@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label piolo pascual. Show all posts
Showing posts with label piolo pascual. Show all posts

Wednesday, June 12, 2013

Judy Ann Santos' 'royal journey' retraced in TV special

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/06/12/13/judy-ann-santos-royal-journey-retraced-tv-special

Posted at 06/13/2013 12:48 AM | Updated as of 06/13/2013 12:48 AM
MANILA, Philippines -- Nearly three decades in showbiz and a dozen drama series later, Judy Ann Santos is now considered as the Philippines' "Queen of Pinoy Soap Operas."
Image courtesy of Jeepney TV's official Facebook page
To celebrate her drama comeback, a TV special titled "Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV" will air on June 16, 9:00 p.m. on cable channel Jeepney TV (SkyCable Channel 9).
It will retrace the actress' career beginning in 1986, when she made her television debut in "Kaming Mga Ulila."
Santos' subsequent lead roles in some 10 TV series will be revisited, including her breakthrough performance as Mara in ABS-CBN's "Mara Clara," and her most memorable characters on the small screen such as Esperanza, Krystala, and Ysabella.
Taking part in the TV special are Santos' erstwhile co-stars, including Piolo Pascual, Gladys Reyes and Wowie de Guzman, who will recall their working relatinships with the young superstar.

The actress' mentors will also be interviewed in the retrospective. They include her long-time manager Alfie Lorenzo and film directors Laurenti Dyogi and Jose Javier Reyes.
"Her Royal Journey" will then introduce Santos' latest on-screen persona, Anessa, who she will portray in her highly anticipated comeback series "Huwag Ka Lang Mawawala."
Directed by Jerry Sineneng, Tots Sanchez-Mariscal and Malu Sevilla, the series is set to premiere on ABS-CBN's Primetime Bida block on Monday.
ABS-CBNnews.com is the news website of ABS-CBN Corp.

Thursday, January 31, 2013

Star Cinema movies for 2013


http://lionheartv.net/2013/01/star-cinema-movies-for-2013.html


If you think, ABS-CBN Film Productions, Inc (commonly known as Star Cinema) has done so many movies in 2012, I think, there will be more for 2013 for the company will celebrate its 20th anniversary!

Star Cinema is the most active local film outfit in offering different movies every year. Star Cinema continue to dominate the movie industry as it produces the top-grossing movies in all time box-office history and some of the most applauded movies here and abroad.

Here are some of Star Cinema's 20th anniversary offerings for this year:

"A Moment in Time"
Starring: Coco Martin, Julia Montes
Release date: February 13, 2013

"It Takes A Man And A Woman"
Starring: John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo
Release date: March 2013 premiere

"On The Job" (OTJ)
Starring: Piolo Pascual, Gerald Anderson
Release date: TBA

Kathryn Bernardo - Daniel Padilla launching movie
Release date: TBA

Kim Chiu - Xian Lim first movie together 
Release date: TBA

Vhong Navarro horror movie
Release date: TBA

Judy Ann Santos movie
Release date: TBA


Kris Aquino horror movie 
Release date: TBA

"Tuhog" 
Starring: Eugene Domingo, Jake Cuenca and Enchong Dee
Release date: TBA

Monday, December 10, 2012

John Lloyd Cruz replaces Piolo Pascual in Star Cinema’s “Undo”


The upcoming Star Cinema movie Undo seemed to have lost its original choice of actors playing the lead roles. The movie which revolves around the pains of going through an annulment was originally intended for Kris Aquino and Piolo Pascual.



The multimedia queen, however, said in August that the movie was already cancelled, but later reports revealed that it will still push through with Judy Ann Santos taking over the role originally intended for Kris.

And when we thought there would be a Judy Ann-Piolo movie next year, news came out that Piolo will not be in the movie anymore. The name of John Lloyd Cruz popped up as his replacement.

I wonder, though, if Aryana star Ella Cruz will also be replaced in the role of the daughter.

Chito S. Roño is directing the movie which, based on the storyline alone, will be a heavy drama. The inclusion of John Lloyd and Judy Ann in the movie made it more exciting. They are two of the most sensitive actors in local showbiz and they are known to have been very effective in the roles they portray.

Meanwhile, John Lloyd is seen weeknights in the teleserye A Beautiful Affair where he showcases his superb acting skills. Judy Ann, on the other hand, is seen weekday mornings hosting the cooking game show MasterChef Pinoy Edition.


Tuesday, November 13, 2012

Naaawa na sa kaliwa’t kanang issue Judy Ann Santos, nakiusap na tigilan na ang pagtira kay Piolo Pascual




BALIK-KUSINA NA naman si Judy Ann Santos sa reality cooking show na Master Chef Pinoy Edition with chef judges na sina Fernando “Ferds”Aracama, Rolando “Lau” Laudico and JP “Jayps” Anglo. Ikinumpara ng actress/TV host sina Wowie De Guzman, Rico Yan at Piolo Pascual sa tatlong favorite dishes nito.
Ayon sa kanya, si Wowie ay parang lechon manok, ang loveteam kasi nila ay pang- masa, afforable. Samantala, si Rico Yan ay pizza dahil marami itong toppings sa ibabaw at masarap kainin, hindi mahirap abutin. At ang pangatlong pa-ngalang binanggit ni Juday ay si Mark Anthony Fernandez , na na-surprise kami. “Sige, si Piolo (Pascual), risotto, sosyal at mahirap basahin. Kasi, siya ‘yung tipo ng taong kailangang bantayan mong mabuti para makilala mo. Kailangang bantayan habang niluluto para tama ang timpla at masarap. Kasi, kapag hindi nabantayan magiging malata,” makahulugang sabi ni Juday.
Siyempre, ikinumpara naman ni Judy Ann si Ryan Agoncillo sa adobo. Ayon sa kanya, all-time favorite ito ng pamilya na puwedeng kainin sa umaga, tanghali at sa gabi. Naitanong rin kay Juday kung tuloy ‘yung project nila ni Piolo.
“Lagi namang naitatanong ‘yan, taun-taon na lang yata. Wala namang offer pa na magsama kami. Sa akin, walang problema. Kung mangyayari naman, mangyayari talaga,” simpleng sagot niya.
Nabanggit ni Juday na after ng one season ng Masterchef Pinoy Editon, balik-teleserye na naman siya with KC Concepcion, Jericho Rosales, Jessy Mendiola and Sam Milby. Katunayan nga, nakapag-taping na nga siya ng limang episode para sa Against All Odds. Hindi raw niya kakayaning pagsabayin ang taping ng dalawang show dahil mawawalan na siya ng time for her family.
Naging topic din ng tsikahan namin ni Judy Ann ang tungkol sa latest issue tungkol kina Sharon Cuneta at Piolo Pascual na nagsimula na naman sa twitter. Alam natin mag-BFF sina Juday at ang Megastar. Reaction ng actress about the issue? “Ang hirap magbigay ng komento, ‘di ba? Hayaan na nating lumiit ang butas. Deadma, ‘di ba? Ayokong makigulo pa, mag-move-on na lang. Sana sa pagkatapos ng taong ito, pagbukas ng 2013, tapos na, tama na. Palagi na lang ganu’n ang napag-uusapan,” wika nito.

Advice na puwedeng ibigay ni Juday sa kanyang Ate Shawie? “In general, wala tayong hold sa lahat ng nagtu-tweet, kasi it’s their prerogative. Deadma na lang. Sana, magpa-Pasko na, tama na, ‘di ba? Ako, wala akong alam sa balita dahil bilang nagkasakit ako ng ilang araw, may news black-out ako sa bahay. Wala akong alam sa mga nagaganap lately. Pero kung anuman ito, sana bilang Pasko, tama na. Masyado nang maraming nasasaktan, mag-move on na tayong lahat,” pakiusap ng actress/TV host.
Nabalita ring nakikipag-usap raw ang mag-asawang Judy Ann at Ryan kay Piolo para gumawa ng pelikula, pero tinanggihan daw sila ng actor.
“Ayokong sagutin ‘ yan, ayokong pag-usapan ‘yang mga ga-nyang klaseng ka-personal na ano. Kasi, unang-una, parang hindi siya tama na pag-usapan. Gaya ng nasabi ko kanina, let’s leave it at that na lang. Kung mangyari, mangyari… tama na, nakikiusap ako. Naaawa na rin ako ru’n sa tao, mas-yado na ring bombarded ng mga issues, so hayaan na natin. Patahimikin na muna natin siya.
“Let him think, let everybody think. Lahat ng mga taong naaapektuhan ngayong taong ito sa mga issues involving different people, pabayaan na natin. Matatapos na ang taon, magpa-Pasko na, tama na. Kung anu’t anuman ang mangyari, mangyayari naman. Positive naman ako sa part na ‘yun. Ang sa akin lang, siguro, masyadong lutung-luto na ‘yung issue, baka nga sagot ako nang sagot tapos wala na ring interesado,” aniya.

Sunday, November 11, 2012

Judy Ann Santos compares past and present leading men to food; says Piolo Pascual is like risotto



http://www.pep.ph/news/36368/judy-ann-santos-compares-past-and-present-leading-men-to-food-says-piolo-pascual-is-like-a-risotto

Judy Ann Santos on her hosting career: "Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress. Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin."

Photo: Noel Orsal




Malaking bagay para kay Judy Ann Santos na siya ulit ang kinuha ng ABS-CBN para mag-host ngMasterChef Pinoy Edition, na mapapanood na simula Lunes ng umaga, Nobyembre 12.

Marami raw kasi siyang napatunayan sa kanyang sarili simula nang una siyang maging host ng Junior MasterChef Pinoy Edition noong isang taon.

Sabi ni Juday, “For some reason, uumuwi ako nang mas masaya, kasi parang may isang part ng buhay ko na nabuksan, which is cooking.Kakaibang satisfaction daw ang hatid sa kanya ng pagiging host ng naturang “kusinaserye” ng Kapamilya Network.

“Na hindi naman alam ng mga tao iyan before, e, na marunong po ako.

“Parang hindi ko naisip na puwede ko palang pasukin itong linyang ito.

“All this time, akala ko hanggang pag-arte lang ako.

“Noong pumasok yung Junior MasterChef, nandun yung kaba, nandun yung takot, na parang bago ko pa makita yung mga batang dumarating, halos masuka-suka ako sa nerbiyos.

“Hindi ko talaga alam kung kaya kong itawid yung hosting.

“Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress.

“Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin.

“Pag nabigyan ka ng pagkakataon, gawin mo yung isang bagay na gusto mong gawin—maybe hosting or iba pa na puwede mong gawin.

“Nagkakaroon ka ng ibang klaseng accomplishment, na parang meron pa pala akong puwedeng gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Juday sa presscon ng MasterChef Pinoy Edition kahapon, Nobyembre 8, sa Renaissance Convention Center, Riverbanks Complex, Marikina City.

Masaya rin si Juday na makakasama ulit sa show ang chef-judges na sina Fernando “Ferns” Aracama, Rolando “Lau” Laudico, at JP “Jayps” Anglo.


Hindi lang daw kasi sila magkakaibigan kundi magkakapamilya pa, kasama ang buong staff ng show.
LEADING MEN AS FOOD. Nakatuwaan namang sabihan ng press si Juday na ikumpara nito sa pagkain ang kanyang mga naging leading men.

Narito ang ginawang paghahambing ng aktres:
Wowee de Guzman. “In fairness kay Wowee, puwede siyang lechong manok.
“E, kasi, di ba, yung loveteam namin before, yun ang pinakamasa?
“So, ang makikita mong pinakamasang pagkain is lechong manok, na affordable. At pagka may comfort food ka, lechong manok yung gusto mo.”

Rico Yan. “Si Rico, pizza. Maliban sa ma-texture, yung Pinoy na Pinoy.
“Pag una mong tingin, pizza siya, sosyal, di ba?
“Pero pag kinain mo, lalagyan mo ng Pinoy flavors na very Rico.
“Na pag unang tingin mo, akala mo hindi mo mari-reach, pero pag kinausap mo, aba, e, mas barubal pa pala sa iyo, yung ganun.
“Very down to earth, very humble, at saka yung masyado kang maraming matututunan.
“Parang pizza, marami kang matitikman kasi ang daming ingredients na kasama ng pizza.”
Pagkatapos ni Rico Yan, biniro ni Juday ang press na dalawa lang daw ang sasabihin niya.
Alam naman kasi niya na ang hinihintay ng lahat na banggitin niya ay ang pangalan ni Piolo Pascual.
Pabiro niya ring isiningit ang pangalan ni Mark Anthony Fernandez dahil naging leading man din naman daw niya ito.
Pero sa huli, napilit din siya ng press na ibigay ang food comparison niya para kay Piolo.

Piolo Pascual
. “O sige na, sige na… Si Piolo, ilagay natin sa… siguro risotto,” pagtukoy ng actress-TV host sa isang klase ng Italian rice dish.
“Sosyal siya, di ba?
“Yung risotto kasi, mahirap lutuin, kailangang bantayan. Kailangan mong tutukan.
“Pag tinutukan mo, makukuha mo yung tamang timpla.
“Pero pag pinabayaan mo, mahihilaw siya o malalata siya.
“In fairness naman sa loveteam namin ni Piolo noon, di ba, lahat ng mga pelikulang ginawa namin, sobra namang kumita.
“Ibig sabihin, nabantayan, ibig sabihin inalagaan.
“Dumating lang sa punto na napabayaan kaya kailangang mag-separate ng landas.
“Ibig sabihin, nalata. Okay.”
Nilinaw rin ni Juday na ang risotto ay hindi naman simpleng kanin lang.
Aniya, “May iba-ibang flavors ang risotto.
“Puwede mong lagyan ng mushrooms, puwede mong lagyan ng truffles… iba-iba.
“Parang si Piolo rin, iba-iba rin yung nagiging ka-loveteam.”

Hiniling din ng PEP na isama na sa listahan ang asawa niyang si Ryan Agoncillo na naging ka-loveteam rin sa pelikula at telebisyon.

Biglang nagtawanan ang press, kaya ipinagdiinan ni Juday na, “Yung adobo, ha! At saka, di ba, yun ang pagkain na nami-miss mo pag nasa ibang bansa ka, di ba?Ryan Agoncillo. “Si Ryan, adobo. Kasi yun ang all-time favorite mo. Puwede mo siyang kainin umaga, tanghali, gabi.”
“Pag halimbawa, pumunta ka ng ibang bansa, ‘Uy, gusto ko ng adobo.’ Siya yun. ”
Inihabol na rin ng press si Mark Anthony, na nabanggit na niya noong una. Nagkasama rin kasi sila sa isang pelikula noon—ang Ako Ba Ang Nasa Puso Mo?(2000).

Mark Anthony Fernandez. “Si Mark Anthony, pasta, yung spaghetti na Pinoy, all-time favorite sa party.
“Kasi ma-texture din, di ba, marami ka rin makikita, kahit saan mo puwedeng ilagay yung sauce.
“Para ring si Mark—puwedeng action, puwedeng comedy, puwedeng drama.”

SAM MILBY. Pati ang bagong leading man ni Juday sa upcoming ABS-CBN teleserye na Against All Odds, si Sam Milby, ay hiningan din ng food comparison.
Sabi ni Juday, “Siguro, steak. E, kasi parang ang mahal niyang tingnan, di ba? Tapos may abs.”
Ano klaseng steak si Sam?
“Dapat sizzling steak para malutong.”
Totoo ba yung sinabi ni Sam na nai-intimidate siyang kaeksena si Juday sa teleserye nila?
“Sabi niya. Pero feeling ko, nai-intimidate lang siya kasi nabubulol siya, yung ganun.
“Pero may effort kasi siya na mag-Tagalog.
“Gusto ko naman yung effort na yun sa kanya na mag-Tagalog siya, kaya nakakatuwa naman din.
“Pero siguro nga natatakot siya. Sabi ko nga, ‘Bakit ka natatakot?’”
Bilang magaling na aktres, kuntento ba siya sa acting ni Sam?
“Oy, in fairness, may acting si Sam, ha—in fairness, ha.
“Kasi kung wala naman siyang acting, siyempre malalaman naman din pag sinabihan siya ng director.
“May acting siya, yun nga lang, ang problema lang talaga ngayon is yung pagsasalita niya, nahihirapan talaga siya.
“Pero natutuwa ako doon sa effort na ipinapakita niyang gustung-gusto niya talagang mag-Tagalog, ayaw naman ng dila niya.
“At least, happy na ako doon.”


Thursday, November 8, 2012

Judy Ann not taking sides in Sharon-Piolo tiff


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/08/12/judy-ann-not-taking-sides-sharon-piolo-tiff


MANILA, Philippines -- Actress Judy Ann Santos said she's not taking sides in the conflict between her friend, veteran actress Sharon Cuneta, and her former leading man Piolo Pascual.
"Wala, nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, uupo lang ako," Santos said on Thursday during a press conference of "MasterChef Pinoy  Edition," which begins airing on Monday, November 12.
"Ang hirap magbigay ng komento lalo na ngayon. Hayaan na nating lumiit 'yung butas, ayaw ko nang makigulo pa. 'Yun lang sana, pagtapos ng taong ito at pagbukas ng 2013 ay tapos na, tama na. Parang bantilawan na 'yung isyu na nakakatawa na, na palaging ganoon na lang ang pinag-uusapan," Santos said.
Last week, Cuneta said Pascual should be thankful that she and her family have remained quiet about his controversial breakup with her daughter KC Concepcion as she defended herself on Twitter against bashers whom she suspects are supporters of the actor.
In the interview, Santos also reacted on reports that Pascual refused to work with her again in a movie even if she and husband Ryan Agoncillo made the first move to reach out to him.
"Ayaw ko nang sagutin 'yan, ayaw kong pag-usapan ang ganyang klaseng ka-personal na (bagay). Unang una hindi siya tamang pag-usapan para sa akin. At least for me, let's leave it at that. So kung mangyari ay mangyayari," she said.
"Nakikiusap na lang ako. Kasi naawa din ako sa tao na masyadong bombarded ng issues, so patahimikin muna natin. Let him think. Let everybody think. Lahat ng mga taong naapektuhan ngayong taong ito sa mga issues involving different people ay pabayaan na natin, matatapos na ang taon magpa-Pasko na, tama na. So kung ano man ang mangyayari ay positive naman ako sa pagkakataong 'yon. Sa akin lang siguro masyadong lutong luto na yung isyu, baka nga sagot ako ng sagot tapos wala na ding interesado pala," she said.
Asked if she believes that the much-awaited reunion movie with Pascual is not pushing through because of her closeness to Cuneta, Santos said: "Hindi naman siguro. Ayaw kong isipin na ganoon. Iba 'yung relationship ko with Ate Sharon and my friendship with Piolo is different . Kung ano man 'yung issues between them siyempre ayaw kong makisali doon. Ang sa akin lang ay tama na."
But Santos also said that as far as this issue is concerned, she knows where her heart is.
"Alam ko naman kung sino ang mas mahal ko so OK na ako doon," she said.

Judy Ann Santos on reunion project with Piolo Pascual: "Anything can happen... but not this year, not in two years."

http://www.pep.ph/news/36352/judy-ann-santos-on-reunion-project-with-piolo-pascual-anything-can-happen-but-not-this-year-not-in-two-years/1/2

“Mangyayari pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao. Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman,” says Judy Ann Santos about having another project with former leading man Piolo Pascual.





Nakiusap ang actress-TV host na si Judy Ann Santos-Agoncillo na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa inaasahang muling pagtatambal nila ni Piolo Pascual hanggang wala pang tiyak na plano.

“Siguro hindi naman na yata mawawala ‘yon. Puwede ba, let’s leave it at that?” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conferecence ng bago niyang programa, ang MasterChef, kaninang hapon, November 8.

Sa nakaraang panayam kay Piolo, sinabi ng aktor na gusto niyang makatrabaho muli ang kanyang leading lady sa pelikulang Till There Was You (2003).

Ani Piolo, “Sobra akong kumportbale kay Juday and I’m praying and wishing for that na magkasama uli kami.

“Kasi ang laki ng itinulong sa akin ni Juday, sa career ko.

“I have open doors to be partner with her again.”

(CLICK HERE to read related article.)

Nang hingan ng reaksiyon si Juday tungkol sa naging pahayag ni Piolo ay nagbiro siya at sinabing, “Hindi pa rin ba kayo natatapos diyan? Hindi ba tayo puwedeng naka-move on?”

Ayon sa aktres, hindi pa siya makapagbigay ng tiyak na sagot tungkol dito.

“Hindi ako makasabi ng oo, hindi ako makasabi ng hindi.

“Hindi ko rin talaga alam kung ano na yung magiging plano.

“Anything can happen... but not this year, not in two years.

“Maybe it will happen... I’m not saying it will not.”

Pagkatapos ay muli siyang nakiusap na huwag nang masyadong pag-usapan ang tungkol dito.

“Mangyayari, pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao.

“Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman, ‘Wala na, e, palagi naman tinatanong, ngayon, ayaw ko na.’

“Hayaan na lang natin na mangyari kung mangyayari.”

ON SHARON CUNETA. Hindi rin naiwasan na mahingan ng opinyon si Judy Ann tungkol sa itinuturing niyang ate sa showbiz—ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay muling sumagot sa microblogging site na Twitter ang singer-actress-TV host dahil sa ilang fans na sa tingin niya ay tagahanga ni Piolo Pascual.

Ilan sa kanila ay nag-post ng mga negatibong komento tungkol sa anak ni Sharon na si KC Concepcion, ex-girlfriend ng Kapamilya actor.

(CLICK HERE to read related article.)


Sa halip na magsalita tungkol dito, nagbiro na lang si Judy Ann: “Nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, nakaupo lang ako!”


Dagdag niya, “Ang hirap magbigay ng komento, di ba? Lalo pa ngayon, kapag nagkomento ka…


“Hayaan na muna nating lumiit yung butas. Dedma na.


"Ayaw ko nang makigulo pa. ‘Yon lang, move on na.”


Umaasa rin si Judy Ann na, “Sana sa taong ito, pagbukas ng 2013, ‘tapos na.


“Tama na. Parang masyado nang bantilawan ang isyu.


“Nakakatawa na nga, e, palagi na lang gano’n yung napag-uusapan.”

WORKING WITH ATE GUY AND ATE VI. Samantala, nilinaw ni Judy Ann ang balitang mas gusto niyang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor kaysa sa Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“In all fairness, ang sinabi ko, gusto kong makasama ulit si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi,” agad na depensa ni Judy Ann sa sarili.

Paliwanag pa niya, “Sino naman ako para sabihin na hindi ko gustong makatrabaho si Vilma Santos? Ang choosy ko naman, di ba?”


Bagamat kilala na sa industriya, itinuturing pa rin ni Judy Ann na isang karangalan ang makatrabaho ang dalawang batikang aktres.
Aniya, “Hindi ba, para sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor.
“Hindi ko naman sinabing sa isang pelikula.
“Pero, di ba, ‘yon ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, e—yung makatrabaho mo sila.
“Magkaka-texture nang bonggang-bongga yung resume mo!”
Dagdag pa ni Judy Ann, “Sila yung mga pioneers sa industriya. Sila yung gusto mong kumumpleto sa papel mo bilang artista.
“Kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa trabaho, sino ako para tumanggi?
"Nakakaloka naman!”
Sa huli, muli niyang nilinaw: “Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at Ate Guy.”

Judy Ann Santos on Sharon Cuneta’s Twitter feud: ‘Mag-move on na tayo’


110912-juday_main.jpgAs her new show MasterChef Pinoy Edition premieres on Monday, November 12, Judy Ann Santos admitted she is excited to be part of an international franchise. “After Junior MasterChef hinahanap mo din yunghosting stint mo bilang baguhan sa field na ito. Ito kasi it’s a different take on MasterChef. Doon kasi siyempre nice ka, dito kailangan ilabas mo yung pagiging slightly impakta side mo para medyo matakot and at the same time iba, basta iba. Excitedako, happy ako pero kinakabahan pa rin. Kasi siyempre since nakikita nga ng mga tao yung ibangside ko when it comes to giving comments and praising. Iba ito eh kesa sa Junior MasterChef,” she shared during the MasterChef presscon held at the Renaissance Center in Marikina last November 8.

During the event, the media couldn’t help but ask Juday her opinion on the recent Twitter war between her good friend Sharon Cuneta and Piolo Pascual’s fans. The 34-year-old host said she prefers to stay out of the issue but gave her opinion on online feuds. “Well let’s make it general na lang. Unang-una, wala tayong hold sa lahat ng mga nag-ti-tweet kasi it’s their opinion, that’s their prerogative and deadma, deadma na lang. Mag-pa-pasko na kaya tama na di ba? Wala akong alam sa balita dahil bilang nagkasakit ako ng mga ilang araw, knockout ako sa bahay. Wala akong alam sa mga nagaganap dito pero kung ano man ito, basta bilang pasok tama na, masyado nang madaming naaapektuhang tao, masyadong marami ng taong nasasaktan. Mag-move on na tayo lahat. Tama na. Ang hirap kasi mag-komento. Lalo na ngayon pag-nag-komento ka, hayaan na natin yun, deadma na di ba? (laughs). Ayoko ng makigulo pa. Yun lang sana itong pagtapos ng taong ito, pagbukas ng 2013, tapos na, tama na. masyadong bantilawan masyado yung issue, naklakatawa na nga eh, palagi na ngang ganun yung napag-uusapan,” she said.

Juday said she feels that the issue has been saturated enough in different media outlets already. She also refused to take anyone’s side because she knows the two people directly involved. “Ang sa akin lang, siguro masyado na ring lutong-luto na yung issue. Baka nga sagot ako ng sagot tapos wala na rin namang interesado makinig. Iba yung relationship ko with Ate Sharon and my friendship with Piolo is very different. Kung ano man yung issues between them, siyempre ayokong makisali dun pero ang sa akin lang, tama na di ba? Tama na. alam ko naman kung sino yung mas mahal koso okay na ako dun,” she said.

The talented actress said she also wishes that the public would not hound her former love team partner Piolo with any more issues. “Naaawa naman ako dun sa tao na masyado na ring bombarded ng mga issues. Hayaan na natin, patahimikin na muna natin. Let him think, let everybody think. Lahat ng taong naapektuhan nitong taong ito sa mga issues involving different people. Pabayaan na natin, matatapos na yung taon eh. Tama na. kung ano man ang mangyari, mangyayari naman.Positive naman ako dun,” she said.

Although she did not want to comment on Sharon’s emotional tweets, Juday said she trusts in her AteShawie’s actions. “She knows it. She knows what to do. She’s a very smart girl. Kaya niya yan. Ngayon pa ba naman. Kaya niya yan,” she said.

Juday said she has learned a lot from the Megastar. “Sa lahat kasi ang dami mong matututunan sa kanya. Just like with food madami kang matututunan sa pagkain kapag  mag-e-explore ka. Si AteSharon habang patagal ng patagal ng pakikipagkaibigan ko sa kanya at sa patagal at patagal ko siyang nakakausap bawat araw, mas marami akong natututunan sa kanya. Mas marami akong nalalaman tungkol sa kanya. Masaya siyang tao eh. Masarap siyang kasama, masarap siyang kaibigan. Masarap siya magmahal,” she added.

Catch Judy Ann Santos in MasterChef Pinoy Edition this Monday, November 12 before Be Careful With My Heart on ABS-CBN’s Umaganda block.

Monday, November 5, 2012

Juday walang panahon kay Piolo Pascual


http://banderablogs.wordpress.com/2012/11/04/one-on-one-with-judy-ann-santos/


NOVEMBER 4, 2012


Ni Julie Bonifacio
BUMUBUHOS ang malakas na ulan sa set ng “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” nang akyatin namin ang tatlong naglalakihang artista na bida sa pelikula na sina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos sa Batlag Falls sa Tanay, Rizal.
Sinamatala namin na makausap si Juday habang naghihintay ng eksenang kukunan sa kanila that day.
Ayon kina Sen. Bong at Vic, nagulat daw sila sa professionalism ni Juday.
Kaya naman in return, pinuri rin ni Juday sina Sen. Bong at Vic.
Anyway, narito ang one-on-one interview namin kay Juday para dito sa BANDERA.
BANDERA: Wala raw siyang kaarte-arte sa set kahit pwede naman siyang mag-inarte sabi nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto. Ano’ng masasabi niya rito?
JUDY ANN SANTOS: Kahit naman noong dalaga ako, kung anuman ang kailangan sa eksena ginagawa ko. Tsaka nakakahiya naman mag-iinarte ka pa, e, ginawa na ng dalawang bida, sino ka naman para mag-inarte, ‘di ba?
Tsaka tinanggap mo ‘yung role bilang…simula pa lang alam mo na ‘yung mangyayari.
Alam mo na ‘yung proseso. Bago mo siya tanggapin alam mo na ‘yung role na magha-harness ka, may fight scene.
So, basically, na-anticipate mo na ‘yung moment kung ano ‘yung ipapagawa sa ‘yo.
B: Ano’ng feeling na dalawang higanteng aktor sa showbiz ang kapareha niya?
JAS: Nakaka-tense, huh! But at the same time nakakatuwa naman ng bongga.
Kasi, hindi ba? Hindi naman lahat ng artista nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng dalawang leading men na, ano bang right word to describe them?
Hindi naman veteran, uhmm, pioneer, in what they’re doing.
Napakaswerte ko na napasama sa kanila at napasama ako sa title role. So, it’s a chance of a lifetime.
B: Haba naman ng hair niya at pag-aagawan siya sa movie nina Sen. Bong at Vic? 
JAS: Hindi, ah. Ako nga ang nang-aagaw sa kanila.
Ang role ko kasi rito sobra kong ini-idolize sina Enteng at Agimat.
Kumbaga, naghahanap ako ng, alam mo na! Ha-hahaha!
Naghahanap ako ng lalaking katipo nila.
Kasi parang ang ano ni Angelina, ang name ko sa movie, naghahanap siya ng kabiyak.
Pero hindi na pwede sina Enteng at Agimat kasi nga taken na sila, parang ganoon.
So, doon nagsimula ‘yung conflict between me and the wives.
So, masasabi ko na isa akong maharot na kerida sa movie.
B: Pang-ilang movie niya na ang “Si Agimat, si Enteng at si Ako” with Vic? 
JAS: First time ko siyang nakatrabaho. Pero second time naman with Bong.
B: Paano niya ide-describe in one word sina Sen. Bong at Vic? 
JAS: Hindi sila kayang i-describe ng isang salita lang, e.
Kasi ang dami nilang texture bilang artista, sila ‘yung tipo ng tao na hindi made-describe ng isang word lang kasi parang ang dami nilang texture bilang artista.
Sa bawat araw na nakakasama mo sila ang daming nari-reveal sa ‘yo na ugali nila.
Not in a bad way, ha, na nakakatuwa.
Na hindi mo iisipin na etong dalawang tao na ‘to, na sikat na sikat, sobra nilang alam ang ginagawa nila pero sobra rin silang down-to-earth. ‘Yun siguro.
Kung may made-describe ako na bagay sa kanila pareho na very common, ‘yun ‘yung pagiging down-to-earth nila sa lahat ng bagay.
Tsaka ‘di ba nga, ano’ng karapatan mong mag-inarte, e, ‘yung dalawa ngang kasama mo wala kang nakikitang pag-iinarte.
Bilang producers din naman at very professional sa mga karera nila.
Hindi mo talaga sila makikitaan ng pag-iinarte.
Kung ano ang ipagawa ni direk Tony (Reyes) gagawin nila, walang tanong, walang pag-iimbot.
B: Kumusta naman ang exposure niya sa movie? 
JAS: Alam mo, wala akong pakialam sa exposure, ang importante kasama ako sa pelikula, tapos ang usapan.
Even naman before noong dalaga pa ako wala naman sa akin ‘yun, kahit kailan hindi ako naniniwala sa percentage ng exposure.
It’s how you deliver your role. It’s how you do it at kung paano ka maging professional, nasa sa ‘yo na ‘yun kung mapapansin ka o hindi.
Kapag hindi ka napansin ng tao sa pelikula ibig sabihin may mali sa ‘yo.
B: Last year may entry din sa Metro Manila Film Festival si Juday kasama ang real-life husband niya na si Ryan Agoncillo, ang “My House Husband.” Every year ba gusto niya magkaroon ng entry sa MMFF?
JAS: Huwag naman. Ha-hahaha! May pamilya naman ako, ‘di ba?
May anak, kailangang magluto para sa pamilya.
Kaya lang eto kasi hindi ko matanggihan. Ang choosy  mo naman kung tatanggi ka pa.
B: Based on her experience noon sa ipinrodyus at pinagbidahan niyang “Ploning” kung saan nominated sa Oscar awards para sa kategoryang Best Foreign Language Film, ano sa tingin niya ang chance ng pelikulang “Bwakaw” na contender for the same category sa susunod na taon sa kilalang international award giving body?
JAS: Sana makapasok. Pero mahirap ‘yan. Mahirap talaga.
Pero ang masasabi ko lang ‘yung experience ng, nu’ng journey ba?
Na makapasok ka sana sa Oscars, ‘yun lang panalo ka na, e.
Kasi iba ‘yung makikita mong professional, iba ‘yung training na makikita mo.
Kasi talaga lahat on time, lahat effort. Makikita mo, nakakatuwa siya.
Nakakatuwang ma-experience ‘yung ganoong part ng pagla-lobby ng isang pelikula.
Ako naman I’m still hoping na one of these years or one of these days, may isang pelikula ang Pilipinas na pwedeng mapansin internationally.
Kasi mahuhusay naman ang filmmakers natin.
Malalalim, mahuhusay at makukulay gumawa ng istorya.
Hindi lang nabibigyan ng tamang pagkakataon kasi hindi nasusuporthan ng husto.
Kasi, kung makita mo kung paano sinusuportahan ng mga gobyerno ‘yung pelikula ng ibang bansa, all-out.
As in parang they allot 50% of their taxes to films, na nire-represent nila ‘yung bansa nila. So, wala tayong laban doon.
B: E, nu’ng sumali sila noon?
JAS: Kami, wala kaming laban doon.
Magkano lang naman ‘yung na-raise naming funds.
Though, we’re really appreciative of the people who helped us along the way.
Hindi namin mararating ‘yung kahit one-fourth noong pagla-lobby kung wala rin ‘yung funds na pumasok sa amin.
Kumbaga, kapag naging Oscar run ka, kung magla-lobby ka to be part of it, kakapalan mo talaga ang mukha mo.
At doon ko na-experience na hindi talaga madali ang trabaho ng isang producer.
B: How true na huminto raw siya sa pagti-taping ng teleserye niya na Against All Odds para sa ABS-CBN? 
JAS: Hindi naman.
Wala pa akong balita. Ang huli lang naman namin napag-usapan is ipu-push back lang siya to next year.
Kasi dapat eere kami ng October pero hindi rin namin kaya at ayaw ko rin naman magkaroon for airing, nag-decide na rin kami na next year na lang siya ipalabas para matutukan ng husto.
Kasi hindi ko rin kayang gumawa ng dalawang TV shows at the same time (Master Chef ang isa pa niyang show).
Tapos may movie pa.
‘Yung Master Chef ilalabas ngayong November 12.
So, sabi ko kung Master Chef, e, ‘di ‘yun muna.
Para sa akin, ngayon lang ako ulit babalik sa soap, siyempre gusto mong karerin.
Ayaw mo namang magbigay ng half-baked na trabaho. Ako naman ang mapapahamak.
B: Ano’ng reaction niya sa pagpasok ni Jericho Rosales sa teleserye niya? 
JAS: Okey lang. Wala namang problema sa akin. Sinabi naman nila sa akin ‘yon.
Wala naman kaming problema ni Echo. Kumbaga, napakahusay na artista ni Echo.
Nagkasama kami noon sa Esperanza.
At magkaibigan kami and siguro kung may panahon para magsama kami na mag-partner, ito na siguro kasi pareho na kaming nag-mature bilang mga artista and wala naman kaming mga kalabtim ngayon.
Unlike before na talagang kilala kami sa loveteam.
B: Speaking of loveteam, may chance ba na magtambal ulit sila ni Piolo Pascual pagkatapos ng pagkikita nila sa isang advertising event ng ABS-CBN?
JAS: Huwag na nating pag-usapan ‘yan.
Wala nang ibang napapag-usapan kundi ‘yun at ‘yun na lang.
Wala naman akong nababago sa sagot ko, ‘di ba? Unang-una, hindi naman siya part ng pelikula.
Pangalawa, a project? It won’t happen, this time.
B: Naiinis ba siya na kung anu-anong speculations agad ang naglabasan pagkatapos ng pagkikita nila sa nabanggit na event? 
JAS: Hindi ako naiinis pero naiintindihan ko rin naman ‘yon.
Pero bilang artista nakakahiya naman sa mga kapareha ko dito sa pelikula.
Kung siya rin at siya, si PJ, sabihin natin ang pangalan. Baka sabihin ng mga tao kapag binasa ‘to ayaw banggitin.
Nakakahiya lang na sa bawat proyekto na ginagawa ko palaging siya ang napapag-usapan.
I’m sure may sarili rin naman siyang project.
Kung  mangyayari, mangyayari. Hintayin na lang natin.
Then, kapag nangyari saka natin pag-usapan.

Tuesday, October 23, 2012

No Reunion Project For Judy Ann Santos & Piolo Pascual


original source

Judy Ann Santos and Piolo Pascual saw each other at the ABS-CBN Trade Show earlier this month. It’s understandable that their loyal love team fans were happy and hopeful that maybe they’ll finally work together again after 6 years. There’s even a Poll in ABS-CBN’s entertainment webiste, Push, asking fans if they’ll be working together again. 82% voted YES, and 18% voted NO. Unfortunately for the 82% voters, Tito Alfie, Juday’s Manager, is shutting down any possibilities of any reunion project happening anytime soon.
Kung may buhay pang Juday-Piolo fans ay pinapayuhan na namin huwag nang umasa pa na may gagawing reunion mo­vie ang dalawa dahil hindi mangyayari ‘yun kailanman!
Juday was just beng civil and polite nu’ng sinabi niyang ok lang at mapapag-usapan naman ‘yun unlike Piolo na outright bastos na nag-period ng “Oh no! Not again!” tapos, siya ngayon ang umaasa na kailangan niya si Juday para maibalik ang kislap sa career niya?
Ano ang title niyon kung sakali? Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay?
O Hindi Kailanman Mabubuhay Pa Ang Bangkay Ng Career Ng Isang Piolo Pascual? (Source: Abante Tonite)
You never know though, perhaps someday, when whatever issues they have are settled maybe Juday and Piolo will make a movie again. For now, it’s probably better not to hold your breath.

Wednesday, October 17, 2012

Master Chef ni Judy Ann Santos sa Nobyembre 12 na


http://www.balita.net.ph/2012/10/master-chef-ni-judy-ann-santos-sa-nobyembre-12-na/#.UIAi7m_A-RM


Ni Reggee Bonoan
PANSAMANTALANG natigil ang taping ng Against All Odds nina Judy Ann Santos at Sam Milby dahil inuuna muna ng aktres ang taping ng Master Chef Pinoy Edition na eere na sa Nobyembre 12, Lunes.
JUDY Ann SantosMapapanood na ang Master Chef Pinoy Edition ni Juday sa morning timeslot bago raw mag-Be Careful With My Heart para tapatan ang cooking show din ng ibang TV network.

Kuwento sa amin ni Direk Malu Sevilla nang makatsikahan namin sa Grams Diner kasama sina Manay Ethel Ramos, Isah Red at Leo Bukas noong Biyernes ay nahinto nga ang tapings nila sa Against All Odds.
“Juday kasi has to tape Master Chef, may airing schedule na po sila, while Against All Odds, wala pa, so unahin muna niya ang Master Chef,” kuwento ng direktor ng serye.
Pabor din kay Sam ang pansamantalang pagtigil ng taping nila ni Juday dahil magiging busy rin siya sa ibang show at kasalukuyang nasa New York City para sa isang commitment. Natapos na ring i-shoot ng aktor ang indie movie na next year ipalalabas.
Samantala, bagamat nagbatian sina Juday at Piolo Pascual sa nakaraang trade launch sa NBC Tent last week ay marami ang hindi pabor na muli silang magsama sa project dahil tiyak na kaliwa’t kanan na naman ang isyung masusulat.
Bukod dito, mas tahimik ang buhay ng aktres ngayon bagay na gusto rin naman niya at may projects naman siya kaya ano pa nga ba ang dahilan para magsama sila ni Piolo?

Tuesday, October 16, 2012

Judy Ann Santos, mas type ang pelikula kasama si John Lloyd Cruz


FANS OF Judy Ann Santos and Piolo Pascual will surely be disappointed with this item.
May nakapagtsika kasi sa amin na hindi nagustuhan ni Juday ang iprinisintang script sa kanya ng Star Cinema para sa next movie niya kasama si Papa P. With this, hindi matutuloy ang inaabangang pagsasama ng dalawa sa isang project.
Actually, dalawang script daw ang ipinadala kay Juday, one with Piolo and one with John Lloyd Cruz. Apparently, she liked the story of the script with John Lloyd.
When an Instagram photo of Piolo and Juday made it to cyberspace, mara-ming fans nila ang nagkaroon ng renewed hope na magkakatrabaho silang muli. After all, it’s been a good six years since they last worked together. Silang dalawa ang bida sa Don’t Give Up On Us na ipinalabas nong 2006.
Talking about Piolo, malakas pa rin pala ang hatak ng binata sa fans. Isang kaibigan namin, si Charlie Mesa, Jr., na nagtatrabaho sa Bench sa Robinson’s Place Manila, ang nagtsika sa amin na ang Pure Passion by Piolo ang pinakamabili pa rin among the celebrity scents.
 

Friday, October 12, 2012

Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambal


http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-at-piolo-pascual-posible-pa-ring-magtambal/

WALA NAMAN talagang imposible sa mga panahong ito na mu-ling magkatambal sa isang pelikula o teleserye sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, lalo pa’t nariyan ang ABS-CBN at ang Star Cinema na puwedeng pumalantsa ng mga natitirang gusot para magawan ng paraan ang lahat. Nanggaling sa kampo ni Piolo na depende iyon kung papayag si Juday. Sa salita, puwedeng sabihin ni Juday na okey lang naman kung mayroon talagang project para sa kanilang dalawa.
Pero sa gawa at tunay na desisyon, ewan na lang magkakatuluyan iyan. Kasi nga, sa mga panahong ito ay sobrang busy si Juday, dahil ang dami-dami pa niyang mga proyekto na unang natanguan, na hindi pa rin nagkakatuluyan,kaya kung ano muna ‘yung nakaplanong gawin ay siyang inuumpisahan. Nariyan din ang pagbibigay niya ng panahon sa pamilya nila ni Ryan Agoncillo, dahil nagsisilakihan na ang kanilang mga anak na sina Yohan at Baby Lucho.
Pero alam n’yo bang dati ay may isyu, na dahil diumano’y sikat na sikat at parang hari ng Kapamilya Network si Piolo, parang mayroong angas noon, natanggihan na niyang makapareha si Juday? Ipinagwalang-bahala iyon ng kampo ni Juday. Pero sa nga-yon, kaguwapuhan lang talaga ni Piolo ang nagpapasikat sa kanya sa showbiz. Walang duda tungkol d’yan. Pero pansinin n’yo, na magmula nang mabuwag ang loveteam nila ni Juday, wala nang pelikula si Piolo na kumikita sa takilya, samantalang nang mapahiwalay sa kanya si Juday at maikasal kay Ryan ay patok pa rin ang mga proyekto ng young superstar.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Thursday, October 11, 2012

Piolo Pascual, Judy Ann Santos may bagong proyekto?


http://tsismoso.com/piolo-pascual-judy-ann-santos-project/

Sa pagkikita nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa naganap na trade launch ng ABS-CBN shows ay maraming umasa na gagawang muli ng proyekto ang dating magkatambal. Masaya namang nag-usap si Piolo at Juday kahit pa maraming kamera ang nakapalibot sa kanilang dalawa. Matatandaang nagkaroon ng pagsubok ang tambalan noon nina Piolo Pascual at ng Teleserye Queen kung saan umabot pa umano sa hindi pagpapansinan ng dalawa. Ang pagkakasundo umano ng binata at ni Judy Ann Santos ay magandang senyales na maaaring magkaroon muli ng pagkakataon ang kanilang tambalan. Sa isang interview kay Piolo ay nabanggit nito na matagal na umano silang nag-uusap ng aktres at nangayayri lamang ito kapag walang kamera.

Marami sa mga tagahanga ng kanilang tambalan ay umaasa na mapapanood muli sila na magkasama sa telebisyon.. Paglilinaw ni Piolo Pascual, hindi naman daw talaga sila nag-away ng aktres katulad ng mga lumalabas sa mga pahayagan. Matagal na rin daw niyang naayos kung ano man ang mayroong isyu kay Judy Ann Santos at sa asawa nitong si Ryan Agoncillo. Iginiit ng aktor na wala naman daw tampuhan o away ang naganap sa pagitan nila ni Juday bilang magkatambal. Naghihintay lang din daw si Piolo Pascual sa kung ano mang plano ang pwedeng ibigay sa kanila ng dating leading lady.

Kumportable umano ang aktor sa pakikipagtrabaho kay Judy Ann kung kaya ipinagdadasal niya rin na magkasama silang muli. Aminado naman si Piolo na malaki talaga ang naitulong ng aktres sa kaniyang career simula nang una silang magkapareha sa telebisyon hanggang magkaroon sila ng pelikula. Kung tatanungin naman daw si Piolo Pascual kung sino ang gusto niyang makasama sa isang pelikula o teleserye ay walang duda na si Judy Ann Santos ito. Ang huling pelikula na ginawa ng dalawa ay ang Give Up On Us noong 2006.

Monday, October 8, 2012

Piolo open to reunion project with Judai


MANILA, Philippines -- Stressing that everything's okay between him and former leading lady Judy Ann Santos, actor Piolo Pascual on Monday said he is open to doing a reunion project with the actress.
Pascual and Santos appeared in several hit movies such as "Don't Give Up on Us" and "Til There Was You" as well as television shows like "Sa Piling Mo."
However, they reportedly had some sort of falling in 2006.
"Naghihintay lang naman ako. Sobra akong kumportable kay Judai. I'm praying and wishing for that, na magkasama ulit kami kasi ang laki naman ng tinulong sa akin ni Judai," he told reporters during a press conference for his "Sunpiology Run and Star Magic Gives Back" concert on November 24 at the Venice Piazza Mall at McKinley Hill.
"'Yung career ko, it opened doors because of my partnership with her. So gusto kong gusto ko na maka-partner siya ulit dahil sa laki ng naitulong niya sa akin, parang siya 'yung taong gusto kong makasama," he added.
In previous interviews, Santos also confirmed that she and Pascual have already patched things up.
In fact, the two were spotted talking to each other during ABS-CBN's trade event last week.
"Nagbigay pugay lang ako kay Judai. When I saw the line up and I saw Judy Ann there, sabi ko gusto kong bumati. So nakita ko siya. Unfortunately may lumabas na camera agad, so nahiya din ako. Tapos lumabas nagbati daw ba kami. Hindi naman kami magkaaway ni Judai," Pascual explained.
"It's just like the old times. Wala naman kaming problema ni Judai. Okay naman," he added.



PIOLO, gagamitin na naman si JUDAY! "Oh no! Not again!"

http://www.abante.com.ph/issue/oct0912/ent_al.htm#.UHRucbJlRjs 

Nakalimutan na yata ni Piolo Pascual ang isinigaw niya sa Milan, Italy nu'ng nagsu-shooting sila roon nina Claudine Barretto na pagbalik niya ng Pilipinas ay gagawa naman sila ni Judy Ann Santos ng bagong pelikula.
Ang pasikat at nagmamalaki pang sigaw nga raw ni Piolo (ayon sa isang Star Cinema exe­cutive na bantay sa shooting sa Milan) ay, "Oh no! Not again!"
Ang tambalang Juday at Piolo ang pinakasikat noon sa bakuran ng Star Cinema na pati Papa Gabby Lopez ko ay bilib dahil hindi bumababa sa 100 million ang kita ng bawat pelikula ni Juday.
At si Piolo Pascual ay isa lang sa mga leading men ni Juday na napasikat niya nang husto na dumating sa puntong ang akala ni Piolo ay siya ang nagdadala ng pelikula nila ni Juday at feeling niya ay mas sikat pa siya kesa kay Juday.
Eh naitambal naman si Piolo sa iba pang leading ladies na feeling nga ni Piolo ay kaya na niyang magdala ng pelikula kahit 'di si Juday ang katambal niya. But sad to say, wala siyang pelikula na humi­git pa ang kita kesa mo­vie nila ni Juday.
Malas pa nga si Piolo sa mga nakatambal niya dahil kung ang praise release ay syota niya ang bawat nakatambal niya (syota hanggang sa maka-showing ang movie nila!) eh bakit lahat, as in lahat -- eh sa ibang lalake napa­kasal? At hanggang nga­yon ay wala pang napapakasalan si Piolo?
At dumating na nga sa puntong si Piolo ay desperado na dahil invaded by young and more handsome players ang field na akala niya ay solo niyang ginagalawan. He has now joined the league of Die­ther Ocampo, Jericho Rosales, Carlos Agassi, Bernard Palanca na mga kasamahan niya dati sa hunks group, pero nga­yon ay kapareho na lang niya ng kategorya.
Nahihirapan na mismo ang Star Cinema na ihanap si Piolo ng role na babagay sa edad niya. Kaya pasingit-singit na lang siya sa mga affairs ng ABS-CBN either as host or a shot song number na wala nang tumitili.
And in one desperate move ay nilapitan niya si Juday sa isang affair ng ABS-CBN at kinausap. Since edukada naman si Juday kahit na 'di college graduate ay civil naman itong nakipag-usap sa pinasikat niyang leading man niya.
Umaasa ngayon si Piolo na gagawa sila ng movie ni Juday para mahango siya sa tulu­yang pagkasadlak sa lusak. Kelan naman mangyayari 'yun? Papayagan ko ba namang mangyari 'yun kahit na hiniling na sa akin ni Malou Santos ng Star Cinema o ng Papa Gabby ko na one last despe­rate move for Piolo.
Si Piolo Pascual pa na walang pakialam sa damdamin ng ibang tao? Magdaan man ang Pasko o birthday ni Juday, binati man lang ba siya ng Pio­lo na 'yan? Naalala bang pasalamatan man lang ni Piolo si Juday 'pag tumatanggap ng award ang magaling na lalakweng ito?
Nakiramay ba si Piolo nu'ng namatayan si Juday? Na 'di man lang naalalang idaan man lang sa simbahan kung saan nakaburol ang lola ni Juday eh on the way naman 'yun sa pupuntahan ni Piolo?
Iniwan niya sa Christmas party ng mga fans nila si Juday at lumayas na siya. Inimbita naman si Piolo nu'ng kasal nina Juday at Ryan Agoncillo, nagpunta ba siya? And worst, ni hindi man lang bumati.
Pagkagaling nina Juday at Rya­n sa reception ng kasal nila ay saka naman lumarga doon si Piolo kasama ang bago niyang binobola noon na si KC Concepcion. At tuwing may okasyon sa ABS-CBN ay pilit na nagtatago si Piolo para 'di makabati kay Juday.
Guest man si Juday sa Sunday show ng ABS ay hindi nagpapakita kay Juday si Piolo. Magaling siyang umiwas.
At ngayon ay hindi na niya iniiwasan si Juday at nilapitan pa at binati dahil may kailangan! Hindi ba obvious ang panggamit ng Piolo na 'yan? Movie with Juday ha, kelan naman kaya mangyayari 'yun? Past is past and never shall it return.
Maligaya na si Juday sa pagiging lovely wife and devoted mother to Lucho so who needs one like the character of one Piolo Pascual? More than 50 years na akong gumagalaw sa mundo ng showbiz at wala pa akong nakitang artista na kasing-manggagamit ni Piolo at binabalewala ang babaeng nagpasikat sa kanya.
Kinain na ba ni Piolo ang sarili niyang salita? Puwes, ako mismo ang magbabalik nito sa kanya at magsasabing, "Oh no! Never again!"
Maliwanag po ba?

Piolo Pascual wishes and prays for KC Concepcion’s happiness in her love life


http://www.push.com.ph/features/8506/piolo-pascual-wishes-and-prays-for-kc-concepcions-happiness-in-her-love-life/


10/09/2012 8:41 AM

by: Bernie Franco

100912-piolo_main.jpgTanging magandang bagay lang ang wish at dalangin ni Piolo Pascual para sa dati nitong girlfriend na si KC Concepcion na ngayon ay nililigawan ng isang French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sa isang recent press conference ay kinunan ng reaksyon ang aktor hinggil sa pagkaka-link ni KC sa foreign filmmaker. “I’ve always wished her well.Wala naman problema sa akin. I wish her happiness and pray for her happiness. Basta masaya siya, masaya rin ako,” ani Piolo sa SunPIOLOgy Run at Star Magic Gives Back Concert press conference na magaganap sa November 24 sa Venice Piazza Mall, McKinley Hill.

Inamin din ni Piolo na pinangakuan niya ang kanyang anak na si Iñigo na hindi na muna siya magkakaroon ng relasyon. “Saka na ‘yon. I promised my son pag 18 (years old) na siya. So three more years to go, I will keep the promise.”

Nang sundutin ito ng tanong kung na-trauma ba siya sa nangyari sa kanila ni KC ang kanyang tugon, “Ayoko na muna ng showbiz. Ayoko sana. Masaya na ako sa ngayon. When the time comes na gusto ko [na ng relasyon] sana hindi showbiz.”

Nagkuwento rin ang aktor hinggil sa muling pagkikita nila ni Judy Ann Santos sa isang event ng ABS-CBN last week. “Nagbigay-pugay lang ako kay Juday. When I saw the lineup and I saw Juday [on the list] there, sabi ko gusto kong bumati. So nakita ko siya. Unfortunately may lumabas na cameraagad so nahiya rin ako,” ani Piolo. Dagdag pa niya na-interview na siya noong nakaraang araw at tinanong siya kung bati na ba sila ng dati niyang leading lady. “Hindi naman kami magkaaway niJuday. We’ve settled the issue with Ryan (Agoncillo) and Juday a long time ago. Wala namang problema with Juday, okay naman.”

Bukas din daw siya sa posibilidad na muli silang magkatrabaho ng dating leading lady. “I’ve always been open and Juday knows that. Naghihintay lang naman ako. Sobra akong komportable kayJuday and I’m praying and wishing for that na magkasama ulit kami kasi ang laki ng naitulong sa akin ni Juday eh, ‘yung career ko. I have open doors on a partnership with her. Gusto kong maka-partner siya ulit because sa laki ng naitulong niya sa akin siya ang gusto kong makasama,” paliwanag ng aktor.