@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, August 14, 2011

Judy Ann Santos-Agoncillo on weight issue being hurled against her: "Bigyan n'yo ako ng time!"

Judy Ann Santos-Agoncillo on weight issue being hurled against her: "Bigyan n'yo ako ng time!"

 
"Hindi naman po nabibili itong pagpapapayat ng buy one, take one. Bigyan n'yo lang po ako ng time. Hindi ko nga kayo pine-pressure na maging mabait, e. Huwag niyo akong i-pressure na pumayat," says Judy Ann Santos-Agoncillo to her detractors who continuously hit her about her weight.

Nerisa Almo

Sa tagal na ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa show business, natutunan na umano niyang ipagkibit-balikat ang anumang mapanirang komento tungkol sa kanya, lalo na ang tungkol sa kanyang katawan.

Matatandaan na noong dalaga pa lamang siya, naging tampulan na ng pangungutya ang aktress dahil sa kanyang pangangatawan. Nabawasan naman ito nang unti-unti rin siyang magbawas ng timbang.

Subalit muling nabaling ang atensiyon ng tao sa kanyang katawan nang ipagbuntis at naipanganak niya ang unang anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.

Sa press conference ng bago niyang TV show, ang Junior Masterchef, inamin ni Judy Ann na nagdalawang-isip siya noong una na lumabas agad sa publiko dahil sa pagdagdag ng kanyang timbang.

Subalit hindi umano siya nagpatalo rito.

Sa halip, aniya, "Inisip ko, magpapapayat na lang ako sa harap ng mga tao.

"Iniisip ko kasi noong una, sa totoo lang, ayaw ko rin naman talagang lumabas na malaking-malaki ako.

"Alam ko na, alam ko na kung anu-anong batikos ang maririnig ko.

"Pero iniisip ko, sige, haharapin ko na lang lahat ito.

"Haharapin ko lahat ng sasabihin nila, para mas ma-encourage akong magpapayat."

"NASANAY NA AKO." Tulad ng iba pang artista, isa ring biktima si Judy Ann ng mga mapanirang komento ng mga tao sa iba't ibang showbiz websites.

"Napakaraming nakarating sa akin at napakaraming kong nabasa!" sabi ni Judy Ann.

Sa halip na mainis, inisip na lang umano ni Judy Ann na, "Hindi mo naman kailangang i-please ang lahat ng tao, e.

"At saka siguro, nasanay na rin ako na mula pagkabata, ang tawag naman sa akin, e, siopao, monay, aparador... May bago pa ba akong puwedeng marinig?

"Nasanay na ako. Hindi na bago sa akin 'yong mga ganyang bagay."

Hinirit din ni Judy Ann, "Sa totoo lang naman, kahit gaano ka kagaling umarte, kahit gustung-gusto mo nang magpapayat...

"Ang mga Pilipino kasi, makapanglait lang, manlalait, e, di ba?"

"BIGYAN N'YO AKO NG TIME." Dahil napatunayan na rin ni Judy Ann na kaya niyang magpapayat at alagaan ang pangangatawan, sinisiguro niyang magagawa ulit niya ito.

"Ginagawa ko naman po ang lahat, e. Bigyan n'yo lang po ako ng time!" natatawang sabi ni Judy Ann, na mula 168 lbs matapos manganak ay naging 138 lbs na lamang. (CLICK HERE to read related article.)

Pabiro pang ipinakiusap ni Judy Ann, "Hindi naman po nabibili itong pagpapapayat ng buy one, take one.

"Bigyan n'yo lang po ako ng time.

"Hindi ko nga kayo pine-pressure na maging mabait, e.

"Huwag n'yo akong i-pressure na pumayat."

"EASY LANG SA PAGBATIKOS." Sa huli, naging seryoso na ang aktres na nakiusap sa publiko na maghinay-hinay lang sa pagbibigay ng mga negatibong komento sa kahit sino.

Paliwanag niya, "Although ako, naa-appreciate ko 'yong ibang panlalait, kasi it makes me a better person and it makes me much stronger.

"Pero sa iba, parang below the belt na, e.

"Sabi nga nila, sa bawat obesity ng ibang tao, mayroong istorya sa likuran niya.

"Puwedeng alamin niyo muna ang istorya nila bago kayo magsalita?

"Kasi, baka pinapalalim natin 'yong sugat ng tao.

"Medyo maging sensitive lang ng slight."

At kung sakaling magpatuloy pa rin ang paninira ng tao tungkol sa kanyang pangangatawan, ito naman ang sagot ni Judy Ann:

"Ang sa akin lang, ang puwede ko lang sigurong maisagot sa mga taong bumabatikos, sana huwag silang magsalita ng mga hindi magagandang bagay sa ibang tao, kahit hindi artista.

"Mapataba o ano pa man, tumingin muna sila sa salamin.

"Tingnan muna nila ang sarili nila kung perfect sila.

"Kasi, wala namang ginawa ang Diyos na perfect na tao, e.

"Maaaring maganda at sexy sila, pero hindi naman maganda ang ugali nila.

"Easy-easy lang sa pagbabatikos."


SOURCE:     http://www.pep.ph/news/30617/judy-ann-santos-agoncillo-on-weight-issue-being-hurled-against-her-bigyan-n39yo-ako-ng-time/1/2

No comments:

Post a Comment