@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, December 9, 2011

Juday, sumasakit ang ulo sa panregalo kay Ryan


(ALLAN DIONES)

NAKUMBINSI ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang 7-anyos nilang panganay na si Yohan na ibenta ang mga lumang gamit at laruan nito sa yard sale last week ng mommy ni Ryan. 

Kuwento ni Ryan sa presscon kamakalawa ng filmfest entry nilang My Househus­band, pinapili nila ang bagets ng lumang toys na puwede nitong ipagbili sa yard sale, na ang napagbentahan ay ibibili nila ng mga pagkain na ibibigay nila sa mga batang-kalye sa Pasko.

Ani Ryan, doon nila kukunin ‘yung pondo para alam ni Yohan na hindi lang nito basta ginibap ang kanyang mga laruan.

Alam nito na mapupunta ‘yon sa mga batang lansangan na walang makain sa Pasko.

Ang bunso nilang si Lucho ay nag-1-year-old na this year, pero sabi ni Juday ay salimpusa lang ito dahil wala pang muwang.

Si Yohan ay gusto nilang ma-experience ng bagets na this time ay ito naman ang Santa Claus ng mga kapus-palad na bata.

Si Lucho, kahit hindi pa nito maaalala ‘yon pag­laki, ngayon pa lang ay gusto na nilang si­mulan na meron itong image ni Santa Claus tuwing Pasko.

Nu’ng magsyota pa lang sina Juday-Ryan ay alam namin na pabonggahan sila kung magre­galo sa isa’t isa sa tuwing may okasyon.

Ngayon bang mag-asawa na sila ay paandar pa rin ang palitan nila ng regalo?

“Isa nga ‘yan sa nagpapasakit ng ulo ko. Ang sakit ng ulo ko ngayon, wala akong ipanreregalo kay Ryan,” natata­wang bulalas ni Juday.

Parang hindi naman totoo ‘yon dahil alam naming galante siya…

“Hindi na ngayon! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, kasi sa totoo, naging usapan din naman namin ni Rye ‘yon before, bago kami magpa­kasal, na ‘O, tama na sa malalaking regalo. Kasi, dapat na tayong mag-ipon.’

“Pero hindi naman kami nahinto do’n. Kasi, parang every year na dumarating, ‘pag nakikita mo talaga na hardworking ang asawa mo at masaya naman kayo, may effort maghanap ng ire­regalo.

Pero ngayon, iniisip ko pa.”

So, wala pa siyang naiisip bukod sa balingkinitan niyang katawan na ireregalo niya kay
Ryan sa Pasko?

“Actually, ‘yun na nga ‘yon. Ribbon lang ang katapat… pula! Ha! Ha! Ha!”

Nang tanungin namin si Ryan, ang sabi nito ay nabili na niya ang Christmas gift niya para kay Juday two months ago pa.

“Ano lang, nothing extraordinary. It’s just that tama si Judy Ann, eh. Like me, I see how hardworking she is as a mom, so kahit na nagpramis kami sa isa’t isa na wala munang malakihang regalo, I couldn’t help myself but to make sure…

“Kasi, maganda ‘yung you reward her emotio­nally, physically, ‘di ba? ‘Yun ang natutunan ko sa language ng mag-asawa.

“Kung kaya naman, hangga’t puwede, you reward her also, in a manner na gusto ng babae.

“Which is, hindi naman siya materyoso, eh. Hindi nga humihingi eh, kaya ang sarap niyang bigyan ng magandang regalo,” sambit ni Ryan.

So, anong clue sa regalo niya? Bagay ba ito?

“Ahh… oo! I’m ho­ping na magustuhan niya. Kumonsulta rin ako sa mga kaibigan niya.”

Sinusuot ba ito?

“Basta, gusto siya ng mga babae. Gusto siya ng misis ko! Ha! Ha! Ha!”

Sa Disyembre 25 ang showing ng My Househusband na dinirek ni Joey Reyes.

No comments:

Post a Comment