@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 20, 2011

No TV network support



KUNG ang aura ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang pagbabasehan, kitang-kita sa kanila ang pagiging masaya. Ito rin ang nakita sa kanila ng entertainment press na dumalo sa presscon ng pelikulang "My Househusband, Ikaw Na!", mula sa panulat at direksiyon  ng box office director na si Joey Javier Reyes ng OctoArts Films at isa sa mga official entries sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Hindi ikinakaila nina Juday at Ryan na nagkakaroon din naman sila ng tampuhan tulad ng ibang couples pero never pa silang umabot sa malalang away o tampuhan.  Hindi nila tinatapos ang araw na hindi sila nagkakaayos.

Balik na naman sa dati ang katawan ni Juday kaya hindi malayong masundan agad ang kanilang one-year-old son na si Lucho na okey lang naman sa young superstar.

Parehong working parents sina Juday at Ryan pero sa kabila nito ay binabalanse nila ang kanilang oras bilang isang pamilya at sa kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho.  Immediately afterwork ay diretso sila ng bahay kung wala rin lamang silang ibang appointments.

Samantala, aware ang mag-asawa na wala silang TV network support dahil may kani-kanyang pambato ang Star Cinema at GMA Films.  Nariyan ang "Enteng ng Ina Mo" nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas na co-production ng Star Cinema, OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment at ang "Panday 2" ni Sen. Bong Revilla na co-venture naman ng GMA Films at Imus  Productions habang ang entry ng Regal Films na "Yesterday, Today and Tomorrow" ay joint production naman nila with Studio 5, ang film outfit ng TV5.  Ganunpaman, naniniwala sina Juday at Ryan na malaki ang chance ng kanilang pelikula hindi lamang dahil first movie nila ito ni Ryan bilang mag-asawa at follow-up project sa kanilang two box office hit movies na "Kasal, Kasali, Kasalo" at "Sakal, Sakali, Saklolo" na dinirek din ni Direk Joey kundi dahil napakaganda at very entertaining ang pelikula.


source here

No comments:

Post a Comment