@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 27, 2012

Juday, tumanggi sa El Presidente (Baka ‘di raw magampanan ang pagiging 1st wife ni Emilio)

Print E-mail
Written by Eddie Littlefield   
Tuesday, 27 March 2012 00:01
SUPER sexy nang rumampa si JUDY ANN Santos sa presscon ng bago niyang endorsement na Eden cheese, paboritong palaman sa tinapay nina Yohan at Lucho.

Na-surprise ang media sa mabilis na pagpayat ng asawa ni Ryan Agoncillo. “Siguro nabibigla lang kayo kapag naka-outfit ako ng ganito. Kasi, sanay kayong makita maluwag ang damit ko. Nasa bahay lang ako, pahabol-habol sa bagets kapag naglalaro kaming mag-iina. So, nandoon na ‘yung nae-exercise ka at saka nasanay na rin ako na small  amount ‘yung kinakain. Hindi ko rin napapansin kung naglu-lose ako or kung ano, happy naman ako,” tsika niya.
Ayon kay Juday, malaking factor si Ryan sa pagiging sexy niya.

Anong secret formula kaya ang ginamit ng  magaling na actress para maging sexy?

“Happy life. Commitment na gusto mong talagang pumayat. Disiplina sa sarili na gusto mo itong gagawin mong ‘to at hindi ito inutos ng ibang tao. At saka ‘yung pagpupursige na hindi ka kahit kailan mada-down ng kahit sino dahil dini-discourage kang pagpapayat. Basta gusto mo, go as long as nagagawa mo ‘yung duties mo as housewife. And at the same time, nagagawa mo pa rin ‘yung duties mo para sa sarili mo kasi, paano mo itatawid lahat ‘yung responsibilities mo kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka confident. It’s always come from your heart. It’s always come from yourself, ‘di ba?

“Malaking bagay mayroon kang support group. Hindi ito ‘yung support grupo na pinilit mong suportahan ka. With Ryan kasi, sa asawa ko, walang halong pambobola. Hindi niya napansin kung gaano ako kalaki noong lumaki ako. Araw-araw din kaming magkasama. Mahal na mahal niya ako para hindi niya makita, itong asawa ko balyena factor. Ngayon lang niya uli napapansin kapag tumitingin kami ng mga picture last year. Kapag nag-compliment si Ryan ang sarap naman pakingan lalo’t English ‘yung compliment like, ‘your so beautiful!’”

Anong feeling ni Juday na ang tawag sa kanya ngayon ay Hot Mama?

“Nakakatawa, nakaka-flattered. Kahit kailan hindi ko naisip na darating ako sa punto na tatawagin akong hot Mama. Ang tawag sa akin noon hot siopao. Ha! Ha! Ha!”

Naikuwento rin ni Juday na may offer pala siya  to pose for man’s magazine noon pero tinanggihan niya ito. “Before may nag-offer dalaga pa ako noon. Hindi ko kaya pero nakaka-flatter. Kapag dalaga ka at inoperan ka ng editor to pose for a cover of man’s magazine, nakaka-flatter. Kasi, ibig sabihin may nakikita sila sa ‘yo. But at the same time, sa akin kasi, hindi ko kaya kasi, ang kuya (Jeffrey Santos) ko nagbabasa ng men’s magazine. Hindi ko kaya na binabasa ako ng kuya ko na naka-pose ako.”

Panindigan na kaya ni Juday ang pagiging Hot Mama niya?

“Baka ipagkanulo ako ng mga anak ko pagdating ng panahon. Ibigay na lang natin ‘yan sa mas nakababata. Sa mas malalaking dibdib, ‘yung ganoon. Ha! Ha! Ha!”

Walang pakialam si Juday kung mabuntis siyang muli. Gusto pa nga raw niyang sundan si Lucho.

“Okay lang naman. Kung mabuntis, bakit ang hindi ? Go, kung hindi, okay din naman. Magpapatuloy tayo sa pagtatrabaho at pag-aalaga ng mga bagets. Kung mabuntis at tumaba, magpapapayat uli. Para sa akin, three is enough.” 

Napag-alaman din naming hangga’t maaari, ayaw ni Judy Ann mag-trabaho ng Sabado at Linggo kasi, inilalaan niya ang araw na ‘yun sa kanyang pamilya. “Kasi, yun lang ‘yung time na walang pasok si Yohan. Kung mayroon man trabaho hanggang tanghali lang hanggang 3:00 p.m. lang. Saturday naglalaro kami, larong kalye. Gusto kasi naming i-introduce kay Yohan kung ano ‘yung mga ginawa namin ni Ryan noong mga bata pa kami. Patintero, agawan base, mga habulan kasi, kulang na lang maglagay ka ng patintero sa ipod. “

Tiniyak naman ni Judy Ann na may movie project siyang gagawin sa Star Cinema with Coco Martin. “‘Yung movie with Coco, supposedly sisimulan namin early this year. Daming ginagawa ni Bagets. Nag-final na rin ako ng ‘Junior Master Chef,’ kaya’t relax muna. Tignan natin, siguro bago mag-school year uli baka magawa na namin. Pinag-usapan din namin na gumawa ng movie with John Lloyd (Cruz) pero hindi ko alam kung magyayari lahat ‘yun sa loob ng isang taon. Hindi na kasi puwede kagaya noong dalaga pa ako na puwede na sa kalsada na lang ako natutulog at sa set na ako naliligo. Ngayon kasi, ibang istorya na, ibang chapter na ito ng buhay ko. Siyempre, ite-take consideration mo na rin ‘yung kapag wala ka sa bahay araw-araw may mga bagay kang hindi makikita o mababantayan sa mga bata. Hindi mo puwedeng ipa-rewind ‘yun sa mga kasama mo sa bahay. Ang sakit ng ganoong feeling.”

Inamin din ni Juday na inayawan niya ‘yung movie offer ni Governor ER Ejercito para gumanap ng first wife ni Emilio Aguinaldo (El Presidente) with Ms. Nora Aunor. “Malaking pelikula ito. Sana hindi ito ma-take ng ibang tao na tumanggi ako dahil ayoko lang. Bilang isang artista, naniniwala kasi ako, kung gaganap ako ng isang papel na may pagbabasehan na character na hindi mo alam kung paano mo pagbabasehan kasi, hindi naman siya buhay. Sino ba ‘yung mga tao na puwede mong makausap, itanong kung ano ba ang ugali niya? Bayani itong pinag-uusapan natin, hindi ito kung sino-sino tao lang na gagampanan mo ‘yung buhay at puwede mong i-observe.

“Gusto ko siyang pag-aralan. Gusto ko siyang isapuso pero ako mismo sa ngayon hindi ko siya maitatawid. Hindi ako makaka-relate kasi hindi ko siya  personally kilala. Ayaw kong mapulaan ‘yung trabaho ko. Ayaw kong mapulaan ‘yung craft ko kasi, mahal koi tong ginagawa ko. Pero it’s an honor na kino-consider nila ang services ko para sa character, para sa role. Baka lang may mas iba pa na puwedeng gumawa niyon na mas maitatawid kaysa akin,” paglilinaw ni Judy Ann tungkol sa issue nila ni Gov. ER.

Ibig kayang sabihin ni Juday na hindi niya kayang gampanan ‘yung role na ibinibigay sa kanya?

“Oo, hindi ko kayang gampanan and at the sametime, hindi mo siya matatrabaho kahit i-research. Kahit saang anggulo mo pa tingnan, mahirap talaga. Hindi po dahil kay Gov. ER or kung sinuman ang nasa cast. Ako lang mismo bilang artista. Natatakot ako na baka hindi ko siya maitawid. Hindi ko magampanan ng tama, maging dahilan pa para hindi maging maganda pagkatapos ng pelikula.” 
 
 
 

No comments:

Post a Comment