@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 21, 2012

Juday, HOT SIOPAO NOON... HOT MOMMA ngayon!

MAGKASAMA ulit ang mag-inang Judy Ann Santos-Agoncillo at Yohan sa bago nilang endorsement na Eden Cheese.

Mukhang nawiwili na sa paggawa ng TVC ang 7-anyos na bagets at nasasanay na itong humarap sa kamera.

Mag-aartista na rin ba ang panganay nila ni Ryan?

“Commercial na muna. ha! Ha! Ha!” tawa ni Juday nang matsika namin siya kahapon sa presscon niya para sa Eden Cheese na gawa ng Kraft.

Wala bang sinasabi sa kanya si Yohan na gusto nitong maging artista na kagaya niya?

“Gusto niyang maging singer, sabi niya. Kung gusto niyang mag-voice lessons, pinapipili namin siya kung anong gusto niyang gawin this summer.

“So, we’ll see. Mahilig umawit, mahilig suma­yaw, mahilig um-outfit si ba­gets.”

Wow, nagmana pala si Yohan sa kanya ng pagi­ging ‘singer’!

“Tamaaaaa!! Alam mo na, Araneta Coliseum! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Parang okey na muna na may mga panaka-nakang commercials si bagets. We just allow her to do commercials when it’s summer break o Christmas break o sembreak.

“Basta hindi siya pasukan, okey lang. ‘Yun naman ‘yung regulation namin para hindi maguluhan ‘yung bata kung kailan ba siya nagtatrabaho o gumagawa ng commercial.

“Gusto naming maka-focus din siya sa stu­dies niya. So, may mga ganu’n lang kaming limitations ngayon,” nanay na nanay na dayalog ni Mrs. Agoncillo.

Ngayong summer, since mataas ang grades ni Yohan at 3rd honor ito sa klase, kung anong gustong gawin ng bagets ay okey lang. Basta ang napupusuan nito ngayon ay ang mag-voice lessons.

Tinuturuan din nila ito ni Ryan ng mga larong kalye. Gusto nilang i-expose ang bagets sa mga laro nila ni Rye nu’ng mga bata pa sila gaya ng patintero, agawan-base at habulan.

‘Pag nasugatan ito sa paglalaro ay okey lang din sa kanila para hindi ito masyadong guarded at sensitive.

Sey ni Juday, parang hindi siya makapaniwala na next school year ay Grade II na si Yohan.

***

Hindi alam ni Judy Ann ang eksaktong vital statistics niya dahil hindi niya sinusukat ang kanyang alindog.

Basta ang alam niya ay na-reach na niya ang kanyang ideal weight. 113 lbs. na lang siya ngayon mula sa dati niyang timbang na 165 lbs.

‘Happy life’ ang sagot niya kung anong sikreto ng kanyang lalong pagganda at pagiging sexy. Kasama roon ang di­siplina sa sarili at commitment na pumayat.

In fairness ay gradual ang pagpayat niya. Nga­yon ay nasanay na siya sa small amounts lang na kinakain, pero hindi niya dine-deprive ang sarili niya ng pagkain.

Kumakain pa rin siya ng junk food o fast food kapag gusto niya, pero may kapalit ‘yon na exercise.

Ani Judy, maraming paraan para maging fit na hindi kailangang gumastos tulad ng ginagawa niyang pagpi-pilates sa bahay.

Isang certified ‘hot momma’ ang dating nga­yon ni Juday. Anong masasabi niya rito?

“Tunay ba ‘yan? Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

“Nakakatawa. Nakaka-flatter. Kahit kailan, hindi ko naisip na darating ako sa puntong tatawagin akong hot momma.

“Ang tawag sa akin noon, hot siopao! Malay ko naman?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ano naman ang sinasabi ni Ryan sa kanyang kaakit-akit na alindog ngayon?

“Sini-secret niya sa akin, eh! Ha! Ha! Ha!”

Hindi siya pinupuri ni Ryan nang harap-harapan?

“Hindi, ano si Rye, eh… pag nag-compliment naman ‘yon, ang sarap pakinggan lalo pa’t Ingles ‘yung compliment.

“Aminin mo, ang sarap makinig ng English na compliment. Ha! Ha! Ha!”

Like what?

“‘You’re so beautiful!’ Oooooohhh!!! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ayon kay Juday, nu’ng dalaga pa siya ay may nag-offer sa kanya na maging covergirl ng isang men’s magazine. Na-flatter daw siya, pero hindi niya kayang gawin.

“Kasi ‘yung kuya (Jeffrey Santos) ko, nagbabasa ng men’s magazine.

Hindi ko yata kaya na binabasa ako ng kuya ko, na naka-pose ako nang kung anu-ano diyan, ‘di ba?!” katwiran niya.

Mas nakaka-flatter kung ngayon siya of­fe­r-a­n na mag-pose sa men’s mag mereseng isa na siyang ganap na ina, ‘di ba?

Bakit hindi na lang niya pangatawanan ang pagiging ‘hot momma’ niya?

“Baka naman ipagkanulo ako ng mga anak ko pagdating ng panahon. ‘Pag ginoogle nila ‘yan, makikita nila ang nanay nila, nasa men’s magazine!”

Eh kung artistic ang pictorial at hindi malaswa?

“Ibigay na natin ‘yan sa mga mas nakakabata! Ha! Ha! Ha! Sa mga mas may karapatan, ‘yung may mas malalaking dibdib. ‘Yung gano’n.”

Paano ‘pag nalaman niyang marami palang lalaki diyan ang nagnanasa sa alindog niya ngayon?

“Talaga?? Okey lang! Ooooohhh!!! Ano ba ‘yan?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

So, flattered siya no’n na PINAGNANASAAN siya ng mga lalaki?

“Huwag naman ‘yung term na pagnanasa. Parang medyo balahura yata ‘yung dating no’n. Ha! Ha! Ha!”

O sige, PINAGLALA­WAYAN ng mga lalaki?

“Balik na lang tayo sa pagnanasa! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, siyempre nakaka-flatter. Sino ba naman ang hindi, ‘di ba? Napakaipokrita ko naman kung sabihin kong, ‘Puwede ba, huwag!’

“Eh kung ‘yun ang tingin nila, ‘di ba? Eeeeeeeehhh!!! Ha! Ha! Ha! Ha!” tili kinikilig pang sambit ng ganda-gandahang si Juday.




SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment