@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, August 10, 2011

Judy Ann Santos on her first hosting stint: "Kakaririn ko talaga ang trabahong ito."

Judy Ann Santos on her first hosting stint: "Kakaririn ko talaga ang trabahong ito."

 
"Alam ko na may mga taong masaya, may mga bibilib. Mayroon din naman mga taong babatikusin at babatikusin ako talaga. Handa naman po ako doon. Parang buong buhay ko na naman naranasan ko na 'yan," says Judy Ann Santos about the possible reactions of the public on her new job as the host of the local franchise of Junior Masterchef.

Nerisa Almo
"It's a dream come true, sa totoo lang po talaga."

Ito ang unang nasambit ng multi-awarded actress na si Judy Ann Santos  nang tanungin siya tungkol sa bago niyang trabaho bilang isang TV host.

Siya ang napiling host ng local version ng Australian TV show na Junior Masterchef na simulang mapapanood sa Agosto 20 sa primetime slot ng ABS-CBN.

Ayon sa 33-year-old celebrity, isa talaga siyang masugid na tagapanood ng original na Masterchef. Kaya naman sobrang natuwa siya at hindi na nagdalawang-isip nang ialok sa kanya ang trabaho.

"Never kong naisip, noong pinapanood ko ang Junior Masterchef Australia, na makakarating siya dito sa Pilipinas.

"Iniisip ko, mayroon ba talagang sasali na Pilipino kung sakaling makarating rito ang Masterchef.

"Noong in-offer sa akin, noong kinausap ako nina Tatay Lauren [Dyogi, director], logo pa lang, naluha na ako.

"Kasi, pinapanood ko siya, e. Fan ako ng show na ito," kuwento ni Judy Ann sa press conference ng programa kaninang tanghali, Agosto 10, sa 55 Events Place, Scout Rallos, Quezon City.

Bilang ito ang unang pagkakataon na magho-host si Judy Ann, aminado siya na kabado sa tuwing dumarating siya sa set.

Sabi pa niya, "Mas kinakabahan ako kasi hindi naman ako talaga host. Ang alam ko lang talaga ay magmemorya, umarte, makipag-away sa eksena, pumunta sa set nang ready na akong umarte.

"Ito, kailangang dumating ako sa set nang handa ang emosyon ko at nakikipag-usap sa mga bata.

"Dapat handa rin ang emosyon ko bilang nanay. Kasi, every time na, halimbawa, naiiyak sila kapag may hindi nagawa.

"It's a different experience. For me, it's a learning process para sa isang taong kagaya ko na umarte simula bata pa lang.

"Ang pagiging host, para akong nasa college. Ibang-ibang klaseng mundo po talaga ito kaya kinakabahan ako."

Natutuwa rin ang dating lead actress ng Ysabella, ang TV series na may tema rin tungkol sa pagluluto ng mga pagkain, dahil siya ang napiling host kahit na marami namang artistang may karansan dito.

"It's an adventure and it's a privilege na ibinigay sa akin ito dahil hindi ko naisip na... Marami namang artistang chef, e, hindi lang ako," sabi niya.

TIMELY OFFER. Sa halip na magbalik sa telebisyon sa pamamagitan ng pag-arte, mas pinili ni Judy Ann ang pagho-host ng Junior Masterchef.

Ito ay dahil aniya, "Gusto ko kasi, kapag nag-comeback ako, medyo relaxed. Natiyempo lang din po."

Pagkatapos nabanggit niya na hindi pa naman niya balak sana na magbalik-trabaho kaagad.

Matatandaan na panandaliang huminto si Judy Ann sa pag-arte simula niyang ipagbuntis ang unang anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.

Saad ng aktres, "Ang plano ko po talaga, mga isang taon pa, kapag nag-one year na si Lucho, bago ako bumalik sa trabaho.

"Nagbago po ang ihip ng hangin nang makita ko ang Junior Masterchef.

"Wala nang masyadon mahabang usapan. It's not a hard decision to make."

DIFFERENT SKILL. Itinuturing din ni Judy Ann na magandang paraan ang pagho-host ng isang reality show para sa kanyang pagbabalik upang maipakita sa tao na may iba pa siyang alam gawin bukod sa pag-arte.

Paliwanag niya, "Sa palagay ko po, parang na-timing din sa magandang pagkakataon na ito muna ang gagawin ko. Kasi, alam naman ng lahat na nanganak ako.

"Parang naisip ko rin na dapat muna akong mag-explore ng puwede kong gawin sa industriyang show business.

"Parang na-prove ko na naman sa mga tao na kahit papaano nakakaarte naman ako. Kahit papaano kumikita naman 'yong ibang pelikula ko.

"Parang gusto ko namang i-challenge ang sarili ko sa ibang aspeto ng show business, like hosting."

Inamin din niya, "Hindi ko talaga ito linya. Pero I am more than willing to take this risk in this talent.

"Kasi, di ba, kapag nasa industriya ka ng pag-aartista, hindi puwedeng ito lang ang ibibigay mo. Kailangang may iba pa para hindi magsawa ang tao sa 'yo.

"Parang nandoon na ako sa stage na, 'Ano pa ba ang puwede kong ipakita?'

"Hindi naman ako pwedeng mag-host at umiyak at the same time.

"Napatunayan ko na naman ang boses ko sa singing career ko, may dancing skill naman ako.

"Kaya ito naman.

"Declamation naman ang susunod ko!" biro niya.

Makikita rin sa Junior Masterchef ang kakayahan ni Judy Ann pagdating sa kusina.

Sa mga hindi nakakaalam, nag-aral ng culinary arts si Judy Ann sa Center for Asian Culinary Arts Studies. Dumalo rin siya sa isang crash course para sa Internationa Cuisine sa Chiang Mai, Thailand. (CLICK HERE to read related article.)

"A reality show is a perfect vehicle for me to make a comeback din.

"Gusto ko ring makita ng tao na ito rin po ako sa likod ng camera.

"Nagkataon lang na may kamerang gumigiling. Kasi, reality show din naman ito, e.

"[Makikita rito] kung paano ako makipag-usap sa mga bata, kung paano kami makipagbiruan sa mga bata, makikita nilang lahat dito.

"Ang naiisip ko lang din kasi napaka-stress-free lang din ng trabahong ito—dealing with kids, playing with them, cooking with them."

PREPARING FOR HER NEW JOB. Hindi naman ikinaila ni Judy Ann na humihingi siya ng payo mula sa asawang si Ryan, isang award-winning host, pagdating sa kanyang bagong trabaho.

Bukod dito, pinanonood din umano ng aktres ang original Masterchef at Junior Masterchef bilang paghahanda sa pagho-host ng ganitong klaseng show.

At higit sa lahat, hindi isinasara ni Judy Ann ang kanyang tainga sa anumang komento na maaari niyang matanggap tungkol sa kanyang pagho-host.

Sabi niya, "Ako, open ako sa lahat ng bibigay na komento sa akin pagdating sa pakikipag-usap.

"Nagsisimula pa lang ako bilang host. Wala akong alam dito."

At sa mga posibleng panlalait na matanggap niya kapag nagsimula na ang programa, ito naman ang magiging tugon ni Judy Ann, "Alam ko na may mga taong masaya, may mga bibilib.

"Mayroon din naman mga taong babatikusin at babatikusin ako talaga.

"Handa naman po ako doon.

"Parang buong buhay ko na naman naranasan ko na 'yan."

Kung hindi man siya maituturing na magaling na TV host, siniguro naman ni Judy Ann pagbubutihin niya ang panibagong trabahong ito katulad ng kanyang ginawa sa pag-arte.

Sinabi pa niya, "Kakaririn ko talaga ang trabaho na ito hanggang sa mapaniwala ko silang lahat na kaya ko ang trabaho na ito."

No comments:

Post a Comment