@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, December 7, 2011

ALINDOG NI JUDAY, 'di matiis ni Ryan!


Rey Pumaloy

Hindi na kataka-taka kung mabuntis ulit si Judy Ann Santos next year, dahil in-announce na ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa presscon ng MMFF movie entry nilang My Househus­band na gusto na niyang sundan ang anak nilang si Lucho.

Marami kasi ang nagulat sa magandang pigura ngayon ni Juday na mas seksi pa ito ngayon kesa nu’ng bago siya nagkaroon ng anak.

Natanong si Ryan sa presscon kung gusto ba niya ang dating katawan ng asawa na ‘chubby’ o mas type nito ang kasalukuyang pigura nito na sexy.

Ayon kay Ryan, walang pagkakaiba kung ano ang pigura ng misis niya. Pero, gusto raw niya ang ang itsura ng misis ngayon. Yummy ang deskripyon ni Ryan sa pigura ng misis niya kaya naman baka masundan agad ang kanilang bunso.

Nagbiro pa nga si Ryan na gusto na nilang matapos agad ang presscon para makauwi na at maka-score sa kanyang misis. O ‘di kaya ay mag-check in na lang sila sa katapat na hotel ng Guilly’s restoran, ang para doon sila magsabong ng asawa.

Pumapabor naman si Juday sa statement ni Ryan at nagsabing gusto na rin niyang bigyan ng kapatid ang dalawa niyang anak na sina Yohan at Lucho. Ayon pa kay Juday, 13 months old na si Lucho at puwedeng-puwede na siyang magbuntis uli.

Handa raw si Juday na isakprisyo uli ang pinaghirapang pagpapayat at magbuntis uli kung ito ang itatakda ng Diyos para sa kanila.

Nagpaliwanag naman si Ryan sa kanyang pahayag na kaya niyang tiisin ang gutom pero hindi ang kanyang asawa dahil sa pigura at itsura nito.

Umamin kasi ang mag-asawa na apat na araw silang nagtampuhan at hindi sila nag-uusap kahit magkasama sila sa bahay at natutulog sa iisang kama.

Sey ni Ryan sa ika-apat na araw ng tampuhan nila ay hindi na niya kayang tiisin si Juday dahil napapansin niyang magandang-maganda ang asawa.

Nakakaya raw niyang hindi kainin ang mga niluto ng misis niya at tiisin ang gutom, pero nu’ng makita niyang maganda at seksi ang misis niya, hindi raw niya ito kayang dedmahin.

Ayaw nang magdetalye pa ni Ryan sa kanyang mga sinabi pero ayon sa kanya pag bumabawi silang mag-asawa matapos ang kanilang tampuhan, halos hindi sila napaghihiwalay kahit saan sila pumunta.

No comments:

Post a Comment