@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 12, 2011

Kahit walang special effects ang movie, Juday at Ryan nag-e-expect ng award sa MMFF



SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) 


Sa GMA 7 magpo-promote sina Judy Ann Santos para saMetro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ng asawang si Ryan Agoncillo – My Househusband, Ikaw Na under OctoArts Films.
Hindi nga kasi puwedeng mag-promote si Juday sa mga shows ng ABS-CBN dahil may sariling entry ang Star Cinema  Enteng ng Ina Mo — at may partnership sila sa pelikula nina Kris Aquino at Dingdong Dantes, angSegunda Mano.
Kaya mag-expect tayo na magiging visible si Juday sa mga shows ng Kapuso Network.
Masalimuot talaga ’pag dumarating ang MMFF, lumalabas ang network war. Samantalang ang OctoArts na producer ng My Househusband ay part din ng co-prod ng Enteng ng Ina Mo dahil partner ito ng production ni Vic Sotto.


Visible pa naman si Juday sa ABS-CBN dahil sa programa niyang Junior Master Chef na kinaaliwan ng maraming nanonood kaya mataas ang rating.
Anyway, confident naman sina Ryan at Juday na hindi patatalo ang pelikula nila kahit na wala silang special effects. Ang panlaban nila ay ang pagiging real ng story at ng situation ng kuwento nila.
Saka sa aktingan, revelation si Ryan sa movie, ayon kay Direk Joey Reyes kaya nag-e-expect sila na mapapansin talaga ang pelikula.
Kaya ’wag tayong magtaka sakaling maghakot din sila ng award.
Kasama sa official entries ng MMFF ang My Househusband na magbubukas sa mga sinehan sa Pasko.

No comments:

Post a Comment