@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, August 24, 2011

Judy Ann Santos on becoming a chef: "Next step is to learn the basics sa pagpapatayo ng restaurant."


Judy Ann Santos on becoming a chef: "Next step is to learn the basics sa pagpapatayo ng restaurant."


"Kaya ang sabi ko, e, pagbubutihin ko na lang muna ang appetite ko. Kakain na lang muna ako bago ako magsimulang magtayo ng negosyo," says Judy Ann about her dream to become a professional chef.




Nerisa Almo


In some of her TV commercials, Judy Ann Santos-Agoncillo has already been acknowledged as a celebrity chef. But the multi-awarded actress thinks that she has yet to earn this title.

Although Judy Ann already completed several culinary courses, which include graduating with a distinction at the Center for Asian Culinary Arts Studies, she believes that her knowledge is still not enough to claim chef status.

"Sa pagkakaalam ko, dapat nagpapatakbo ka ng sarili mong restaurant," said Judy Ann when asked about what it takes to become a chef.

She added, "Dapat parang you're the head of the kitchen para matawag kang chef. Isa 'yong malaking bagay.

"Alangan namang tawagin ko ang sarili kong chef.

"Dapat ikaw ang nagmamando sa kusina.

"You do everything. Mula sa paglalagay ng mga pagkain sa menu, lahat-lahat. Ikaw ang head ng lahat. Kumbaga, sa 'yo lahat."

People might wonder, what happened to restaurants, Kaffe Kilimanjaro and Kaffe Carabana, which Juudy Ann used to own?

Judy Ann said she still has a lot to learn about restaurant management.

She explained, "Sa pagtatayo po kasi ng restaurant, para sa akin, hindi naging madali. Kasi, hindi ako nagkaroon ng masyadong time na tutukan 'yong mga negosyo ko.

"Parang naging stress-reliever ko 'yong pagpapatayo ng Kaffe Carabana and Kaffe Kilimanjaro. Kasi, binili ko na lang siya, active na siya.

"Then, eventually, I realized na ang pagpapatayo ng restaurant, hindi pala parang basta ka na lang bibili ng RTW, okay na.

"Hindi, e. Kailangan tutukan mo siya. Parang bata, kailangan alagaan mo, kailangan dine-develop mo."

FUTURE RESTAURATEUR . The 33-year-old actress may have failed in maintaining her business, but that inspired her to learn more about restaurant management.

"Mag-aaral po muna ako. It actually made me realize na, 'Mag-aral ka pa, Juday,'" Judy Ann said.

"Kaya ako nag-culinary kasi parang I felt na 'yong kaalaman ko sa pagluluto, hindi puwedeng hanggang dito lang.

"Kailangang sumasabay ka rin sa agos ng panahon pagdating sa mga restaurant na pumapasok, especially ngayon ang competition talagang very stiff.

"Kaya ang sabi ko, e, pagbubutihin ko na lang muna ang appetite ko.

"Kakain na lang muna ako bago ako magsimulang magtayo ng negosyo.

"Bakit ako papasok sa negosyo na hindi ko masyadong alam? Aalamin ko muna.

"Kapag siguradung-sigurado na ako, at saka ko siya papasukin.

"Mas masakit siguro 'yong nalugi ka ng wala kang laban kaysa 'yong nalugi ka na kaya mo naman, pero hindi mo lang nagawa."

Judy Ann also shared an important note to those who plan to put up a restaurant. She said, "Hindi sapat 'yong boka lang nang boka para pumunta 'yong mga tao sa restaurant mo.

"Napapunta mo nga sila pero hindi mo sila napabalik.

"Ang importante, e, napabalik mo sila."

CHICKEN CURRY.  Judy Ann was just a child star of eight when she got interested in cooking. She was doing Ula, ang mga Batang Gubat.

It was then that she learned to cook one of her favorite dishes, chicken curry.

"Nakikisaling-pusa lang talaga ako kapag nagluluto," she recalled. "Kasi kapag nagpupunta ako sa set, sa service nila ako sasabay. Doon na ako matutulog sa jeep nila.

"Nagigising na lang ako sa amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. Parang 'yon ang pabango ng ilong ko, 'yon ang pampagising nila sa akin."

But when PEP (Philippine Entertainment Portal) asked her who really influenced her to cook, Judy Ann gave credit to her Mommy Carol and Ate Binay.

"Talagang nakamulatan ko na ang pagluluto nilang dalawa," she related.

Because of this, Judy Ann said, she learned not to be too picky with food.

"Sanay kami sa lutong bahay. Hindi kailangang extravagant, pero 'yong masarap. At saka kung ano ang nandiyan, kinakain talaga namin."

TEACHING YOHAN. These days, Judy Ann is slowly passing her knowledge to daughter Yohan, thus teaching her child to eat whatever is served on the table.

She related, "Binibigyan ko ng participation si Yohan sa pagluluto, especially when it comes to her food.

"Kasi, gusto ko nakikita niyang kumakain kami ng gulay, kumakain kami ng isda.

"So, 'yong participation niya is malaking bagay para sa mga bata. Nakaka-proud for her na, 'I make my food,' 'tapos uubusin niya.

"Sa pagpapakain kay Yohan, hindi naman siya 'yong pihikan na bata na hindi mo mapapakain ng mga lutong-bahay.

"Actually, ang training kasi namin sa kanya, kung ano ang nakahain sa harapan mo, matutunan mong kainin basta pagkain.

"Sometimes, ine-explain ko sa kanya na, 'Hindi sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng chance na mamili ng pagkain. Baka dumating tayo sa panahon, hopefully hindi naman, na isa lang ang choice mo, you have to live with it.'

"'Yon ang training sa amin ni mommy, e. Kung ano ang nakahain, 'yon ang kainin. Huwag nang mamili kasi, mabuti nga may kinakain, ang ibang bata, wala nang kinakain."

ROBOCHEF RYAN! Judy Ann feels lucky that her husband knows how to cook.

She said, "Marunong siyang magluto. Kasi, even before kami magkakilala, mayroon siyang cooking show, e, 'yong Kiss the Cook. Medyo may kaalaman na siya sa pagluluto."

During the press conference of Junior Masterchef, Judy Ann shared a funny story about  how she and Ryan bonded in the kitchen while she was still pregnant with their son Lucho.

She said Ryan was her "robot chef" during those days.

Judy Ann narrated, "Noong nabuntis ako, nagkaroon kami ng tandem na parang 'robot chef' ko siya.

"Kasi, ayaw kong lumapit sa mainit dahil naiinitan ang tiyan ko. So, binibigyan ko lang siya ng instruction, siya na 'yong gumagawa."

Then, she jested, "'Yon ang mga advantage kapag buntis ka."

Although Judy Ann has already given birth, Ryan is still willing to be her 'robot chef.'

"Nagustuhan na rin 'yong experience na siya 'yong tagahalo ko, halimbawa, kapag nagluluto ako ng laing or 'yong mga pagkain na kailangan mong haluin nang haluin," she said.

Right now, Judy Ann focuses on preparing for her immediate food tasters, her family.

Among the dishes that she prepares are different types of cuisine the she learned from previous studies and from cookbooks.

When she masters the fine art of cooking, Judy Ann's next step is, "to learn the basics sa pagpapatayo ng restaurant."


SOURCE:    http://www.pep.ph/features/infocus/25522/judy-ann-santos-on-becoming-a-chef-next-step-is-to-learn-the-basics-sa-pagpapatayo-ng-restaurant/1/3




No comments:

Post a Comment