@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, December 9, 2011

EUGENE DOMINGGO to RYAN and JUDAY





RYAN AND JUDAY. Hindi naman naitago ni Uge ang paghanga sa relationship nina Ryan at Juday.

Para sa kanya ay ideal daw ang samahan ng mag-asawa.

Kuwento niya, “In fact nung nagpunta kami kina Ryan at Juday, kasi nag-celebrate kami dahil nakatapos kami ng pelikula, tuwing nakikita ko kung paano sila gumalaw, ang sarap tingnan.

“Sabi ko nga, ‘Ang sarap naman ng ganito. Sana ako rin.’ Ganun.

“I think, for me, dahil magkakalapit lang naman ang edad namin somehow, napaka-ideal. ‘

“I hope someday or very soon ako naman.”

Bukod sa pagiging ideal couple nina Ryan at Juday, ano pa ang ibang discoveries niya sa mag-asawa?

“Alam mo, naghahanapbuhay lang sila talaga. Hindi sila mga showbiz na tao.

“Kaya yung friendship na inaalagaan namin sa kanila, kami nila Direk Joey, kaming apat, panghabang buhay din.

“Ke sikat ka, ke hit or not, kung anuman, panghabang buhay ito. Hindi ito natatapos sa ganito lang.

“There are no pretensions, they are genuine, not showbiz.

“So, yun ang makikita mo sa kanila ‘pag naging close talaga kayo kahit gaano sila kasikat.”

No comments:

Post a Comment