@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, August 1, 2011

Judy Ann nagpapahintay kay Coco


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated August 02, 2011 




Kamakailan ay pumutok ang balitang magbabalik na sa Pilipinas ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kaya naman inabangan ito ng kanyang mga tagahanga. Hindi natuloy ang kanyang pagdating katulad ng mga naunang ulat.
Muling napabalitang ngayong araw ang uwi ng Superstar. Isa sa mga pinaka-excited sa pagdating ni Ate Guy sa bansa ay ang young Superstar na si Judy Ann Santos.
“Isa ako sa mga taong magiging masaya kasi totoo naman, nag-iisa lang ang Superstar. Walang puwedeng pumantay sa trono niya. Nora Aunor is a legend already, maligaya ako at proud kong sabihin na nakasama ko siya sa isang proyekto,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.
Samantala, abala si Juday ngayon sa pagiging host ng kanyang bagong show na Junior Master Chef. Bukod sa kanyang pagi­ging aktibo sa showbiz ay sinisiguro naman ni Juday na hindi niya napapaba­yaan ang kanyang pamilya.
“Na-e-enjoy ko ’yung pagiging host, ito pala ’yung part ng industriya na hindi ko akalaing kaya kong tawirin. It’s a path worth trying. Masyadong komportable ’yung schedule para sa akin, maaga akong natatapos. May time ako sa mga bata, napapatulog ko pa sila, napapakain ko pa ng breakfast,” kuwento pa ni Juday.
Bukod sa pelikulang gagawin nina Juday at asawang si Ryan Agoncillo para sa Metro Manila Film Festival ay matutuloy na rin ang pelikula ng aktres kasama si Coco Martin.
“Nung nabasa ko ’yung script, sinabi ko sa producer namin na please huwag mong ibigay sa iba ’yung istorya. Akin ’yang istoryang ’yan. Mga next year na talaga magagawa ’yun, ’yun ang magiging first movie ko for that year,” pagtatapos ni Judy Ann.

No comments:

Post a Comment