@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 25, 2011

Juday at Ryan madalas mag-usap sa banyo


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated December 25, 2011 12:00 

Kahapon sa Entertainment Live ay naitanong ni Bianca Gonzalez kung sino ang mas madalas na nagseselos sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang relasyon.
“Align, align. Ito (Judy Ann) hindi aamin so, ako na lang, pero sa totoo siya ’yung pawisin ang ilong at ibabaw ng labi,” natatawang pahayag ni Ryan.
Agad namang pinunasan ni Juday ang ibabaw ng kanyang labi at napatawa rin. Sila ang tipo ng mag-asawang hindi madalas nagre-report sa isa’t isa.
“May mga report lang na I left the house na. On the way to this hanggang nandito na ako, hanggang doon,” pahayag ni Judy Ann. “Hindi nga kami makulit sa isa’t isa. Halimbawa siyempre sabi niya uuwi siya ng twelve midnight pero five na ng umaga wala pa, mako-concern ka. Kapag ako rin, kapag wala pa rin sa bahay, doon lang siya nagtatanong,” sagot naman ni Ryan.
Pagdating naman daw sa pagdi-disiplina sa kanilang anak na sina Yohan at Lucho ay mas disciplinarian si Ryan.
“Lucho not so much disciplining, bata pa. Yohan kasi, she’s now in grade one, alam na niya,” pagtatapat ng aktor.
Kuwento pa ni Ryan, minsan ay may lalaking kaklase si Yohan na tumawag sa kanilang bahay. “Napansin ko na lang itong si Yohan habang kausap sa telepono, nakatalikod, hindi namin marinig. After about fifteen minutes, she put the phone down. I asked, who was that? And then she says the name of her classmate. Isn’t he a guy? Starts welling up her eyes. I didn’t push it anymore,” pagde-detalye pa ni Ryan.
Madalas mag-swimming ang kanilang buong pamilya na nagsisilbing bonding nilang mag-anak. Hindi naman nawawala kina Juday at Ryan ang paglalambing sa isa’t isa bilang mag-asawa.
“Mas gusto ko kapag niyayakap niya ako, nilalambing niya ako. Mas naghahanap kami ngayon ng moment together na hindi sa camera. Ngayon kasi kapag uuwi pagod na kami. Hindi na kami nag-uusap sa kotse, sa banyo kami nag-uusap. Kapag nandiyan ang barkada or family, hindi kami nahihiyang magyakapan or mag-holding hands, masa-masahe mga two minutes ’tapos hiwalay na ulit,” kuwento ni Juday.
Ayon kay Ryan ay ang kanilang banyo ang nagsisilbing conference room nilang mag-asawa.
Palabas na ngayon sa mga sinehan ang pelikula ng mag-asawa na My Househusband, Ikaw Na mula sa OctoArts Films.  Reports from JAMES CANTOS


source here

No comments:

Post a Comment