nu’ng dumating itong text na ito sa akin ay nasa preskon ako ng MMFF entry ng dalawa na My Househusband. Kinorner ko si Ryan, “Bakit ‘di mo raw suot ang wedding ring mo? Sagot ni Ryan: “Aling wedding ring, meron pa bang iba kesa rito”, at ipinakita ang kamay niyang may suot na wedding ring sa daliri niya. Si Juday naman ang hinarap ko: “Wala ka na raw wedding ring na suot, isinangla mo na ba sa Lhuillier?” “Ha? Ito? Kahit na mawalan ako ng pera hindi ko isasangla ito, noh!” Hayun at kinaway-kaway ni Juday ang kamay niyang nanduon din ang wedding ring niya. Hay, ewan ko ba sa mga texters na ganito kung papaano nila nazu-zoom in ang mga mata nila sa maliliit na daliri ni Ryan at pati wedding ring nito ay target ng chika! Eh ang layo ng audience seat sa stage ng Eat Bulaga, noh! Magnifying eyes? Kita ninyo naman ang mga nabasa ninyo, sa halip na ‘yung tungkol sa movie nila ang masulat eh ang halos lahat ng headlines ay tungkol kay Juday na sexy na raw uli at balik na sa dating payat na katawan niya kaya handa na uli magbuntis! Para mapabayaan agad si Lucho?

No comments:

Post a Comment