@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, August 11, 2011

Juday, kahanga-hanga ang pagpayat Juday, naiyak sa bago niyang show sa ABS



Bagong Judy Ann Santos-Agoncillo ang mapapanood ng sambayanang Pilipino sa kiddie cooking reality show na Junior MasterChef Pinoy Edition. Sa unang pagkakataon sa kanyang career, sasabak sa hosting ang Reyna ng Pinoy Soap Opera para manguna sa paghahanap sa pinakamahusay na batang kusinero sa Pilipinas.

Makakasama ni Juday ang mga kaibigang chef na sina Fernando “Ferns” Aracama, Rolando “Lau” Laudico, at JP “Jayps” Anglo.

Sila ang gagabay sa mga batang chef at huhusga sa mga lutuing ilalaban nila para maging unang Pinoy Junior MasterChef, na mananalo ng culinary scholarship at P1 milyong piso.

Kuwento ni Juday, naiyak siya nang una niyang makita ang logo ng Master Chef dahil fan nga siya ng show na ito na unang napanood sa United Kingdom at Australia. Namangha rin siya sa ganda ng kanilang set, at nakadama raw siya ng kaba dahil bagong larangan ang pinapasok niya.

“Kailangang karirin ko ang programa nang bonggang-bongga para hindi masayang ang tiwala na ibinigay sa akin ng ABS sa malaking proyektong ito. Hindi ko naman liga ang pagho-host pero willing naman akong matuto,” sabi ni Juday.

Pero, ayon kay ABS-CBN Business Unit Head Laurenti Dyogi, nahigitan pa ni Juday ang kanilang inaasahan dahil sa ipinakita niyang natural na galing sa pakikitungo sa mga bata at sa mga kasamang Chefs.

“Siya ang perpektong host para sa Junior MasterChef. Dito lumalabas ‘yung pagmamahal niya sa pagluluto at sa mga bata. Noong una may kaba siya pero habang tumatagal makikita mong nag-eenjoy siya at kung paano siya nagiging inspirasyon sa mga batang chef,” aniya.

Ayon pa kay Juday, ni hindi raw niyang kailangang umarte dahil tuwing kaharap niya ang mga bata ay damang-dama niya ang pagiging ina.

“Puso ang puhunan ng show na ito. Sobrang cute at smart ng mga bata, hindi mo maiwasang magkaroon ng connection sa kanila. Pero bilang host at nanay nila sa programa, ako ‘yung magbabalanse ng emotions nila. Ayaw naming makasakit ng damdamin pero kailangan maging totoo kami sa kanila kung masarap ‘yung gawa nila o hindi. Dapat may panalo kang words of encouragement,” kuwento niya.

Siyanga pala, panoorin ang Appetizer: The Junior MasterChef Pinoy Edition Primer sa Agosto 20.

Maging updated sa programa, i-like ang http://www.facebook.com/jrmasterchef sa Facebook, o sun*dan ang @jrmasterchef_ph.

Ay sa presscon nga pala nito kahapon, nagulat na naman ang entertainment press dahil sa paglabas ni Juday na payat na naman. Pasabog nga raw ang pagpayat ni Juday.

“Mas lalo po akong na-inspire na magpapayat, lalo na at sa inyo nanggagaling ang comment na `yan.

Alam ko na hindi niyo ako bobolahin. Sasabihin niyo sa akin kung payat ako, o mataba ako.

“Salamat dahil napapansin niyo ang effort ko na magpapayat. Gusto kong magbigay ng inspirasyon sa ibang tao na gustong pumayat. Gusto kong sabihin sa lahat na ang pagpapayat ay hindi nakukuha sa madalian lang, na buy one, take one, dahil disiplina po ang kailangan dito,” sey pa ni Juday.

No comments:

Post a Comment