@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, December 1, 2011

Eugene, sumubok sa tomboy



(GORGY RULA)




 
NAG-BLUSH si Eugene Domingo nang tinanong namin kung totoong ang tipo ni Ryan Agoncillo ang ideal husband para sa kanya.
Hindi pa nawawalan ng pag-asa si Uge. Ho­ping pa rin siya na merong tamang lalaki para sa kanya.
Nang makilala niya nang lubusan si Ryan sa shooting ng pelikulang My Househusband, sobrang humanga siya rito.
Perfect husband daw si Ryan kay Judy Ann Santos.
“Ang ganda kasi ng prinsipyo ni Ryan A­goncillo at saka masipag, matalino. Nai-enhance ni Juday ang kanyang skill bukod sa pagiging showbiz personality.
“That’s what I like about him. He understands Judy Ann Santos in and out,” pagsasalarawan ni Eugene kay Ryan.
Hindi niya itinatanggi nagustuhan niya si R­yan. Hindi nga lang niya de­retsehang masabing crush niya ito.
“Basta, napapabuntong-hininga na lang ako. Deserve ni Judy Ann Santos ang ganitong klaseng kagandang relasyon at asawa, dahil ang tagal din naman niyang nagtrabaho nang husto,” pahayag ni Eugene.
Kuwento ni Direk Joey Reyes, kapag nasa shooting sila ng My Househusband, parang nagtu-talk show sila at napahanga nang husto si Eugene sa inputs at mga opinyon ni Ryan.
Kaya para kay Uge, si Ryan ang perfect husband at bagay na bagay ito kay Juday.
Sa presscon ng ka­nilang pelikula, lahat ay sinagot ni Eugene pati ang isyung tibo siya.
Deretso niyang sinagot ang tanong namin kung ano ang sex­ual pre­ference niya.
“Lalaki pa rin!” bulalas ni Uge.
“Nasubukan ko naman lahat. Mapa-babae, la­laki, bakla, tomboy. Pero iba pa rin ang lalaki.”
Pagdating sa sexual experience ay open ang aktres na lahat ay napagdaanan niya, pero na-rea­lize niyang iba pa rin ta­laga ang lalaki.
Bukod sa My Househusband, may dalawa pang pelikulang pang-MMFF na kasali si Eugene, kaya hindi pa niya masagot kung sa­ang float siya sasakay sa parada nito sa December 24.



SOURCE HERE



PAK : Nag-blush si Eugene Domingo sa tanong namin kung nakikita ba niya kay Ryan Agoncillo ang katangian ng isang ideal husband.          
Aminado si Eugene na talagang namangha siya sa personality ng actor-TV host nang makilala niya ito nang mabuti sa shooting ng My House­husband. Pumapasok sa isip niya na sana makakita siya ng lalaking kagaya ni Ryan. Pero hindi niya kami deretsahang sinagot kung crush nga ba niya ang asawa ni Judy Ann Santos.
 “Ang ganda kasi ng prinsipyo ni Ryan Agoncillo. Masipag, matalino. Nai-enhance ni Juday ang kanyang skills bukod sa pagiging showbiz persona­lity. That’s what I like about him. He understands Judy Ann Santos in and out,” sagot sa amin ni Uge sa presscon ng naturang pelikula.
“Napapabuntong-hininga na lang ako. Deserve ni Judy Ann ang ganitong klaseng relasyon, asawa at pamilya,” dagdag pa niyang pahayag.


No comments:

Post a Comment