@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 20, 2012

Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos matibay pa din

Posted on March 20, 2012










Kumpleto na ang pakiramdam ni Ryan Agoncillo nang magsimula silang bumuo ng pamilya ni Judy Ann Santos. Ayon pa kay Ryan, ginagawa nila ni Judy Ann ang kanilang makakaya para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Ang panganay na si Yohan ay pumapasok na rin sa paaralan at si Lucho naman daw ay dinadala na rin sa kaniyang pre-school ng kaniyang Mommy Judy Ann Santos.


Wala rin daw problema pagdating sa dalawa nilang anak na si Yohan at Lucho. Alam naman ng panganay nila na baby pa lang ang kaniyang kapatid kung kaya kailangan ito ng atensyon. Iba raw ang ligayang naihahatid ni Lucho sa kanilang pamilya kung kaya masasabi nilang ang bunso ang life of the party ng kanilang pamilya. Hindi na rin daw nararamdaman ng panganay nina Ryan Agoncillo na si Yohan ang selos dahil naiintindihan na nito ang sitwasyon.


Napapanood din ngayon ang mga anak nila ni Judy Ann Santos sa mga TV commercials pero hindi pa rin masasabi ni Ryan na tuluyan nang papasok ang mga anak sa Showbiz. Aminado naman si Ryan Agoncillo na hindi niya inakala na mauuwi siya sa pagiging artista noong bata pa siya kung kaya titingnan pa nila ng asawa kung ano ang magiging future ng kanilang mga anak.


Kahit na nasa dugo ng mga bata ang pag-aartista ay mas gusto pa rin daw ni Ryan at Juday na makapagtapos ang kanilang mga anak. Handa naman daw sila sumuporta sa mga bata pero mas mahalaga pa rin daw na makapagtapos muna ang mga ito ng pag-aaral. Masayang-masaya ngayon si Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa dalawa nilang makukulit na supling pero hindi pa rin daw nila sinasara ang pinto para sa bagong baby.



source here

No comments:

Post a Comment