@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 27, 2012

IPINAKIKILALA NG EDEN CHEESE ANG KANILANG KAUNA-UNAHANG CELEBRITY MOM – SI JUDY ANN SANTOS KASAMA ANG ANAK NA SI YOHAN




Matapos ng matagal na panahon, ipinakikilala ng Eden Cheese ang kanilang kauna-unahang celebrity mom – si Judy Ann Santos-Agoncillo, kasama ang kanyang anak na si Yohan.

Talaga namang ‘worth the long wait’ para sa brand dahil perfect naman ang kanilang napiling endorser.


Pinili ng Eden Cheese si Judy Ann “Juday” Santos dahil kinakatawan niya ang Eden mom na mapag-alaga at top priority lagi ang kanyang pamilya.

Sa tulong ni Juday, mahihikayat ang mga Filipino moms para gawing mas espesyal ang kanilang ‘family moments’ kasama ang Eden Cheese. Dahil nga ang Eden Cheese ay masarap at may sangkap na “Lusog Lakas”, ang ordinaryong almusal at ibang kainan ay magiging mas masaya at hindi malilimutan para sa buong pamilya. At perfect talaga si Juday na ipamalita ito sa ating mga ilaw ng tahanan dahil nakakarelate sa kanya ang mga ito.

Bibigyang diin ng bagong campaign ng Eden Cheese na katuwang ito ng bawat mommy sa pagsiguro na nabibigyan ang buong pamilya ng sapat na nutrisyon at sarap na magugustuhan.

Alam naman ng lahat ang masarap na lasa ng Eden Cheese pero ang dagdag kaalaman ay mayroon itong nutrisyon na mahahanap sa isang “balanced meal”. Kaya kapag bahagi ito ng pang-araw-araw na pagkain, hindi lang ito ang kilalang masarap na palaman, makakatulong pa ito sa kailangang “nutrition requirement” para sa buong araw.


Maraming brands ang gustong kumuha kay Juday bilang endorser. Pero mapili si Juday sa mga produkto na ineendorso. Pinipili niya ang mga brands na alam niyang mahalaga para sa kanya at sa buong pamilya. Alam niya rin kasi na pinaniniwalaan siya ng maraming ina kaya mahalaga na alam niya ang benepisyo ng mga produkto na ieendorse niya. Tiwala siya sa mga brands “That really make a difference for her family in order for her to provide the same trust for moms through the brands she endorses”.

Pinili niya ang Eden Cheese dahil paborito ito ng mga Pinoy sa maraming taon at pinagkakatiwalaan ng ilan ng henerasyon ng mga nanay. Gusto ni Juday ang makremang lasa nito na talaga namang Pinoy na Pinoy. Kaya hindi na rin nagulat si Juday na nagustuhan rin ito ng kanyang mga anak.

Mahalaga sa kanya ang “Lusog Lakas nutrients” na mahahanap sa isang balanseng meal. Kaya para kay Juday, ang Eden ay mas malaman kumpara sa ibang palaman.

Ayon na rin kay Juday, “My role as a mom is to make sure my family gets the best of what I can give. I rely on products which I know can make even ordinary days better. With Eden Cheese, just having it in my kitchen assures me that I will always have something to give my kids that can make their meals special and nutritious at a very affordable price. Eden Cheese helps me fulfil my role as a mom by helping me care for my family, give them the best I can, and make our family moments more special.”


Gawing bahagi ang Eden Cheese ng inyong pagkain. Taglay ng Eden Cheese ang Lusog Lakas nutrients na mahahanap sa isang ‘balanced meal.’ Love ito ni Juday at Yohan kaya tiyak, magugustuhan niyo rin!



source here

No comments:

Post a Comment