- Published : Thursday, August 11, 2011 00:00
- Written by :
Ayon kay Judy Ann Santos, napaiyak na siya agad sa logo ng Junior Masterchef, Pinoy Edition
nang una pa lang itong i-present sa kanya kaya hindi naging mahirap ang pagtanggap sa nasabing programa kung saan siya ang host.
“Sa bawat proyektong tinatanggap ko, kapag naluha ako at naiyak ako sa eksena sa script na binabasa ko, maganda siya para sa akin.
“Eto, logo pa lang sa TV, naiyak na ako, so, ibig sabihin, gusto ko siya at mahal ko na ’yung show nu’ng ipinakita pa lang sa akin,” pahayag ni Juday sa presscon kahapon para sa naturang reality show.
“Wala nang masyadong mahabang usapan, in fact, nang magkaroon ng briefing, nang araw na iyon, umoo agad ako, sabi ko, ‘yes, I’ll do it.’
“It’s not a hard decision to make, it’s something na impulse, eh, na oo, sige po," dagdag pa niya.
Sa sobrang excitement nga raw niya, nakalimutan niyang konsultahin ang asawa niyang si Ryan Agoncillo.
“Ganu’n ako ka-excited, ‘ay, oo nga pala, may asawa ako, kailangan ko nga palang i-consult.’ Originally po kasi, ang plano ko, babalik ako sa trabaho ’pag one year old na si Lucho.
“Pero alam naman ni Ryan, eh, kahit siya nanood sa TV kapag ipinapalabas ang Junior Masterchef, so, alam niya. Alam niya na passion ko rin talaga ang pagluluto.”
Ayon pa sa aktres, dream come true para sa kanya ang show na ito dahil nang pinapanood daw niya ang CD ng original edition sa United Kingdom at Australia, hindi raw niya naisip na makakarating ito sa Pilipinas.
“Kasi parang inisip ko, meron ba talagang sasali na mga Pilipino kung saka-sakaling makarating dito ang franchise ng Masterchef?
“And nu’ng in-offer sa akin, logo pa lang, naluha na ako. Kasi pinapanood ko siya, eh.”
Aminado rin naman si Juday na kabado siya sa unang pagsabak niyang ito sa hosting.
“Kasi, hindi naman po ako talaga host. Ang alam ko lang, eh magmemorya at umarte, makipag-away sa eksena, pumunta sa set na ready na akong umarte. “Eto, kailangang dumating ako sa set na handa ang emotions ko sa pakikipag-usap sa mga bata, handa rin ang emosyon ko bilang nanay para i-encourage sila everytime na may times na, halimbawa, naiiyak sila kapag mayroon silang nagagawa.”
Pero kakaibang experience raw ito at para sa kanya ay isang malaking learning process para sa isang taong tulad niya na bata pa lang, pag-arte na ang nakagisnan.
“Alam kong ibang-ibang mundo ito talaga kaya kinakabahan ako kasi alam kong oras na ipalabas ito, may mga taong matutuwa, may mga taong bibilib, may mga tao rin na hindi talaga maiiwasan, babatikusin at babatikusin ka talaga.
“Handa naman po ako ru’n, buong buhay ko naman naranasan ko na ’yan.”
But overall, isang malaking privilege raw na maibigay sa kanya ang show na ito na magsisimula na sa Aug. 20.
Ayon kay Juday, sa first few weeks ay every Saturday mapapanood ang Junior Masterchef at siniguro raw niya na hindi ito makakatapat ng show ni Ryan sa TV5 na Talentadong Pinoy.
“Kasi siyempre, gusto ko naman na mapanood ng mga tao pareho ’yung shows namin. And respeto na lang sa show ni Ryan, nauna naman talaga ang Talentadong Pinoy, parang hindi naman din tama na pagtapatin kami at iba naman ’yung tema ng show niya at tema ng show ko. Gusto ko, ’pag napanood ng mga tao, parehong show.”
Speaking of Ryan, natanong kay Juday ang tungkol sa teleseryeng gagawin ng asawa sa TV5 kasama ang Superstar na si Nora Aunor at siyempre, ani Juday, super proud at happy siya about it.’
“Oo naman! Oo naman, ano ba! Lahat naman tayo, excited na finally nandito na si Miss Nora Aunor and nakaka-excite na muling mapanood siya sa TV, sa pelikula kasi na-miss naman siya talaga ng mga tao. “And parati ko namang sinasabi ’yung level ng acting niya na ibinigay ni Ate Guy, wala namang makakagawa nu’n, wala namang makakapantay, so, excited akong mapanood muli ang pag-arte niya.”
Si Juday, may bansag na “Young Superstar” dahil sinasabi ngang siya ang the next Superstar.
Ano ang masasabi niya tungkol dito?
“Salamat, salamat po, pero parati ko namang sinasabi na walang next, walang susunod, kasi siya lang ’yan, eh, siya lang ang nakapasok sa ganu’ng level, sa ganu’ng status, eh.
“Ni sa kalingkingan yata ng naabot ni Ate Guy, hindi ko naabot, eh. Dahil talagang matindi ang nangyaring… ang laking artista ni Nora Aunor, walang makakapantay sa kasikatan niya,” pahayag pa ni Juday.
Samantala, makakasama rin ni Juday sa show ang tatlong chefs na sina Ferns, Lau at Jayps para umagapay sa mga batang contestant.
Sila rin ang magsisilbing judges.
SOURCE: http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/11058-judy-ann-tries-hosting
No comments:
Post a Comment