@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 12, 2011

Judy Ann Santos on her movie for MMFF this year: “Ang panlaban lang talaga namin is story.”



By: Rose Garcia
Monday, December 12, 2011 11:19 AM
Photo by: Noel Orsal


Judy Ann Santos on her movie with husband Ryan Agoncillo competing at the box-office for this year's Metro Manila Film Festival: “Wala naman kaming laban kay Kris [Aquino] at kay AiAi [delas Alas], sino naman kami, ‘di ba? Ano lang kami, pamilyadong tao na naghahandog ng magandang pelikula."

Masasabing magaganda ang lineup ng Metro Manila Film Festival ngayong taong ito. Halos malalaking pelikula nga ang malalaban-laban para sa nasabing taunang piyesta ng pelikulang Filipino..

Sa tingin ni Judy Ann Santos, gaano ba sila ka-pressured ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo sa magiging resulta ng entry nilang My Househusband: Ikaw Na! sa box-office?

“Malaking pressure. Kung paano ko na-pressure maglabas ng pagkain kanina, mas higit pa ro’n,” natatawang biro niya matapos niyang ipagluto ang press people sa kanilang presscon kamakailan.

“Pero siyempre, hindi mo naman maiaalis yun,” nakangiti niyang dugtong.

“Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng movie ni Ryan together, ‘tapos, [kasali pa sa] MMFF.

“’Tapos, wala naman kaming panlaban na effects sa pelikula.

“Ang panlaban lang talaga namin is story. Kung gaano karaming lesson ang maibibigay ng pelikulang ito sa mag-aasawa.

‘At mga kapitbahay na rin na mga etsoserang tsismosa. Pero, faith.

“Faith na alam namin na maganda ang pelikula at ginawa namin ito at masaya kami kung paano namin ginawa ang KKK [Kasal Kasali Kasalo]at SSS [Sakal Sakali Saklolo].

“And we’re like reuniting again with our family. Iba nga lang ang mother production na nagha-handle ngayon.”

Dugtong pa ni Juday, “Ang gusto lang namin, at least, mapansin lang ng tao ang pelikula.

“Ma-appreciate nila ang effort at time na inihandog namin sa kanila.

“Wala naman kaming laban kay Kris [Aquino] at kay AiAi [delas Alas], sino naman kami, ‘di ba?

“Ano lang kami, pamilyadong tao na naghahandog ng magandang pelikula.

“So, we really hope na mapanood ito ng lahat.”



No comments:

Post a Comment