@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 12, 2011

Judy Ann Santos says there is no issue if husband Ryan Agoncillo forgets to wear his wedding ring


Judy Ann Santos says there is no issue if husband Ryan Agoncillo forgets to wear his wedding ring

 
Judy Ann Santos on instances that husband Ryan Agoncillo forgets to wear his wedding ring: "Naiintindihan ko naman kapag hindi niya nasusuot yung wedding ring kasi nga nagmamadali. Mas gusto ko namang walang singsing kaysa walang saplot!"

Glen P. Sibonga

Sa bihirang pagkakataon, magkasabay na sumalang ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa lie-detector test para sa "Don't Lie To Me Reloaded" segment ng Showbiz Centralkahapon, Disyembre 11.

Magkasamang hinarap ng showbiz couple ang mga maiintrigang katanungan ng host na si John "Sweet" Lapus kaugnay pa rin ng promosyon ng pelikula nilang My Househusband: Ikaw Na!, na entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival 2011.

Bago ang tanungan, nagbigay pa ng trivia si Sweet na si Ryan daw ang kauna-unahang celebrity na sumalang sa "Don't Lie To Me.

Ngayon nga ay nagbabalik ang TV host-actor kasama ang misis na si Juday.

Unang tanong: Totoo ba na mas selosa si Judai kaysa kay Ryan?

Sagot ni Judai: "Hindi."

Sagot ni Ryan: "Yes."

Dahil magkaiba ang kanilang sagot, ang resulta ng lie detector: LIE ang sagot ni Juday habang TRUTH naman ang sagot ni Ryan.

Dinepensahan naman ni Ryan ang kanyang misis.

Aniya, "Mas madalas siyang magselos.

"Actually, ako yung mas seloso, pero mas madalas siyang magselos kasi sinasadya ko talaga minsang alam mo na...mang-ano lang."

Tinanong naman ni Sweet si Juday kung saang mga pagkakataon ba siya nagseselos—kung aalis si Ryan ng gabi na o may mga kasamang barkada o umuuwi ng madaling-araw?

"Sinungaling naman itong makina mo. Ano bang ngayayari diyan?

"Kasi sa pagkakaalam ko, tama ang isinagot ko, e. Hindi ako aamin!" nagtataray na biro ni Judai.

Bakit sa tingin mo hindi ka nagseselos kay Ryan?

"Walang dahilan," sagot ng young superstar.

Confident?

"Yes!"

At saka kung ganyan naman kaganda, may hahanapin ka pa ba?

"Tama! Ako talaga yung nagsabi ng tama!" natatawang sabi ni Juday.

NOT JEALOUS WITH DAIANA. Pangalawang tanong: Prangkahan na, may namagitan ba talaga kay Ryan at kay Dabarkads Daiana Menezes?

Matagal nang isyu ito na nagli-link kina Ryan at sa kasamahan nito sa Eat Bulaga! na si Daiana.

Sagot ni Juday: "No, wala."

Sagot ni Ryan: "No."

Ang resulta ng lie detector ay parehong TRUTH.

Ayon kay Sweet, last month lang ay nag-guest si Daiana sa Showbiz Central at sinabi nitong wala talagang katotohanan na may relasyon umano sila ni Ryan.

Tanong ni Sweet kay Ryan, bakit ba sa dami ng Dabarkads ay siya ang na-link kay Daiana?

Paliwanag ni Ryan, "E, ganun talaga, e. Hindi ko nga alam, e.

"Pero ang totoong napagselosan... kung may pagseselosan si Judy Ann, hindi mestisa, e.

"Kasi lingid sa kaalaman ng publiko, noong nagpo-potograpo pa ako, magsyota pa lang kami noon, doon ko nakilala [si Juday]

"Sabi ko, selosa itong babaeng ito.

"Nagpo-photography pa ako noon. May modelo akong kukunan para sa magazine.

"Pagka ang mga modelo Russian, Brazilian, dedma.

"Miminsan ako nagkaroong modelo na tsinita, muntik patayin!

"Nilaglagan talaga ng ilaw!"

Hirit naman ni Juday, "Ang kapal ng mukha mo! Hindi nangyari yun."

Sabi ni Ryan, "Sweetheart, don't lie to me."

Natatawang bawi ni Juday, "Hindi ko naman sinasadya. Nagasgasan ko lang."

Ayon kay Ryan, modelo lang daw iyon at hindi artista. Mga isa't kalahating taon pa lang daw sila magkasintahan ni Juday noon.

Tanong tuloy ni Sweet kay Juday, kung bakit sa tsinita siya naa-alert ng slight?

"E, kasi, galing siya sa tsinita, e," sabi ni Juday, na ang ibig sabihin ay tsinita ang huling girlfriend ni Ryan bago nagsing sila.

Pabirong hirit naman ni Ryan, "Mas maalarma ka kung sa tsinito!"

WEDDING RING ISSUE. Ang sumunod na tanong ni Sweet ay hindi na idinaan sa lie-detector test.

Direkta na niyang ipinasagot kay Ryan ang isyung sinasadya nga ba nito na huwag suutin ang wedding ring niya sa Eat Bulaga!.

Nakikita kasi sa TV na hindi niya ito suot at pinagmumulan pa ng isyung may problema sa relasyon nilang mag-asawa.

Paliwanag ni Ryan, "Hindi, kasi sa night table ko, pag naghuhubad ako ng relo at saka ng singsing, nandun sa tabi ko yun.

"Pero sa umaga, kapag nagmamadali na, nagpapalit ng relo.

"Kasi dun sa may table nakalagay yung box. Yung mga relo, nakalagay sa box.

"Pero kung ano yung hinubad ko, nasa night table ko.

"Pero pag nagpalit, naiiwan ko na.

"E, minsan nga tinext ako, e, 'Sweetheart, how come you're not wearing your ring?'

"So, hindi sinasadya, naiiwan lang. Lalo na pag nagmamadali.

"Lalo't taga-Alabang kami, e, sa Broadway ang Eat Bulaga!, matrapik.

"Sabi ko, 'Sweetheart, naiwan ko sa pagmamadali ko. Ano ang gusto mong maiwan ko, yung singsing o yung pantalon?'"

Balita ngang naging malaking isyu ang hindi pagsusuot ng wedding ring at pinagmulan daw ng tampuhan ng mag-asawa.

Sa pangatlong beses daw kasi na hindi pagsusuot ng singsing ni Ryan ay nag-react na si Juday. Totoo ba ito?

Sagot ni Juday, "Hindi. Actually, may isang tao yata na nagre-react tungkol diyan. May isyu.

"Hindi namin alam kung sino siya, pero sa tuwing hindi nasusuot ni Ry yung wedding ring niya, may kaakibat na kaagad na reaksiyon—na kasi nandiyan si Daiana Menezes kaya hindi suot yung singsing.

"As in, yung may istorya na agad nagawa.

"Wala, walang ganun.

"Naiintindihan ko naman kapag hindi niya nasusuot yung wedding ring kasi nga nagmamadali.

"Mas gusto ko namang walang singsing kaysa walang saplot!"

Sa parte naman ni Judy Ann, hindi naman daw niya nakakalimutang isuot ang wedding ring niya puwera lang nung tumaba ulit siya nang mabuntis.

"Tumaba rin kasi ang mga daliri niya kaya sumikip ang singsing.

Pero balik na raw ulit si Juday sa pagsusuot ng wedding ring niya dahil seksing-seksi na nga ulit siya ngayon.

Tanong tuloy ni Sweet, kung ano ang sikreto ni Juday at sumeksi siya agad-agad.

Sabi ng aktres, "My househusband [sabay turo kay Ryan]. 'Yan ang sikreto."





No comments:

Post a Comment