@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, March 12, 2012

Juday, natatagalan sa trabaho dahil sa mga anak!



Dalawang TV com­mercials na naman ang dumating for Juday.

Iniwan ko sa kanya tulad ng dati ang desisyon kung puwede niyang tanggapin o hinde dahil siya ang magtatrabaho.

Hindi naman tumatanggi sa grasya ang alaga ko Wendell, kailangan lang niyang kumonsulta muna sa abogado niya kung may lockout o lockup sa iba niyang kasalukuyang commercials ang bagong alok sa kanya.

Isa pa, iba na rin ‘yung si Juday ang personal na kumakausap sa kumukuha sa kanya para ma­bigay ang anu mang lambing pa niya, like schedules and the likes.

Sa ngayon kasi dahil fully concentrated si Juday sa dalawa niyang anak ay natatagalan ang dati ay madaliang desisyon sa trabaho. Ngayon it takes time before she can attend to her professional work. Mas mahalaga para sa kanya ang binubuo pa nilang pamilya ni Ryan Agoncillo.

Bukod sa pinag-uusapan pang bago niyang teleserye sa ABS-CBN ay naghihintay pa ang desisyon niya kung alin sa apat na pelikulang gagawin niya ang uunahin niya. Gusto kasi ng apat na movie producers na sila na ang unahin ni Juday. Kaya lang, sino nga sa apat ang mauuna?

No comments:

Post a Comment