@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, December 9, 2011

Ryan, ‘di pinakikialaman ang pera ni Juday!



Ayaw nang alamin ni Judy Ann Santos ang suportang ­ibinibigay 
ng ABS-CBN sa festival ­movie nila ni Ryan Agon­cillo na My Househusband. Ang OctoArts na kasi ang produ­cer ng entry nila ngayon, hindi gaya nu’ng nakaraang festival entries nila na Star Cinema ang gumawa.

“Ayoko na ring alamin ang suporta nila (Channel 2),” sambit ni Juday sa presscon ng movie sa Napa resto kung saan kapwa nagluto para sa press ang mag-asawa.

Bakit naman?

“Sa mga ganito namang pagkakataon, sa totoong salita naman, ang bawat network na may pambatong pelikula sa MMFF, alam naman natin ‘yun naman ang pagtutuunan nila ng pansin. Pero may mga panaka-naka namang spots kaming nakukuha sa both networks, hindi lang sa ABS. And naiintindihan namin ‘yan kasi kalaban nila kami!

“So lahat ito ay nangyayari dahil lang sa MMFF. Hindi sa kung ano pa mang dahilan. Pero tanggap naman namin ‘yon na very limited ‘yung mga spots na maibibigay sa amin ng ABS dahil ­meron silang entry. So it’s understood naman,” paliwanag ni Juday.

Kontratado pa rin ng Channel 2 si Juday. Iti­nanggi niyang wala siyang sama ng loob sa network.
“Sanay na rin ako eh! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Lagi bang ginagawa sa kanya ‘yon ng mother network niya?

“Parang ganoon na rin naman, so okey na rin! Ayos na lang din! Ha! Ha! Ha! Hindi na ito ang panahon para maglabas ng sama ng loob! Pasko na, eh! Ang importante, masaya kami, masaya ako. Maganda ang pelikula namin,” katwiran pa ng young superstar.

***

Bihirang gumawa ng pelikula si Ryan Agoncillo. Mas lamang kasi ang pagiging host niya kesa pagiging artista. Natawa na lang ang actor nang tanungin namin kung exclusive lang siya bilang kapareha ni Juday.

“Ha! Ha! Ha! Sana nga may oportunidad! Pero kasi, sa totoo, host talaga ako, ‘di ba? Meron namang co-host pero ‘yung oportunidad to act, for me, hindi naman din ganoon ang opportunity ko to act because I’m on Eat Bulaga six days a week.

“Talentado (-ng ­Pinoy) occupies most of the free days. Sa bahay lang ako ‘pag hindi nagtatrabaho. Ayoko naman ding mahiwalay sa pamilya nang mas­yado. Itong My Househusband, when the offer came, it’s an opportunity to work with Judy Ann again, alam ko na si direk Joey (Reyes), magaan ang schedule niya at hindi naman parang soap opera na 24 hours ang shooting, so go na rin.

“Pero there has been an opportunity to act. Lady Dada. Medyo mapili nga lang ako dahil sa schedule… Med­yo namimili ako ng opportunity to act. Eh this is with my wife so parang extra gravy for me!” dahilan ni Ryan.

Teka nga pala, bilang lalaki, lahat ba ng kinikita niya eh, binibi­gay niya kay Juday?

“Ha! Ha! Ha! Hindi lahat! To be honest. Meron kaming sistema. Na ang pera niya, kanya, ang pera ko, kanya! Ha! Ha! Ha!” biro ng TV host-actor.

No comments:

Post a Comment