@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 20, 2011

HK fans, gagawing kampeon sina Juday at Ryan sa MMFF

Hong Kong fighters ni Juday kumilos na! ‘Yung faithful fans ni Juday sa Hong Kong led by Elvie ay pinakilos na ang mga braso nila para sa todo-supporta nila sa idol nilang may MMFF entry in My Househusband: Ikaw Na! na bukambibig na ngayon ng mga mag-sweethearts at mga mag-asawa.

Promise, ito raw ang una nilang panonoorin sa mga sineh­an simula December 25.
Ang style ng mga nasa Hong Kong ay nagpapadala kaagad sila ng perang pam­panood ng mga kamag-anak nila na kasama ang buong mag-anak sa movie ng idol nilang sina Juday at Ryan.
Subok na ang unity ng mga tagaroon. Sila ang kinampanyahan ni Jamby Madrigal noon para iboto siya ng mga kamag-anak nila sa Pilipinas patu­ngong senado.

Ang mga Hong Kong fighters din ang hiningan ng tulong ni Ate Glo nung tumakbo siya for senator and later on for vice president. Kita nyo naman at naipanalo rin ng mga boto nila ‘yung dalawang babae.

Malakas na puwersa ang Hong Kong fighters na tumatayong leader ng lahat ng mga fans club ni Juday sa buong mundo. Kapag nanawagan na sila sa isang pulong lang ay alerto na ang lahat ng mga kapuwa nila OFW sa buong mundo para magpadala sila ng pera na pampanood sa movie ng idol nila.

‘Yan ang sikreto nila kung bakit sa dalawang magkasunod na MMFF ay naging top-grossers ang Kasal Kasali Kasalo at Sakal Sakali Saklolo nina Juday at Ryan. This year matapos ang dalawang taon na ‘di sila gumawa ng MMFF entry heto na ang ikatlong laban nila sa takilya.

Crossed her fingers daw si Elvie na gagawin nila ang lahat para mapanatili nina Juday at Ryan ang titulo nilang “Ang tunay na kampeon sa MMFF”.

So this early, at nung papasok pa lang ang Disyembre ay nagpadala na sila ng perang pampanood. Nahingan na rin nila ng full cooperation and support ang lahat ng mga kapuwa nila fighters for their idol.

Ang sigaw nila: “Tuloy ang laban! Itayo ang bandila! Panatilihing box-office queen ang nag-iisang idolo nating si Judy Ann Santos!”

Need we say more, ha Kris Aquino? Segunda mano pala ang movie mo? How second­hand ba? Slightly use or trying hard copycat lang uli ito ng shout acting? Well....


No comments:

Post a Comment