@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 28, 2012

3/28/2012 10:34 AM

by: Krissa Donida


032812-juday_main.jpgKamakailan sa presscon ni Judy Ann Santos, nilahad niya ang kanyang saloobin sa balitang pagtatanggi niya sa offer ni Gov. ER Ejercito na gumanap bilang unang asawa niya sa pelikulang El Presidente, ang pelikulang alay sa bayaning si Pres. Emilio Aguinaldo. “Bilang isang artista, naniniwala kasi ako na kung gaganap ako na based sa isang character, di ko alam kung paano pagbabasehan kasi hindi naman na siya buhay. Sino ang mga taong puwede mong makausap para matanong kung ano ba ‘yng ugali n’ya. Kasi bayani itong pinag-uusapan natin, hindi ito kung sinu-sino lang na gagampanan mo ‘yung buhay at puede i-observe ‘di ba? Gusto ko kasi siya pag-aralan, gusto ko siya isapuso pero hindi ko s’ya maitatawid kung hindi ko siya personally kilala.

Ipinaliwanang din ni Judy Ann ang hindi niya pagtanggap sa naturang role. “Ayokong mapulaan ang trabaho ko, ayokong ang craft ko. Kasi mahal ko itong trabaho ko. Pero it’s an honor na kinonsider nila ang services ko para sa character. Baka lang may iba pang mas puedeng gumawa nun na mas maitatawid.

Nalalagyan din ng kulay at pulitika ang naging desisyun ng batang superstar na kaya ayaw niyang tanggapin ang pelikula ay dahil kay Gov. ER Ejercito. Ngunit siniguro ni Juday na wala itong kinalaman sa kahit sinupaman na involved sa proyekto. “Hindi, hindi, hindi, hindi not at all. Please, hindi po totoo yan. Hindi po dahil kay ER o kahit sino pang cast. Ako lang po bilang artista, natatakot ako na baka hindi ko s’ya maitawid, hindi ko s’ya magampanan ng tama. Natatakot ako na hindi maging maganda kapag natapos ang pelikula.”



 SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment