@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, March 22, 2012

Juday Ann Santos, hot mama



Ni Reggee Bonoan
KUNG kailan puro pagkain ang iniendorso ni Judy Ann Santos bukod pa sa katatapos na programa niyang Junior Master Chef Pinoy Edition ay saka naman siya paseksi nang paseksi. Hindi naman yata niya kinakain ang food endorsements niya, na ang latest ay ang Eden Cheese kasama ang panganay na si Yohan.
Kinakarir pala kasi niya ang pag-i-exercise kaya lalo siyang nagiging seksi. Hayan, nasasabihan tuloy siyang hot mama.
“Nakakatawa,” napahalakhak niyang sabi, “nakaka-flatter. Kahit kailan naman, hindi ko naisip na darating ako sa puntong tatawagin akong hot mama. Noon, ang tawag sa akin, hot siopao.”
Ang payo ni Juday sa mga gustong maging sexy ay kailangang seryosohin ang pagpapapayat kung talagang ito ang aim sa buhay.
“As long as nagagawa mo pa rin ang duties mo bilang nanay, kung nanay ka na, nagagawa mo pa rin ang duties mo as a housewife and as a mom pero at the same time, nagagawa mo pa rin ang duties mo para sa sarili mo. Kasi, paano mo itatawid ang lahat ng responsilibities mo kung ikaw mismo sa sarili mo, hindi ka confi dent na parang feeling mo, hindi ka healthy.
“It should always come from your heart, it should always come from yourself, di ba?” say ng aktres.
Tuwing umaga ay umiinom si Judy Ann ng fresh juice and veggies (vegetables) then yogurt, at cereals ang breakfast.
Pero hindi niya dini-deprive ang sarili niya sa mga pagkaing gusto niyang kainin.
“Kinakain ko ang gusto kong kainin pero at the same time, may kapalit ‘yun na exercise kinabukasan, like takbo-takbo or kakargahin ko si Lucho ng dalawang oras, akyat-panaog ako sa hagdan. May mga ways kung paano ka mag-exercise nang hindi ka gagastos. Sa Internet lang ang daming work-out videos na puwedeng i-download, libre pa.”
Ngayong super sexy at hot mama si Budaday, carry pa ba niyang mag-pose sa men’s magazine?
“Before may nag-offer na, dalaga pa ako noon, hindi ko kaya,” pakli ng aktres. “Well, nakaka-fl atter kasi, di ba, ‘pag dalaga ka at in-offer-an ka ng editor to pose for a cover of a men’s magazine, nakaka-fl atter
kasi ibig sabihin, may nakikita sila sa ‘yo, but at the same time sa akin kasi parang hindi ko talaga kaya.
“Kasi, ‘yung kuya (Jeffrey Santos) ko, nagbabasa ng men’s magazine, hindi ko yata kayang binabasa ako ng kuya ko na naka-pose ako ng kung anu-ano d’yan, di ba?” natatawang katwiran ni Juday.
Kung nu’ng dalaga siya ay napa-flatter si Juday, e, considering na mataba pa siya noon at siya rin ang nagsabing ‘siopao’ ang tawag sa kanya, e, di mas lalo na ngayon na super-mega-sexy na siya dahil super fl at ang tummy niya.
“Baka naman ipagkanulo ako ng mga anak ko pagdating ng panahon, ha-ha-ha! ‘Pag ginugel nila ‘yan, makikita nila ‘yung nanay nila na nasa men’s magazine. Ibigay na natin ‘yan sa mga mas nakakabata sa mga may karapatan, ‘yung may malalaking dibdib,” tumatawang sabi pa ng aktres.
May nagbanggit na marami ang nagnanasa ngayon kay Juday na ikinaloka niya.
“Talaga? Okay lang ‘yun, ha-ha-ha!” (Editor’s note: Marami pang tsikahan with Juday bukas.)



source here

No comments:

Post a Comment