@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 12, 2011

Judy Ann nagselos sa chinita




Sa shows ng GMA 7 nag-promote last Sunday ng My Househusband: Ikaw Na! sina Ryan Agoncilloat Judy Ann Santos. Nakipag-duet pa ang aktres kay Ogie Alcasid at live na kumanta si Judy Ann and after their number, saka lumabas si Ryan.
Nag-guest din ang mag-asawa sa Showbiz Central at sumalang sila sa Don’t Lie to Me, kung saan, ibinuking ni Ryan na pinagselosan ni Judy Ann ang isang chinita na pini-pictorial niya dati. Sabi ng aktres, galing sa chinita si Ryan kaya siya nagselos.
Nauna rito’y nag-guest din si Judy Ann sa Eat…Bulaga last Saturday at baka masundan pa ang paglabas nila sa ibang shows ngChannel 7 to promote their movie na produced ng OctoArts Films at entry sa Metro Manila Film Festival.
Sa presscon ng My Househusband, nabanggit ni Judy Ann na naiintindihan niya kung ’di sila naa-accommodate ng ABS-CBN na mag-promote ng movie nila ni Ryan sa mga shows ng network dahil may entry ang Star Cinema sa filmfest. Wala siyang sama ng loob at hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa Channel 2.

No comments:

Post a Comment