@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, August 25, 2011

Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho


Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho


  "Parang sa akin, sa opinyon ko, ang mga batang artista ngayon from [ages] 8 to 10, hindi na dumadaan ng 10 to 12. Gruma-graduate na sila ng 10 to 12, tapos 16 na agad yung utak nila magbihis, makisama, makipag-usap. I don't want our daughter to go through to that," says Judy Ann Santos.

Melba Llanera



Sa pictorial ni Judy Ann Santos para sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Junior MasterChef, nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa iba't ibang bagay na may kaugnayan sa kanyang pagiging ina.

Paano ba ang pakiramdam ng isang ganap nang ina?

"Masaya, very fulfilling," sambit niya.

"Masaya ang pakiramdam na nagigising ka sa bawat araw.

"Ako, ang typical day ko, magigising ako ng umaga, papasok ako ng kuwarto ng anak ko, I'll check on them if they're already awake. Kaunting laro kay Lucho.

"Then magluluto na ako ng baon ni Ryan para sa shows niya o kung may taping siya that day.

"Kung halimbawang may trabaho sa araw na yun, bonding muna with the kids.

"Alis na muna sa trabaho, tapos balik ako agad to make sure na hopefully gising pa sila na maabutan ko.

"Bilang nanay, ganun ka pala, 'no? Eager kang umuwi kasi gusto mong maabutan yung mga bata.

"O, kung manonood ka ng sine, always last full show kasi dapat tulog muna yung mga bata.

"Pag manonood ka ng sine, parang hindi ako mapakali kasi parang naiisip ko sila."

MOTHER'S DAY. Tanong ng PEP, kumusta naman ang naging selebrasyon nila noong nakaraang Mother's Day, May 8?

Ayon kay Juday/Judai, "Nung Mother's Day, hindi kami lumabas ng bahay kasi bumabagyo.

"Nasa Alabang kami. Nag-lunch na lang kami nina Mommy [Carol Santos] sa bahay [namin] after watching Pacquiao."

Ang tinutukoy ni Juday ay ang May 8 na laban ni Manny Pacquiao sa U.S. kontra kay Shane Mosley, na pinagwagian ng Filipino boxer at Sarangani representative.

Patuloy na kuwento niya, "Nag-lunch kami kasama ang mommy ko, ate ko, sister-in-law ni Ryan, at mommy ni Rye.

"Kasi pag nasa restaurant kami, parang kulang na lang singilin ako ng restaurant sa nasisira ng mga bata.

"Sabi ko, dito na lang tayo sa bahay. Kung may masisira man kami, maglinis na lang."

Ayon pa sa aktres, "Ang kaibihan lang ngayon, naiintindihan ko na yung card ni Yohan.

"Kasi dati, hindi ko naiintindihan kasi nag-i-scribble lang siya.

"Pero ngayon may mga words na, mayroon ng magandang note kay Mommy.

"Nakakatuwa. Tapos pag tinitingnan ko yung mga anak ko, nanay na ako!"

Ano naman ang regalo sa kanya ni Ryan noong Mother's Day?

"We normally give gifts to each other kahit walang mga okasyon, so yung mga ganung bagay...

"Basta ang importante, pag may mga okasyon na ganyan, magkakasama lang kami, okay na yun."

YOHAN & LUCHO. Kinumusta rin ng PEP kay Judy Ann ang kanyang mga anak na sina Lucho at Yohan.

"Seven [months] na siya nung Friday," banggit ng aktres tungkol sa kanyang bunsong anak na lalaki at unang biological child.

"Siyempre anak ko, sasabihin ko napakaguwapo. Maputi, hating-hati...

"Pag tinitingnan ko nga yung pictures niya nung bagong panganak siya, sobrang ibang-iba ang hitsura niya ngayon.

"Kasi nung ipinanganak siya, sabi ko, 'Bakit mukhang tarsier ang anak ko?'

"Pero kasi, ang cute-cute niya, ang laki-laki ng mata!

"Tapos sabi ko nga kay Ryan, 'Love, nakyu-kyutan ba tayo sa anak natin dahil anak natin siya?' Pero cute talaga siya, e.

"Ngayon, ilong at lips, kuha sa akin, tapos pataas kay Ryan.

"Napaka-steady na bata, happy lang siya, tawa lang nang tawa.

"Iiyak lang pag gutom or inaantok. Ang bait, sobrang bait.

"Nagku-crawl na siya, malikot na siya."

Pagpapatuloy ni Juday, "Si Yohan naman, mahilig magsalitang mag-isa 'yan sa camera.

"Siguro kasi napapanood niya ang mga shows na nakikita niya yung host, kaya ginagaya niya.

"Natatakot ako, hindi ko alam kung saan siya patungo!" Sabay tawa ng artistang tanging tinatawag na superstar besides Nora Aunor.

Dagdag nito, "Nae-enjoy na niya masyado ang TV. She loves seeing herself on television, she loves to entertain."

Wala na bang selos sa parte ni Yohan, na inamin dati ni Ryan ay naging problema nila bago ipanganak si Lucho?

"Siyempre, mayroong selos," prangkang sagot ni Judy Ann.

"Hindi naman yata mawawala sa panganay yun, lalo na kapag may kapatid na lalabas, di ba?

"Mayroon, pero tina-try naman naming i-explain sa kanya na, 'It doesn't mean na kapag may bagong baby, hindi na ikaw yung baby.'

"Sinasabi namin na, 'Magiging baby ka namin hanggang thirty-five ka na!'"

IN THE LIMELIGHT. Laging sinasabi ni Ryan dati na si Juday ang tanungin kung papayagan niyang gumawa rin ng commercial si Lucho o mag-aartista si Yohan.

Dahil daw, si Juday bata pa lang ay sumabak na sa pag-aartista.

So, papayagan ba niyang gumawa ng commercial si Lucho, o pumasok sa showbiz si Yohan?

Sagot ng dating child star, "Ang hirap kasing magsalita kung ang panahon noon ay panahon ngayon na napakasarap mag-artista.

"Kapag bata ka kasi, walang expectations yung mga manonood, tapos hindi ka napi-pressure magdalaga.

"Parang sa akin, sa opinyon ko, ang mga batang artista ngayon from 8 to 10, hindi na dumadaan ng 10 to 12.

"Gruma-graduate na sila ng 10 to 12, tapos 16 na agad yung utak nila magbihis, makisama, makipag-usap.

"I don't want our daughter to go through that.

"Gusto ko ma-enjoy niya talaga ang childhood niya kasi hindi na niya mae-enjoy yung childhood niya.

"Ako lang, kung mababalikan ko lang yung pagbata, binalikan ko na. Kaya lang, hindi talaga.

"So, yun ang gusto naming ma-experience niya.

"Gusto ko masubukan niyang maglaro sa labas. Hindi siya masyadong nag-a-iPod, hindi siya masyadong nagko-computer always.

"Pinagpu-football namin siya ngayon kasi gusto niya yung football.
"Gusto namin siyang turuan ng patintero, tumbang preso, taguan, kasi dun kami ni Ryan lumaki.

"Ayaw namin siyang maging bum na nandun lang sa harap ng computer, pumapapak ng tsitsirya.

"Gusto namin active siya."

Dagdag ng 33-year-old actress, "Regarding Baby Lucho, basta okay ang produkto, basta ginagamit at hindi magkakaproblema sa bata, bakit hindi?

"Deserve naman ng mga tao na makita ang baby namin kasi nasa harapan nila ako for how many years.

"Tina-try ko lang i-explain na hindi lang agad-agad.

"Siguro pag nanay ka... May ibang nanay na gustong i-share agad ang anak nila.

"Ako, siguro, kilala rin naman ako ng mga tao na hindi ako agad-agad, gusto ko ako lang muna.

"Gusto ko makita ko muna siya na nade-develop.

"In time, siyempre ilalabas din namin siya.

"Hindi naman puwedeng hindi kasi masyado naman kaming sasabihang selfish ng mga tao."

Open book ang pagiging adopted ni Yohan. Bagay na, ayon sa aktres, ay hindi naman niya itinago kay Yohan kahit kailan.

"What's nice about Yohan," sabi ni Judy Ann, "she knows naman from the start.

"Every time she asks question, we answer her in the most proper way.

"Ine-explain namin sa kanya nang maayos na, 'You didn't come from Mama's tummy.

"But you know what, God is really good because when we prayed, He gave you to us.

"So you come from Mommy and Daddy's heart.

"So when people ask you kung saan ka galing, you come from Mommy's heart.' Ginaganun namin siya.

"Nagtatanong pa rin siya, 'Who's my Mommy? Do you know my Mommy?' May mga ganun siya.

"Siyempre sa akin, 'Hay, paano ko ba ito sasagutin? Paano mo ba ie-explain sa batang six years old kung saan siya nanggaling?'

"Mas mabuting sa amin na manggaling kung saan ang pinagmulan niya kaysa sa ibang tao ang magsabi sa kanya, na baka yung way na pagsabi sa kanya ay hindi maganda.

"Baka magrebelde yung bata o iba yung intindi niya, hindi namin siya ma-shelter sa ano pang puwedeng mangyari.

"So as much as possible, we are very honest to Yohan sa bahay, hindi yung mga lies-lies na ganyan.

"Yun ang upbringing namin sa kanya," saad ni Juday.


SOURCE:    http://www.pep.ph/celeb/homes-family/25587/judy-ann-santos-really-enjoying-real-life-role-as-mother-to-yohan-and-lucho/1/5







No comments:

Post a Comment