@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, August 15, 2011

Judy Ann happy to host 'Junior Master Chef'




Ayon kay Judy Ann Santos, nakakontrata raw siya sa ABS-CBN hanggang 2012 kaya hindi siya talaga pwedeng gumawa sa iba. Matagal ding naging usap-usapan kasi na palipat siya ng network which turned out na hindi nga true since ang aktres na mismo ang nagsabi na may existing contract siya sa Kapamilya network till next year.

In fact, heto nga’t magsisimula na sa Sabado ang kanyang Junior Masterchef Pinoy Edition kung saan ay first time niyang magho-host ng isang programa.

Pero pwede pa ba siyang gumawa ng teleserye?

"Oo naman, oo naman, meron naman, meron naman. May mga offers din naman ang ABS, ’yun nga lang tinatantiya ko rin ’yung time, ’yung taping schedule, ’yung hangga't maaari isa-isa lang muna," say ni Juday.

"Mahirap kasi pagka pinagsabay-sabay tapos wala ka na ring oras sa bahay, wala ka na ring oras sa pamilya and at the same time, hindi mo na nagagawa nang maayos yung trabaho mo kasi lugami ka na sa iba mo pang pinagdaanang trabaho. So as much as possible ’yung gusto ko, one step at a time, slowly, but surely ba,” she added.

Pero kahit hindi raw teleserye itong Junior Masterchef ay matindi rin daw ang emosyon lalo pa nga’t mga bata ang contestants.

"Kung minsan nga, mas pagod pa akong umuuwi sa bahay kesa sa teleserye kasi talagang the whole time, nakatutok kami sa mga bata. Kung may umiyak man, andiyan ako agad, nakasalo ako. Nakatayo ka buong maghapon na naka-heels ka, so parang sa aspetong iyon nahihirapan ako. Pero masaya, masayang-masaya kasi natututo ako sa mga bata.”

Pero may pelikula pa rin namang mapapanood kay Juday kaya mapapanood pa rin naman natin siyang umarte. May filmfest entry sila ni Ryan Agoncillo at may movie rin siya with Coco Martin.



SOURCE:    http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/11339-judy-ann-happy-to-host-junior-master-chef

No comments:

Post a Comment