@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 12, 2011

Judy Ann at Ryan, kabado sa kanilang pelikula.



Judy Ann at Ryan, kabado sa kanilang pelikula.
KINAKABAHAN pala pareho ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncilio na malaking pressure sa kanila ang box-office result ng My Househusband. Ang panlaban lang nila’y ang magandang story, mahusay na direction ni Joey Reyes at magagaling na co-stars.
Puro giants nga naman ang katapat nila na baka mangulelat na sila.
Isali pa riyan na tipid na tipid ang promo budget ng movie na talagang pinili lang ang mga imbitadong press sa mga presscon nila. “Gusto lang naming ma-appreciate ang effort namin to make a good movie. Wala kaming laban kina Kris Aquino at Ai-Ai de las Alas. Sana lang, mapanood ito ng lahat dahil maraming lessons silang makukuha,” wika ni Judy Ann.
Tanggap pala ni Judy Ann na hindi masyadong napo-promote sa TV ang movie nila ni Ryan dahil may entry din sa MMFF ang mga network. “May nakukuha rin namang spot at wala akong sama ng loob, sanay na ako at laging ginagawa sa akin. Hindi na ako nagtatanim ng sama ng loob, ang alam namin, maganda ang movie namin,” sabi pa niya.
At para makagimik, sina Judy Ann at Ryan, pinatikim nila sa press ang luto nila.
Nag-ihaw ng liempo at isaw ng manok si Ryan samantalang arroz caldo bulalo with bacon naman ang pinasampol ni Juday.
Bukod sa kapwa hilig sa pagluluto, kitang-kita sa mag-asawa ang positibong resulta ng kasal nila.
Ano naman kaya ang best qualities na gustong-gusto nila sa isa’t isa kaya fabulous ang aura nila?
“Well, sa amin ni Rye, sa loob ng isa’t kalahating taon naming mag-asawa, parang… lalo na ngayong lumabas na si Lucho and Yohan is big enough to understand everything, parang Ryan learned to choose his battles, hahaha… with me. More on me, hahaha!
“Ako lang naman ang mahilig gumawa ng dahilan para maisyuhan, hahaha! Pero before kasi, we would just fight and won’t talk. Pero ngayon, fight and talk about it. Then, wont’ talk about it anymore after na may mangyari ‘yung isyu.
“It has helped me a lot, lalo na sa akin, kasi mas doon ako nagigising. Doon ako napapaamo lalo.
“Hindi ko lang siya naging asawa. Naging tatay ko rin siya. Kasi parang tinuro na niya sa akin lahat noong mag-boyfriend pa lang kami. Ngayong mag-asawa na kami, marami pa pala akong dapat matutunan. And feeling ko, along the way, mas marami pa. Mas darami pa because it’s a process na tuloy-tuloy, ‘di ba?
“Hindi mo naman maiiwasan na may mga issue na darating along the way. But what’s nice with Ryan is he makes it a point that I learn something from it. Siguro sa simula, hindi, pero after that incident, mayroon kang mare-realize na, ‘oo nga, mali naman kasi talaga ako, eh. Mali ka, Juday. Bad!’ Ganoon ka na lang,” pahayag ni Judy Ann.

No comments:

Post a Comment