@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 27, 2012

Claudine-Judy Ann movie, pinaplano



Ni Jimi C. Escala
MAY reports na gagawa uling pelikula sa Star Cinema si Claudine Barretto. Pero walang naka-line up na project si Claudine sa naturang outfit, diretsong sagot sa amin ng isang insider.
Pero posible raw na plano ng Viva Films producer na si Mr. Vic del Rosario na gumawa ng pelikula na isa si Claudine sa cast.
“Sa ngayon, wala pang nakarating sa amin na gagawa uli si Claudine ng movie rito, pero hindi naman imposible na magingco-producerngVivaFilmsangStar CinemaforaClaudineBarrettomovie,“sey ng isa sa executives ng Star Cinema.
Hindi na nag-renew ng kontrata sa GMA-7 si Claudine, na kasalukuyang nakikipag-negotiate sa ibang TV station. It’s either balik-Kapamilya or maging Kapatid star siya.
Unang nagkapangalan at sumikat si Claudine sa ABS-CBN. Naging mainit ang rivalry nila ni Judy Ann Santos dahil sa sunud-sunod na magagandang proyektong ipinagkatiwala sa kanila ng istasyon.
Pero mula nang lumipat si Claudine sa GMA-7 ay solong-solo na ni Juday ang trono!
May nakarating na balita sa amin na pagsasamahin daw sa isang pelikula sina Judy Ann at Claudine. Ito kaya ang sinasabing project ng Viva Films? Matuloy kaya? Papayag kaya ang sikat na sikat pa ring si Judy Ann?

No comments:

Post a Comment