@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 5, 2011

Bong, ‘di kakalabanin sina Juday-Ryan!



Star Nga ba by Tito Alfie Lorenzo

Hindi pala aware si Bong Revilla na may entry na My Househusband sa MMFF ang mag-asawang Juday at Ryan. Nakapako kasi ang utak ni Bong sa kalaban niyang Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa Enteng Ng Ina Mo sa top grosser.

Nag-isip si Bong. Kinamot ang baba. Aminado siyang tinalo silang dalawa ni Vic Sotto sa dalawang magkasunod na MMFF entry nina Juday at Ryan. Matapos magkamot ng baba niya Bong got to the conclusion na, “si bossing ang kalaban nina Juday kasi parehong pambata ang comedy. Eh ‘yung Panday ko, babae at lalake, mga bata at matanda ay suki ko kaya silang dalawa ang kalaban ko for top grosser.”

Tama ‘yun dahil isa sa mature audience ni Bong itong taga-Floridablanca, Pampanga na si Mark Gaza na idol na idol si Senador kaya nagpilit sumama sa preskon ni Bong para makita ng personal ang idol niya at makapagpa-picture with his idol.

Anong sabi ni Mark nu’ng makita niya ang picture na ito? “Magkasing-katawan lang pala kami ng idol ko!” Oh kuha mo, Jepoy?

Isa pang kaabang-abang sa Panday ay ang mga bagong co-stars ni Bong dito like Marian Rivera and Alice Dixson. Napirata ni Bong si Alice sa Enteng, eh nakailang Enteng o Okey Ka Fairy ba `yon movies na yata si Alice.

This year lang nalipat kay Bong for a change. Kaya mismong si Alice ang nagsabi na ‘yun daw ang kaabang-abang. Dati ay kay Bossing, ngayon ay kay Bong naman!

No comments:

Post a Comment