@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 21, 2012

Katawan ni Juday may kurba na uli, hot na ang hitsura


May kurba na ang katawan ni Judy Ann Santos nang humarap kahapon sa isang presscon para ipakilala bilang endorser ng Eden Cheese.
Grabe parang may humihigop ng taba niya sa katawan na naipon nang magbuntis at manganak siya sa panganay nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho. At ang the height, binansagan na siyang hot mama dahil sa kanyang kaseksihan.
Totoong nagda-diet siya, pero kinakain pa rin naman niya lahat ng gusto niya as in hindi naman niya dini-deprive ang sarili sa mga gusto niyang kainin.
“Yes, kinakain ko ang gusto kong kainin pero at the same time may kapalit ‘yun na exercise kinabukasan, like takbu-takbo or kakargahin ko si Lucho ng dalawang oras, akyat-panaog ako sa hagdan. May mga ways kung paano ka mag-exercise nang hindi ka gagas¬tos. Sa Internet lang ang daming work-out videos na puwedeng i-download, libre pa,” sabi ni Juday sa interview.
Samantala, Pinoy Mas¬ter Chef muna ang naka-line up niyang gawin sa ABS-CBN at wala pang final decision kung matutuloy ang serye na pagsasamahan nila nina Kim Chiu and Xian Lim.
Pagdating sa pelikula, definite na ang pagsasamahan nila ni Coco Martin pero hindi pa sila nagsisimulang mag-shooting dahil busy pa ang aktor.
Yung sa kanila rin ni John Lloyd Cruz, wala pa ring kasiguruhan pero napag-uusapan na raw kahit papaano.
Samantala, pinili ni Juday ang Eden Cheese dahil paborito ito ng mga Pinoy sa maraming taon at pinagkakatiwalaan ng ilan nang henerasyon ng mga nanay. Gusto ni Juday ang makremang lasa nito. Kaya hindi na rin nagulat si Juday na nagustuhan rin ito ng kanyang mga anak lalo na si Yohan na kasama niyang endorser.




SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment