@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 27, 2012

Judy Ann’s picnic in Eden


BUZZSTATION



Judy Ann Santos seems to have become full-blown woman and is having \"a picnic in Eden,\" to quote Irish novelist Elizabeth Bowen. Buzzstation interviewed Judy Ann during her launch as image model of the new Eden Cheese campaign. As this transcript will show, she has matured beautifully as a superstar, wife, mother and friend.
Judy Ann endorses Eden Cheese with daughter Yohan. Many brands would want Judy Ann as their ambassador but she is very selective when it comes to brands that she endorses. She chooses those that have value for her and her family.

What\'s the secret of your hot, sexy figure?

Happy life and siguro ‘yung commitment ko na gusto talagang pumayat at pagpupursigi. As long as nagagawa ko pa rin ‘yung duties ko as a mom and wife. Every morning, fresh juice, veggies and yogurt. Pero kinakain ko pa rin ‘yung gusto kong kainin pero following morning may kapalit ‘yang exercise, like pagtakbo-takbo ko sa bahay o ‘di kaya kargahin ko si Lucio ng ilang oras o ‘di kaya akyat-panaog ako sa hagdanan. Maraming ways para hindi ka gumastos ng pera.
Any plans for Yohan to enter showbiz?
Siguro commercial lang muna. Pero gusto niya maging singer. Pinapipili namin kung ano gusto niya kasi mahilig ding sumayaw.

What’s the reason you don’t have a Twitter account?

Hindi ako sumali sa Twitter siguro kasi alam ko na sa panahon ngayon lahat ng tao may opinion, lahat ng tao may kapasidad na magsalita ng mga masasakit. At hindi naman ito nasasala, at hindi naman ito dumadaan sa MTRCB. Gusto ko kasi ng payapa na araw; ayaw ko na naii-stress; ayaw ko ‘yung maiinis ka at saka sanay naman siguro ako sa mga alipusta. Parang okey na ako dun; quota na ako dun.

What can you say to celebrities bashed in Twitter?

Ang masasabi ko lang may mga pagkakataon na kasi bilang isang ina, \'di ba, kung ikaw lang naman ang aalipustahin, ako okay lang kasi kaya ko, pero pag anak mo na yung kinansi, kahit sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay kasi anak mo ‘yun. Dinala mo ‘yan ng siyam na buwan sa sinapupunan mo, niluwal mo, pinalaki mo tapos andyan lang ‘yung mga tao para alipustahin lang ‘yung anak mo at husgahan agad-agad.

And about Sharon Cuneta\'s irresponsible bashers? 

Kay Ate Sharon, nanay siya. Sa akin man sabihin ‘yun siguro masasaktan ako ng bonggang-bongga. Parang hindi na yata makatao ‘yung mga sinasabi. Siguro they have own reasons pero siguro darating ang panahon ‘pag naging magulang na sila at gumagawa ng mga ito, mararamdaman din nila.

As your former leading man, how about the negative things they say about Piolo (Pascual)?

Sa totoo lang, it’s a personal thing and ito siguro ang dapat hindi natin pinakikialaman. Kasi dalawa lang naman talaga na tao ang involved kaya hindi tayo kasama diyan. Naiintindihan ko na may mga tao na gustong protektahan ang mga idolo nila, pero sa ginagawa nila napasama rin pati ‘yung mga iniidolo nila. Kung ano man ‘yung naging isyu about KC (Concepcion) and Piolo, wala namang hindi nadadaan sa matagal na panahong pagpapahinga, ‘di ba? Bigyan natin ng time, bigyan natin ng espasyo silang dalawa. Relax lang. Hayaan na natin. I guess silang dalawa are trying to move on pero may mga tao sa paligid nila na hindi maka-let go.

Do you set limitations when doing projects now that you are a mother of two kids and wife to Ryan?

Hindi na pupuwede ng katulad noong ako’y dalaga pa na puwede sa kalsada ako natutulog, sa set na ako naliligo. Okey lang ‘yun ngayon kasi ibang istorya na kasi chapter na ito ng buhay ko na ‘pag wala ka sa bahay araw-araw, may mga bagay ka na hindi nakikita at mababantayan sa mga bata
.
Plans for this Holy Week with the family?
Ang hirap lumabas ng Maynila. Ang traffic at saka kung mag-beach ka magkita-kita rin kayong mga magkakaibigan kaya pag-Holy Week nasa bahay lang din naman kami: nagba-bonding kami sa bahay. Dun kami nagdadasal. Si Mommy talaga pag-Holy Week nagbi-Bisita Iglesia; kami naman nagrorosaryo.



source here

No comments:

Post a Comment