@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 27, 2011

Eugene, ramdam ang ‘pagkatalo’ kina Juday, Maricel, Kris at Ai Ai!






 
Hindi natuloy ang plano ni Eugene Domingo na sa ibang bansa mag-celebrate ng Pasko. Sa halip, sa isang probinsya dito sa Pinas siya nagpunta.

Ang alam namin, matapos ang Parade of Stars nu’ng December 24 para sa Metro Manila Film Festival, na kung saan ay kasali nga ang pelikulang Shake, Rattle & Roll 13, kung saan ay bida siya sa episode na Rain, Rain, Go Away, nagpunta na sa naturang probinsya si Eugene.

Ang mga kaibigan daw niya ang kasama niya sa naturang probinsya.
Kuwento niya, plano talaga niyang magpunta sa ibang bansa, pero sa sobrang dami raw kasi ng mga bansa na pinagpipilian niya na puntahan, nabuwisit na siya, kaya nagdesisyon na dito na lang sa Pinas magbakasyon.

Sa ngayon, nagdalawang-isip pa si Uge kung dadalo sa awards night ng MMFF sa December 28, dahil feeling niya ay hindi naman daw siya mananalo ng best actress.
Hindi raw siya nagpapaka-humble pero base sa mga naririnig niyang comment sa press na nakapanood na ng ilang pelikula, magaga­ling ang mga artista ng Yesterday Today Tomorrow na sina Maricel Soriano, Carla Abellana at iba pa.

Mahusay rin daw si Judy Ann Santos sa My Househusband: Ikaw Na! at sina Kris Aquino at Angelica Pa­nganiban sa Segunda Mano.
Eh, hindi rin daw papahuli ang bestfriend niyang si Ai Ai delas Alas ng Enteng ng Ina Mo.

Kuntento na raw si Uge na kumita ang Shake Rattle & Roll 13 para masabi niya sa sariling tanggap siya sa mga drama roles.


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment