@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label agoncillo. Show all posts
Showing posts with label agoncillo. Show all posts

Wednesday, October 20, 2010

Ryan Agoncillo looks back on the day his son Juan Luis entered his life

Ryan Agoncillo looks back on the day his son Juan Luis entered his life

 
Ryan Agoncillo says about being a father to newborn son Juan Luis, "Masarap, pero hindi pa masyadong nagsi-sink in, e. Bagong silang pa lang, e. I'm looking forward na maging malikot na siya para puwede na makipaglaro."
 
The TV host dedicated his Aliw Awards Hall of Fame award to his family.

(CLICK HERE to view PEP's video of Ryan during the 23rdAliw Awards.)

Ryan Agoncillo looks back on the day his son Juan Luis entered his life
Jocelyn Dimaculangan
Rating
Aliw Awards Hall of Famer Ryan Agoncillo happily narrated details about his newborn son, Juan Luis, who was born last October 7. He revealed that Lucho (Juan Luis's nickname) weighed 6.9 pounds at birth and measured 52 centimeters.

The husband of Judy Ann Santos graced the 23rd Aliw Awards at the Manila Hotel Fiesta Pavilion last October 18. Ryan won the award for Best Emcee (Male) three times in a row—in 2007, 2008, and 2009—making him eligible to be inducted into the Hall of Fame.

(CLICK HERE to view the complete list of winners of the 23rd Aliw Awards.)


HOW LUCHO CAME INTO THIS WORLD. Ryan revealed that Juday (Judy Ann's nickname) initially wanted to go through childbirth without the use of medication. But eventually, she decided to use anaesthesia when the contractions became unbearable.

He recalled that fateful day when their son entered their lives.

"Nakakanerbiyos kasi ako yung dakilang assistant. Lahat ng staff nakatutok sa medical needs, ako dun sa mga kailangan [ni Juday].

"Nagsimula siya ng labor, Wednesday night [October 6]. Pag-uwi ko lang trabaho, sabi niya sa akin, 'Dad, parang ito na yata.'

"Alas sais ng gabi, nag-light dinner kami then we waited until hatinggabi, pero hindi pa regular ang mga contractions. So, sabi namin, matutulog na lang kami kasi gigisingin kami ng mga contractions niya.

"Around 9:30 a.m., pumunta na kami sa hospital kasi regular na yung contractions niya. Mabilis na lang... By 5:31 p.m., nanganak na siya."

Ryan commended the staff of the hospital where Juday gave birth. "Magaling sila... lahat sila, pati mga nurses at doctor, nakikibilang sa pag-ire. Pagkatapos ng isang ire, nagtsi-cheer sila at sinasabi, 'Good job, Mommy.'"

When asked if Lucho looked more like him or Juday, Ryan quipped, "Malas niya, parang ako nga yata!"

LUCHO'S BAPTISM. When members of the press asked Ryan to share photos of his son, the TV host-actor explained, "Sabi ni Juday kasi, hangga't hindi pa nabibinyagan, hindi pa puwede ipakita sa tao. Parang may kasabihan yun, di ba?"

Regarding the baptism of the newest member of their family, Ryan said that there are no definite plans yet.

As for the list of godparents, Ryan mentioned that Beth Tamayo will be a ninang while Ryan's brother will serve as a ninong.

Ryan admits that he has not yet tried changing Lucho's diapers since he is tasked to take care of Yohan, their eldest daughter.

"Mangiyak-iyak si Yohan kasi natutuwa siya ng meron na siyang kapatid, pero may halong selos. Kaya halos every night, date kami ni Yohan."

Do they have plans to have another baby soon?

"Mamaya!" Ryan quipped.

Thursday, October 14, 2010

Judy Ann’s bundle of joy




If it’s a misfortune for Mark Herras, it’s the other way around for young superstar Judy Ann Santos. Last Thursday evening, Judy Ann was sitting on top of Yahoo! Philippines trending topic and if you clicked on her name you would have redirected to reports that she has given birth to a 6.9-pound baby boy.
On national TV, Judy Ann’s mom,Carol, confirmed the birth of Baby Lucho (or Juan Luis Agoncillo) through a normal delivery. She said that the actress didn’t have any hard time.
“Saglit lang daw. 4 cm [centimeters] pa lang lumabas na ‘yong bagets,” she shared in an interview.
The delighted grandmother didn’t provide any details saying that Juday and Ryan will officially share the photos with their fans in due time. Nonetheless, Juday’s mom added that the baby got his father’s nose and his mother’s mouth. Lucho is set to be christened next month and just like the wedding of his parents, only friends close to the family are invited.



http://andronico.wordpress.com/2010/10/15/raunchy-photo-drags-mark-herras%E2%80%99-name/

Sunday, October 10, 2010

Ryan Agoncillo snaps pictures of wife Judy Ann Santos giving birth and snips umbilical cord of son Lucho

Ryan Agoncillo snaps pictures of wife Judy Ann Santos giving birth and snips umbilical cord of son Lucho

Happy parents Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos exchanged gifts after son Lucho was born. Ayon kay Juday, "Actually, hindi naman namin napag-usapan. Nagkataon lang na pareho pala naming iniisip na magbigay ng regalo sa isa't-isa.  Si Rye nagbigay ng singsing.  Ako po, daddy watch."
 
Ryan Agoncillo snaps pictures of wife Judy Ann Santos giving birth and snips umbilical cord of son Lucho
Rose Garcia
Rating
Live over the phone, nakausap ng Startalk ang proud parents ni baby Lucho na sina Ryan Agoncillo at  Judy Ann Santos.  Ramdam na ramdam kahit sa boses at pananalita ng dalawa ang excitement at kaligayahan sa pagdating ng kanilang first biological son na si Lucho.

Ipinanganak ni Judy Ann si baby Lucho noong Huwebes, October 7 sa Asian Hospital.

Unang tanong ni Joey de Leon kay Ryan ay kung nakaka-ilang kuha na ng pictures ito sa kanilang anak dahil alam daw niyang baliw na baliw ito sa kanilang baby boy.

Say naman ni Ryan, "Oo, marami-rami na. Pictures at saka video.  Dahil kasama ako sa delivery room. Habang nagle-labor si Juday, hanggang sa lumabas ang bata.  Ako rin 'yung nagputol ng umbilical cord, e."

Kuwento ni Joey, alam daw niyang noong una, nag-alangan si Ryan na gawin ang bagay na 'yun. Say pa niya na hindi naman daw ganoon katapang si Ryan at sa kotse lang daw ito matapang. Kaya ang tanong ni Lolit Solis ay hindi ba ito natakot?

"Hindi, e...excited na excited ako. Medyo nanginig ang tuhod, pero, masarap."

Biro naman ni Joey, hindi raw ba nanginig ang tuhod ni Ryan sa sinabi ni Mommy Carol na ang gusto ni Juday, gumawa sila agad ng kasunod ni Lucho?

Natatawang sagot naman ni Ryan, "Eto na nga, nagpa-order na ako ng ilang basket ng balut.  Si Juday kasi, biru-biruan namin, hindi nahirapan sa pagbubuntis tapos, pati sa panganganak, hindi rin. "

Kasama ni Juday si Ryan sa pag-attend ng Lamaze classes noong buntis pa ito.

Hirit pa ni Ryan, "Limang ire lang, lumabas na agad.  Hindi pala parang sa pelikula na nagsisigawan.  May holding hands.  Talagang hindi puwedeng iwanan."

Binati ni Judy Ann ng advance 'Happy Birthday 'si Joey kung kaya't nakausap din nito ang dalawang hosts ng Startalk yesterday.  Sabay pagkamusta nga sa kalagayan nito ngayon.

Ayon kay Juday, "Medyo ayos na.  Recovering. Nakakatayo na. Nakakalakad na ng konti."

Tinanong din ni Joey si Juday kung ano raw ang sinasabi ni Mommy Carol sa naging exchange gifts nila ni Ryan nang makapanganak na siya?

Hindi naman ito ipinagkait ni Juday na malaman ng publiko.

Ayon nga kay Juday, "Actually, hindi naman namin napag-usapan. Nagkataon lang na pareho pala naming iniisip na magbigay ng regalo sa isa't-isa.  Si Rye nagbigay ng singsing.  Ako po, daddy watch."

Hirit naman ni Lolit, 10 carats daw ba ang singsing na iniregalo ni Ryan?

Natatawang biro naman ni Juday, "Mga 42 karats!"

Si Juday naman mismo ang tinanong ni Joey kung talagang seryoso ito sa sinabing gusto na niya agad sundan ang kanilang si Lucho?

"Siguro ho, mga isa o dalawang taon muna. Masakit pala 'yung tahi," natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Normal delivery po. Hindi ko lang din ini-expect 'yung pain ng contraction na ganoon katindi.  Siguro sa susunod, mas alam ko na. Mas alam ko na ang mga i-e-expect ko na proseso.  Yung ngayon kasi, bagung-bago sa akin kaya ang hirap. Nasaktan talaga ko."


Inurirat din ni Joey kung may mga nag-aalok na raw ba ng commercial para sa kanilang kasisilang na sanggol?

"May mga nag-i-inquire, pero, hindi na muna namin pinag-uusapan masyado. Kasi, masyado pang maaga para i-schedule namin ang mga kaganapan sa buhay ni Lucho. So, i-enjoy na lang muna namin."

Seryosong tanong naman daw ni Joey ay kung umiyak ba si Ryan nang lumabas na si baby Lucho?

"Hindi, e. Kasi, tawa kami ng tawa sa delivery room."

Si Ryan na ang sumagot nang, "Actually, tawa kami ng tawa sa delivery room. Kahit si Juday, naka-anesthesia na, pero, tawa ng tawa."

Eat Bulaga! Judy Ann’s first interview after giving birth to baby Lucho







Bagaman masakit pa ang tahe, sinabi ni Judy Ann Santos na nakakalakad na siya matapos niyang isilang (normal delivery) ang baby nila Ryan Agoncillo na si Juan Luis “Lucho" Santos Agoncillo, nitong Huwebes.

Sa phone interview ng noontime show Eat Bulaga nitong Sabado, sinabi Judy Ann na nakagagalaw at nakakalakad na siya. Nakatulong umano ang madalas niyang paglalakad noong ipinagbubuntis pa si Lucho kaya naging madali ang kanyang panganganak.

Hindi pa naman masabi ng aktres kung sino talaga ang kamukha ng baby dahil nagbabago pa ang itsura nito. Gayunman, nakikita ni Judy Ann na nakuha ni Lucho ang kanyang labi, habang kay Ryan ang mukha.

Nagawa naman ni Ryan na magbiro nang sabihin nito na, guwapong-guwapo ang kanyang baby at kamukha ng hardinero. (Read: Baby ‘Lucho’ looks like his daddy Ryan – Juday's mom)

Matatandaan na sa Eat Bulaga rin unang inanunsiyo ni Ryan na “gumagana si ‘manoy’ nang ipaalam niya na buntis si Judy Ann.

Ikinuwento rin ni Ryan nitong Sabado sa EB kung gaano kabilis ang panganganak ni Juday na nakuha lang umano sa limang pag-iri. Si baby Lucho ay tumitimbang ng 6.9 pounds at iniluwal ng aktres dakong 5:51 p.m. noong Huwebes sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa.

Nagpasalamat din si Judy Ann sa mga dabarkads na nagdasal para sa kanya at sa patuloy na suporta kay Ryan at sa kanyang pamilya.

Ipinangako rin niya na makikita rin sa Eat Bulaga ang kanilang baby ni Ryan. - FRJImenez, GMANews.TV




http://gmaseven.blogspot.com/2010/10/eat-bulaga-judy-anns-first-interview.html

Saturday, October 9, 2010

MOMMY CAROL on UKG 10-08-2010

Juday and Ryan talk about their baby 'Lucho

Matapos manganak Juday niregaluhan uli ni Ryan ng singsing




ni Lolit Solis

Singsing ang regalo ni Ryan Agoncillo kay Judy Ann Santos at Daddy watch naman ang gift nito sa kanyang mister nang isilang niya ang kanilang anak na si Juan Luis a.k.a Lucho.

Ayaw sabihin ni Juday kung ilang carats ang singsing na natanggap niya mula sa kanyang dyowa pero sure ako na mamahalin ‘yon.

Nanganak si Juday noong Huwebes at kahapon ang first time na narinig ng televiewers ng Startalk via phonepatch interview ang kanyang boses mula nang isilang niya si Lucho.

Normal ang pagsisilang ni Juday sa bagets. Ibinalita niya kahapon na nakakapaglakad-lakad na siya.

* * *

Iba naman ang news ni Mommy Carol Santos, ang madir ni Juday. Si Mommy Carol ang nagbigay ng impormasyon na pabibinyagan na nina Ryan at Juday ang kanilang anak sa November.

Ang sey ni Mommy Carol, excited na ang mag-asawa na ipasyal ang kanyang apo kaya maaga ang pagbibinyag kay Lucho. May matandang kasabihan na masama na dalhin sa kung saan-saan ang isang sanggol kapag hindi pa ito nabibinyagan.

Tuesday, July 27, 2010

Preggy Juday willing to pose in the nude

Malaya
By Mario Bautista

Preggy Juday willing to pose in the nude

‘Okay lang, basta ang photographer, ang asawa ko kasi kumukuha naman talaga siya ng pictures.'



Judy Ann Santos is in a good mood as her movie "Hating Kapatid" is a bonafide hit, raking in P11 million on its first day per PR Shirley Pizarro.

"Suerte pala talaga ang buntis," she says. "Pampabuenas sa first movie namin ni Sarah Geronimo."

Her fans should really see this film as it would be her last one before giving birth.
 "Matatagalan before I do another film kasi I’ll breastfeed my baby and spend most of my time with him. Bumalik man ako sa work, I want to do a hosting job muna on TV para hindi ako masyadong mawala sa bahay ng matagal. Gusto ko I’ll be there when he talks and walks for the first time. I plan to do a babybook for him where I’ll record everything he does."

Everyone says she’s a beautiful pregnant woman. Would she be willing to pose in the nude showing her naked tummy like other preggy celebs? 

"Okay lang, basta ang photographer, ang asawa ko kasi kumukuha naman talaga siya ng pictures."

Wednesday, May 19, 2010

Juday, na-bad trip pagbalik sa bansa


Juday, na-bad trip pagbalik sa bansa



Alfie Lorenzo


NAKABALIK na ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula sa ilang araw na bakasyon sa Amerika.
Ayaw iwanan ni Ryan ang buntis na misis na gusto pa sanang mag-extend ng bakasyon nila ni Yohan.
Nakapag-taping na si Ryan para sa Talentadong Pinoy nu’ng Martes.
At si Juday, na-bad trip nang ibinalita sa kanya ng sekretarya niyang si Jane ang tungkol kay Direk Marilou Abaya. Ang gandang pasalubong niyon, huh!
May isa palang Enrico Santos na palihim na kinakausap ang Enpress best actress na si Iza Calzado para sa movie na ginagawa ni Juday for Direk Marilou para sa mga pari ng Peñafrancia sa Bicol.
Sabi raw ng Enrico na ito kay Iza na papalitan na niya si Juday sa lead role nito.
Uhum, ito rin kaya ang Enrico Santos na baliw at haling kay Rafael Rossel? Ka-Santos pa ni Juday pero traydor, huh!
Pero komo anak ko rin naman si Iza kay Lito Calzado, sinabi at nagtanong si Iza tungkol dito kay Noel Ferrer na manager ni Ryan Agoncillo na pinilit ni Direk Marilou na makasama ni Juday sa project na ito na may halong EMOTIONAL BLACKMAIL.
Pero si Tony Gloria na hindi pa nabobomba ang Plaza Miranda ay kasama ko na sa Zodiac Sounds Recording ay ayaw sumali sa ‘krimen’ kaya nag-backout na ang Unitel Productions ni Tony na kasosyo sana sa project na ito ni Direk Marilou.
Juday felt insulted sa ginawa nina Direk Marilou at ng Enrico na ‘yun. Only Iza can identify who this Enrico Santos is.
***
Ang Marilou Diaz-Abaya project na ito ang pinag-awayan pa namin ni Juday regarding scheduling.
Gustong unahin ni Juday ang project na ito above all the rest na takda niyang gawin.
Ang line-up last year ni Juday na mga pelikulang gagawin niya ay sa Viva Films, sunod ang GMA Films, then Regal Films na pang-Metro Manila filmfest nila ni Ryan at saka ‘yung kay Direk Marilou.
Ewan ko! Ewan ko! Kung anong convincing powers ang ginamit ni Marilou kay Juday at ito pa ang gustong unahin ni Juday over the Juday-Sa*rah Geronimo project.
I insisted to Juday though na mas kailangan niya ‘yung project nila ni Sarah dahil pang-masa ‘yun at pam-fans nila ni Sarah.
‘Yung mga kasama ni Juday nu’ng kausapin siya ni Marilou said na kesyo baka last directorial job na ni Marilou ito, kasi, may cancer siya etcetera na bumagbag sa kalooban ni Juday na sobrang malambot at madaling makumbinse when it involves AWA.
Awa to the proper persons who deserves it, sabi ko kay Juday. And beggars can’t be choosers, they say.
Kaya hindi puwedeng i-insist ni Marilou ang gusto niya para lang mapagbigyan siya. Hindi rin tama to use the name of God to call a project to push through.
Okay, nag-agree kami ni Juday na mauuna ang project nila ni Sarah at saka isusunod na ang kay Marilou.
At nu’ng mag-contract signing kami, Juday said na baka magbuntis na siya at lumaki na ang tiyan habang nagsu-shooting sila ng Peñafrancia film.
Okay lang daw, sabi ng direktora, dahil buntis naman daw ang role ni Juday sa movie.
And Marilou vehemently demanded Ryan’s partici*pation sa movie bilang partner ni Juday na akin ding tinutulan dahil it might prejudice the next team-up of Juday and Ryan sa Metro Manila filmfest project nila for Mother Lily.
At ewan ko uli kung paano kinumbinse na naman ni Marilou si Juday to beg her husband na tanggapin na nito ang maikling role sa mo*vie ni Marilou.
Despite her pregnancy, nakapag-shooting pa rin si Juday sa movie ni Marilou.
Nagpahinga muna si Juday sa Amerika para mawala ang stress niya sa tapings and shootings.
Nagkasundo namang sa pagbalik ni Juday mula Amerika ay tatapusin na ang project nila ni Sarah na may two days na lang ang natira and then concentrate na sa movie ni Marilou, only to find out upon her return trip ay may BACKSTABBING na palang nagaganap!
***
Nainsulto raw si Juday sa kawalang-galang na ginagawa na hindi man lang siya nakunsulta nor na-inform.
Eh ganyan din naman ang ginawa sa akin noon nang ialok kay Juday ang project. Si Juday muna ang kinausap and nobody bothered to contact me.
Si Juday na lang ang nag-inform sa akin na tinanggap na niya ang alok ni Marilou.
And to think na sa amin ni Douglas Quijano nag-seminar ‘yang Mari*lou Diaz-Abaya na ‘yan nu’ng papasok pa lang sa showbiz na palagi siyang nanduon sa apartment ni Douglas sa Sta. Mesa na kapitbahay ko si DCQ.
Na ang manager muna ang unang kinakausap tungkol sa project ng alaga. At tanging ang mana*ger ang may karapatang tumanggi o tumanggap ng alok para sa ala*ga bilang proteksyon sa career ng inaalagaan!
Sadyang bilog ang mundo!
-----------------------------------------------------

Nakita namin si mommy Carol Santos sa wake niArchie de Calma noong Wednesday night at isa sa mga tanong sa kanya ng press ay kung to toong iiwan na ni Ryan Agoncillo ang P.O.5, isa sa mga show nito sa TV5? Sabi ni mommy Carol, ang alam niya’y babalik sa Talentadong Pinoy si Ryan at last Tuesday, balik-taping na nga ito sa talent show.

Kinumpirma sa amin ng isang source na aalis na si Ryan sa P.O.5 dahil gustong maging libre ang Sunday niya at maalagaan ang buntis na asa wang si Judy Ann Santos at magabayan ang anak nilang si Yohanna mag-aaral na sa pasukan.

Naintindihan si Ryan ng management ng TV5 nang magpaalam, saka kapalit ng P.O.5 ang sitcom na ididirek ni Joey Reyes at may kinu-con*ceptualize pang talk show na pagsasamahan nila ni Mo Twister. Huwag ding kalimutang may Eat…Bulaga pa si Ryan.
* * *
Glitter Text Generator