@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 21, 2012

JUDAY, FROM HOT SIOPAO TO HOT MOMMA!

Tuwing haharap sa entertainment press si Judy Ann Santos, napapansin ng press na mas lalo itong pumapayat at sumeseksi. Kaya naman palaging ang tanong kay Juday ay kung ano raw ba ang sikreto nito na kahit mommy na ay seksing-seksi pa rin.


“Happy life! Hindi naman, commitment na gusto mong pumayat.

Disiplina sa sarili na talagang gusto mo itong gagawin mo na ito at hindi ito inutos ng ibang tao. At saka ‘yung pagpupursige na hindi ka kahit kailan mada-down ng kahit sino kasi, dini-discourage kang magpapayat.


“Basta gusto mo, eh ‘di go, as long as nagagawa mo pa rin ang duties mo. Kung nanay ka at may asawa ka, nagagawa mo pa rin ang duties mo as nanay and housewife. At the same time, nagagawa mo pa rin ang duties mo para sa sarili mo.


“Paano mo maitatawid ang responsibilities mo kung ikaw mismo sa sarili mo, hindi ka confident or feeling mo hindi ka healthy? It should always comes from your heart, from yourself,” bungad na kuwento ni Juday.


Tuwing umaga raw, freshly squeezed fruits and ve­getables lang ang kinakain niya at yogurt, pero kumakain rin daw siya ng mga ibang pagkain kahit junk foods, pero, binabawi niya raw ‘yun sa pag-e-exercise.


May nagtanong naman kay Juday kung ano na raw ang vital statistics niya ngayon dahil sa damit na suot nito, kapansin-pansin na ang liit na talaga ng beywang niya.


“Hindi po ako nagme-measure ng alindog ko. Naks! Ha! Ha! Ha!


“Naku, si Paul Cabral lang yata ang nakakaalam ng eksaktong measurement ko. But ang alam ko, I’m smaller and leaner now as compared before.”


Puwedeng-puwede na nga siyang tawaging ‘hot momma’ ngayon.


“Tunay ba ‘yan? Ha! Ha! Ha! Nakakatawa. Nakaka-flatter. Kahit kailan naman, hindi ko naisip na dara­ting ako sa puntong tatawagin akong hot momma. Ang tawag sa akin noon, hot siopao! Ha! Ha! Ha!”


May mga lalaking nagnanasa na rin sa kanya ngayon?


“Huwag naman ‘yung term na pagnanasa. Parang medyo dalahira naman yata ang term na ‘yun! Ha! Ha! Ha!


“Pero siyempre, nakaka-flatter. Sino ba naman ang hindi? Parang napaka-ipokrita ko naman. ‘Yun ang tingin nila. Ha! Ha! Ha!”


Bongga nga si Juday na pagdating sa mga ine-endorse na produkto ay isa na yata siya sa masasabing in-demand product endorser ngayon. Pinakabago nga ay ang Kraft Eden Cheese.

Bagay kay Juday dahil napaka-hands-on mommy niya sa mga anak na sina Yohan at Lucho bukod pa sa masasabing chef naman siyang talaga.


Iba na rin daw talaga ngayon si Juday kahit sa trabaho kumpara noon na wala pa siyang mga anak.


“Mas hinay-hinay na ako ngayon, kumbaga, hindi na parang dati na kahit sa kalye na ‘ko natutulog, sa location na ako naliligo. Siyempre ngayon, iba na. At ‘yung mga mangyayari sa mga bata, kung ano na ang mga bago nilang ginagawa, parang nakakaiyak kapag hindi mo na-witness kasi, hindi mo naman na maiba­balik ‘yun, hindi mo na maire-rewind.”


Pagkatapos ng show niyang Junior Master Chef, posible raw na gumawa ng dalawang pelikula si Juday, bukod pa sa ginagawa niya ngayon for Cinemalaya.


“May gagawin akong movie with Coco Martin. And then, pinag-uusapan din with John Lloyd Cruz.

‘Yun nga lang, hindi ko lang alam kung maitatawid lahat ‘yun ngayong taon. May sinasabi rin na soap-opera, pero, gaya nga ng sabi ko, isa-isa muna siguro.”


Sa huli, naitanong din kay Juday ang tungkol sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng kaibigan niyang si Megastar na si Sharon Cuneta sa Twitter. Personally, wala raw siyang Twitter.


“Eh, siguro kasi, matagal na akong nalalait, may mga naninira rin dati pa. So, ako, parang huwag na lang. Less stress, less inis, kasi kapag may nabasa ka, ‘di ba?”


Nag-advise ba siya kay Sharon?


“Hindi! Parang wala naman yata ako sa posisyon na magbigay ng advise kay Ate Sharon. Siyempre unang-una, mas matagal na siya sa akin sa industriya. Siguro ganoon talaga kapag anak mo na ang nalalagay sa alanganin, kahit sinong magulang naman, hindi puwedeng hindi ka magre-react o hindi mo idedepensa, ‘di ba?


“Ako lang, noong nalaman ko, I texted her at tinanong ko kung okay ba siya. Dati kasi noong wala pang Twitter, sa mga fan mails, doon mo makukuha ang pag-alipusta at naranasan ko rin naman ‘yan at alam ko rin naman ang pakiramdam na maraming tao ang maninira sa ‘yo. So, ini-assure ko siya na nandito lang ako.


“I hope she’s okay at sana, matapos na rin itong mga ganito ng ganap!” sey na lang ni Juday.




SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment