@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, December 1, 2011

Judy Ann Santos feels this is the right time to have another baby



By: Rose Garcia
Thursday, December 01, 2011 15:45 PM
Photo by:


Judy Ann Santos on having another baby now that son Lucho has turned one year old: “Kasi, kung kakalkulahin mo at kung gusto pa naming magkaroon ng isa pang baby, okay naman. Mabuntis man ako at the age of 34, okay pa yun. Huwag lang at the age of 36 kasi, ang hirap nang maka-recover. Ang hirap nang humabol sa bagets. Mahirap na. At least, itong panahon na ‘to, mabibigyan mo ng lahat ng atensiyon ang bata. At saka, kapag nakikita ko ang mga anak namin, ang saya-saya ko. Ang ganda nila. Ang sarap-sarap nilang panoorin."*
Sa pelikulang My Househusband na pinagsasamahan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may mga nagsasabing  parang may anggulo raw na kuwentong  No Other Woman.

Sa nasabing pelikula na entry sa darating na Metro Manila Film Festival ng OctoArts Films, ang third party ay ginagampanan daw ni  Eugene Domingo.

Tawa naman nang tawa si Juday [palayaw ni Judy Ann] nang tanungin kung sa totoong buhay raw ba, may nangyari nang may third party na na-involve sa kanilang mag-asawa.

“Wala pa naman akong nakikitang babaeng sobrang malapit kay Ryan na pinag-isipan ko ng malisya,” natatawang sagot ni Juday.

“Marami naman po kasi si Ryan na mga kaibigang babae. And alam ko naman even when get together, siya ang tipo ng lalaking magiging kaibigan niya ang lahat ng ex niya.

“At hindi isyu sa akin yun. Ganoon, e, parte yun ng pagiging lalaki mo.

“Never pa namang naging isyu sa akin ang third party na tsismis, ha. Ibang usapan naman sa akin ang totoo.

“Hindi ko masasagot ang totoo kasi, wala pa namang ganoong bagay at huwag namang mangyari.

“Ibang usapan na yun. Baka naman mag-iba na ang pagkatao [ko] kapag ganoon.”

WHEN IT HAPPENS… Ano ang posible niyang gawin kung mahuli nga niya at malaman niyang totoo na may third party?

“Hindi ko masasagot ‘yan Kapatid. Baka magdilim ang paningin ko. Hindi ko masasagot. Baka manlamig, hindi ko alam, e.”

RYAN’S EXES? Wala siyang pinagselosan sa mga naging ex-girlfriends ni Ryan?

“Ngayon wala. Baka siguro noon,” natatawang pag-amin pa ni Juday.

“E, sino ba naman ang hindi magseselos sa ex.”

BODY FOR HUBBY. Kapansin-pansin ang mas pagiging sexy ni Juday ngayon. Hindi nito itinanggi  na siyempre raw, may effort din sa part niya na mas lalo pang maging “yummy” sa paningin ng asawa.

“Oo naman. Hindi ko naman itinatanggi yun na nagpapayat lang ako dahil gusto ko lang.

“Hindi puwede. Kailangan mag-effort ka na maging maganda para sa asawa mo at para hindi na lang siya tumingin sa iba.”


NEXT BABY? Naging open naman si Ryan na kung sakali, gusto rin daw nitong masundan ang anak nila na si Lucho. Siya ba, okay rin sa ideya na ‘yun?

“Ready naman,” natatawa niyang sabi. “Kasi, kung kakalkulahin mo at kung gusto pa naming magkaroon ng isa pang baby, okay naman.

“Mabuntis man ako at the age of 34, okay pa yun. Huwag lang at the age of 36 kasi, ang hirap nang maka-recover. Ang hirap nang humabol sa bagets. Mahirap na.

“At least, itong panahon na ‘to, mabibigyan mo ng lahat ng atensiyon ang bata.

“At saka, kapag nakikita ko ang mga anak namin, ang saya-saya ko. Ang ganda nila. Ang sarap-sarap nilang panoorin.

“Gusto mo silang dagdagan. Parang lego lang,” biro pa niya.




No comments:

Post a Comment