@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 21, 2012

Sharon, idinepensa ni Juday laban sa bashers


IPINAGTANGGOL ni Judy Ann Santos si Sharon Cuneta sa pagpatol nito sa Twitter bashers nito, lalo na’t nadadamay si KC Concepcion.

Walang Twitter account si Juday pero naaliw siya sa pagbabasa sa tweets ng mga kakilala niya lalo na ang mga kapwa artista dahil doon daw nalalaman kung ano ang mga iniisip nito.

Aware siya sa pag-e-emote ni Sharon dahil sa mga natatanggap na paninira, gaya nitong huli kung saan nakakabangga nito ang fans ni Piolo Pascual.

Ayon kay Juday, “May mga pagkakataon kasi, bilang ina na kung ikaw lang naman ang aalipustain, okay lang. Kasi, kaya ko. “Pero pag anak mo naman ang kinanti, kahit na sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay. Kasi, anak mo ‘yun, eh.

“In general bilang ina, nandiyan agad ang proteksyon ng isang nanay. Inakay mo ‘yan eh, hindi ba?
“Inalagaan mo buong buhay mo, walang sino mang taong may karapatan na saktan at alipustain ang anak mo.

“Kay Ate Sharon, nanay siya. Sa akin man sabihin ‘yun, masasaktan din ako nang bonggang-bongga.

“Hindi yata makatao ang sinasabi rin ng iba. Siguro, they have their own reasons, pero siguro, darating din ang panahong kapag naging magulang na sila, mararamdaman nila ‘yung pinangga­lingan ng mga magulang ngayon.”

Sa isyu ni Sharon at ng bashers nito, involved ang dating leading man ni Juday na si Piolo.

“Sa totoo lang, feeling ko, lahat ng ito, nangga­ling naman sa naganap na hiwalayan, ‘di ba? It’s a personal thing,” reaksyon ni Juday.

“Ito ‘yung isang bagay na hindi na dapat natin pakialaman. Kasi, dalawang tao lang naman dito ang involved dito. Hindi tayo kasama riyan.

“Naintindihan ko na may ibang taong gustong protektahan ang idolo nila, pero sa ginagawa nilang pagproteksyon, napapasama pati ang idolo nila.

“So, kung ano man ang naging isyu between KC and Piolo, wala namang bagay na hindi nadadaan sa matagal na panahong pagpapahinga.

“Bigyan natin ng espasyo silang dalawa. I think they’re trying to move on pero may mga taong nasa paligid nila na hindi maka-let go.

“I’m sure, paglabas ng interview na ‘to, I’m sure, ako na naman ang may mga bashers, pambihira!” bulalas ni Juday nang nakatasikahan namin kahapon sa press launch ng Kraft Eden Cheese na isa sa mga bagong food product na iniendorso ng aktres.



SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment