@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 18, 2011

Dahil sa magagandang artista, Parade of the Stars dudumugin sa MMFF


RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) Updated December 19, 2011 12:00 AM 



Ilang araw na lamang ang hihintayin at simula na ang ika-37th Metro Manila Film Festival na sisimulan ng isang grand parade ng iba’t ibang karosa ng mga pelikulang kalahok. This is the only time of the year na talagang dinarayo ng mga tao ang taunang Parada ng mga Artista o Parade of the Stars na nagsisimula sa may SM Mall of Asia at nagtatapos sa Quirino Grandstand sa Luneta, Manila.
Ngayon pa lamang ay may kanya-kanyang prediction na ang mga tao kung alin sa mga pelikulang kalahok ang mangunguna sa takilya. May mga nagsasabi na sigurado na ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at AiAi de las Alas ang magna-No. 1 sa box office. Hindi rin siyempre magpapatalo ang Panday 2 nina Sen. Bong Revilla, Jr. atMarian Rivera. Wish naman ni Kris Aquino na mag-No. 2 ang kanilang entry ni Dingdong Dantes,ang Segunda Mano.
Nariyan din siyempre ang entry ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ang My House­husband, Ikaw Na at iba pang mga kalahok. Kung si Kris ang tatanungin, tanggap na niya na ang pe­likula ng kanyang BFF (best friend forever) na si AiAi with Vic (Sotto) ang magna-No. 1 pero wish niya na ang Segunda Mano na dinirek ni Joyce Bernal ang mag-No. 2.
Sa totoo lang, Salve A., ang wish namin ay kumita ang lahat ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil ang lahat ng entries ay pinaghandaan at ginastusan.
Ang goal ng executive committee ng MMFF ay malagpasan ng taong ito ang kinita last year.


No comments:

Post a Comment