@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, August 14, 2011

Judy Ann Santos prefers to do one project at a time


Judy Ann Santos prefers to do one project at a time

"Very emotional din naman itong show na 'to e," says Judy Ann Santos, referring to her new show, Junior Master Chef Pinoy Edition.
"Kung minsan nga mas pagod pa akong umuuwi sa bahay kesa sa teleserye kasi talagang the whole time, nakatutok kami sa mga bata. Kung may umiyak man, andiyan ako agad, nakasalo ako. Nakatayo ka buong maghapon na naka-heels ka, so parang sa aspetong iyon nahihirapan ako. Pero masaya, masayang-masaya kasi  natututo ako sa mga bata," she adds.
 

Rommel L. Gonzales

Ngayong host siya ng Junior Master Chef Pinoy Edition ng ABS-CBN 2, hindi naman raw nangangahulugan na tatalikuran na ni Judy Ann Santos ang paggawa ng mga teleserye.

Sa katunayan, may mga offers siyang gumawa muli ng mga drama shows.

"Oo naman, oo naman, meron naman, meron naman. May mga offers din naman ang ABS, yun nga lang tinatantiya ko rin yung time, yung taping schedule, yung hangga't maaari isa-isa lang muna," ang kwento ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Mahirap kasi pagka pinagsabay-sabay tapos wala ka na ring oras sa bahay, wala ka na ring oras sa pamilya and at the same time, hindi mo na nagagawa nang maayos yung trabaho mo kasi lugami ka na sa iba mo pang pinagdaanang trabaho!

"So as much as possible yung gusto ko, one step at a time, slowly, but surely ba.

"Very emotional din naman itong show na 'to e," says Judy Ann, referring to Junior Master Chef Pinoy Edition.

"Kung minsan nga mas pagod pa akong umuuwi sa bahay kesa sa teleserye kasi talagang the whole time, nakatutok kami sa mga bata. Kung may umiyak man, andiyan ako agad, nakasalo ako. Nakatayo ka buong maghapon na naka-heels ka, so parang sa aspetong iyon nahihirapan ako.

"Pero masaya, masayang-masaya kasi  natututo ako sa mga bata."

RYAN'S APPROVAL. Lahat nga ba ng mga projects na tatanggapin niya ay kailangang may approval ng mister niyang si Ryan Agoncillo?

"Hindi naman, hindi naman. In fairness dun naman sa asawa ko, wala naman yung...  kahit  noon, at hanggang ngayon, kung ano yung mga tinatanggap naming trabaho pagdating sa career namin wala namang problema. Ano lang, time management lang talaga ang dapat."

Hindi nila pinapakialaman ang isa't-isa pagdating sa trabaho.

"Siyempre sasabihin mo na may gagawin ka pero pagka halimbawa lang din... kasi naniniwala kami, bilang individual na artista... may sarili din kaming diskarte pagdating sa mga projects na tinatanggap.

"We never talk about work pag nasa bahay kami, not unless kailangan talagang ikonsulta, halimbawa meron akong hindi alam o meron akong dinadala na something, iyon sasabihin ko na sa kanya.

"Pero hangga't maaari ayaw naming dinadala sa bahay ang trabaho kasi bahay iyon e, it's supposed to be your family na pinagtutuunan mo ng pansin and not work."

Masaya si Judai na hindi magkakatapat ang mga shows nilang mag-asawa. Parehong tuwing Sabado napapanood ang mga shows nila, pero sa magkaibang time slot.

"Kasi siyempre gusto rin naming mapanood ng mga tao yung mga shows namin, di ba? And respeto rin sa show ni Ryan. Nauna naman talaga ang Talentadong Pinoy, parang hindi  naman din tamang pagtapatin kami.

"Iba ang tema ng show niya at iba ang tema ng show ko, gusto ko mapanood ng mga tao parehong shows."

Naitanong kay Judy Ann, halimbawang mag-offer ang TV5 sa kanya ng projects...

"Kasi nakakontrata pa ako sa ABS, sa pagkakaalam ko, hanggang 2012."

GOOD TAXPAYER. Top 100 na taxpayer siya last year sa BIR.

"Ano, may kaso o ano," ang tumatawang reaksyon ni Judai.

Mas mahigpit daw ngayon ang BIR sa mga celebrities pagdating sa taxes.

"May ihihigpit pa ba? Hindi ba mahigpit na? Ah well, sa aking palagay, tama lang naman na lahat tayo, magbayad ng mga taxes natin, hindi ba? Obligasyon natin yun bilang mga artista at bilang mga nagtatrabaho sa Pilipinas.

"Kung may ihihigpit pa, abisuhan ninyo po kami para malaman namin, para hindi na po madagdagan ang mga kaso, mahirap kasi yung walang abiso.

"Sana lang po huwag naman sanang masamain, kung may ihihigpit pa, makita lang sana namin kung saan napupunta yung mga binabayad, di ba, para masarap magbayad ng taxes. Yung nakikita mong may pinupuntahan yung pinagtatrabahuhan mo kasi hindi mo naman pinupulot ang pera, e."

Hindi pa tapos ang dating kaso ni Judai sa BIR.

"Ay hindi pa ayos, hindi pa. Nag-uusap pa rin kami, hindi pa hindi pa."

Pero last year ay kasali na siya sa list ng good taxpayers.

"Nakakatuwa, di ba? Pero may kaso ako. Nakakatuwa, di ba?"

Nasa ABS na rin si Robin Padilla; willing ba si Judy Ann na makatrabaho ulit ang action star? Nagkasama sila dati sa serye ng Dos na Basta't Kasama Kita.

"Well, sa palagay ko, hindi ko na yata kayang mag-action. Ako ang masasabi ko lang, yung journey ko bilang artista, halos nagawa ko lahat bago ako magpakasal.

"Parang right timing, yung hindi ko na sila hahanapin pagka nag-asawa ako, nanganak ako... yung hindi ko puwedeng sabihin sa sarili ko na, 'Ay hindi ko nagawa ito, dapat ginawa ko ito.'

"Wala, nagawa ko lahat; nakapag-action ako, naging superhero ako, nagkaroon ako ng album, nag-concert ako sa Araneta.

"Yung... nakakatawa, karamihan ng ginawa ko, 'Talaga lang ha? Makapal ang apog mo ha, ginawa mo yan, ha!'

"Pero it's all about having fun in whatever you do.

"Pero sa palagay ko pag nag-action ako ngayon, baka naman pagtawanan  na ako ng mga tao," natatawang pahayag ng aktres.

"Okay na ako. Kung sakaling dumating yung panahon na yun [ang muling pagtatambal nila ni Robin] bakit hindi? Mapag-uusapan naman lahat yun."

Okay kay Ryan yun?

"I guess so, oo naman."

NEXT LEADING MAN. Sino sa palagay niya ang puwede pa niyang maging leading man sa isang teleserye?

"Maaaring Jericho [Rosales], John Lloyd [Cruz]."

Si Coco Martin?

"Si Coco! Pero magtatambal kasi kami sa pelikula. Sino pa?

"Maraming-maraming magagaling ngayon e, ang daming mahuhusay na artista ngayon."

Speaking of her movie with Coco, hindi nga ito tuloy this year sa pagsali sa Metro Manila Film Festival. At okay lang naman ito kay Judy Ann.

"Kasi di ba pag Metro Manila Filmfest marami kayong pelikulang sabay-sabay. Baka itong pelikula namin ni Coco nararapat lang yata na... o baka, baka lang, baka naman iba ang dating sa tao ng nararapat... baka mas magandang ipalabas siya ng siya lang kasi maganda yung istorya. Pagkabasa ko ng script ang ganda!"

Open ba si Judy Ann sa muling pagtatambal nila ni Piolo Pascual?

"Ang sabi ko, ang lahat ng bagay, madadaan sa maayos na usapan."


SOURCE:    http://www.pep.ph/news/30637/judy-ann-santos-prefers-to-do-one-project-at-a-time/1/3



No comments:

Post a Comment