@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 25, 2012

Judy Ann, may mensahe sa bashers ni Sharon sa Twitter


--------------------------------------------------------------------------------


Ni Reggee Bonoan


SA intimate interview ng press kay Judy Ann Santos sa launching ng kanyang endorsement sa Eden Cheese, napunta ang usapan sa Twitter, ang hot topic ngayon sa sa showbiz dahil sa malaya nang nabibira ng publiko ang mga artista, tulad nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez at Sharon Cuneta.

`Magkapatid’ ang turingan nina Sharon at Juday, kaya hiningan ng pahayag ang huli kung ano ang masasabi niya sa mga nambabastos sa `ate’ niya at kung ano ang payo niya sa bashers?


“May mga pagkakataon kasi na bilang isang ina, hindi ba, kung ikaw lang naman ang aalipustahin, ako, okay lang kasi kaya ko. Pero `pag anak mo na `yung kinanti, kahit naman sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay,“ pahayag ni Juday.


Nagugulat at hindi raw siya makapaniwala sa mga nababasa niya dahil ganu’n na raw pala kalala ngayon.


“Parang hindi na `ata makatao `yung mga sinasabi. Siguro, they have their own reason, but siguro darating din ang panahon na kapag naging magulang na sila, kung mga bata man ito or mga dalaga’t binata ang gumagawa ng ganitong salita, `pag naging magulang sila, mararamdaman nila `yung pinanggagalingan ng magulang ngayon.“


Tungkol kasi ang isyu kay KC Concepcion na may kinalaman sa ex-boyfriend na si Piolo Pascual (dating loveteam ni Juday).


“Feeling ko lahat naman ng ito nanggaling doon sa naganap na hiwalayan (nina Piolo at KC), di ba? It’s a personal thing, ito ang isang bagay na hindi natin dapat pakialaman kasi dalawang tao lang naman ang talagang involved dito, hindi tayo kasama.


“Naiintindihan ko na may mga taong gustong protektahan ang mga idolo nila. Pero sa ginagawa nilang pagpoprotekta, napapasama rin pati mga idolo nila.


“So, kung anuman ang naging issue with KC and Piolo, wala namang hindi nadadaan sa matagal , na panahong pagpapahinga, hindi ba? Bigyan natin ng time, bigyan , natin ng espasyo silang dalawa. Relax na, hayaan na natin. Kasi silang dalawa are trying to move on pero may mga tao sa paligid nila na hindi maka-let go.


“Hayaan na lang natin silang maging masaya. Naku, ito’ng mahirap, paglabas ng interview na ito, I’m sure ako naman ang may mga bashers,“ natawang pahayag ng aktres.

Samantala, nagbanggit na raw sa kanya si Yohan, kasama niya sa Kraft Eden Cheese TVC, na gusto nitong pumasok sa showbiz.


“Gusto niyang maging singer, sabi niya. Hindi naman namin siya pinipigilan, kung gusto niyang mag-voice lessons, pinapipili namin siya kung ano ang gusto niyang gawin this summer, so we’ll see.


Mapatapos ng pag-aaral sina Yohan at Lucho ang main goal nila ni Ryan Agoncillo.


“As long as nakatapos sila at they can provide na for the own family and the same time they can raise their own children as well, `yun lang naman. With regards to their profession, whatever they want okay lang. Hindi kami `yung tipo ng magulang na ngayon pa lang planado na, hindi kami ganu’n.


“Pero ako sana gusto ko kay Yohan dermatologist kasi malaking pera ro’n, eh,“ natawang sabi pa ng nanay ng dalawang bagets.


Ano naman ang gusto niya para kay Lucho paglaki?


“Dermatologist din o cosmetic surgeon,“ tumawa uling sabi ni Budaday.



source here

No comments:

Post a Comment