@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, August 30, 2011

Hindi pinaniniwalaan ni Jeffrey Santos ang mga sitsit na may marital problems ang kanyang nakababatang kapatid na si Judy Ann Santos at ang mister nitong si Ryan Agoncillo.

Sa red-carpet premiere ng indie gay and lesbian film na Marcie, pinagtakhan ni Jeffrey kung bakit natsitsismis na may problemang pinagdaanan si Juday sa asawa nitong si Ryan, samantalang sa gathering nila every Sunday sa bahay ng mag-asawa ay wala siyang nakikitang kakaiba sa samahan ng dalawa.
Sabi nga ni Jeffrey, pamilyado siyang tao kaya mararamdaman niya kung may problema sina Juday at Ryan. Nu’ng huli niyang makita ang dalawa sa kanilang gathering, masaya raw ang dalawa.

Hindi itinatanggi ni Jeffrey na nagkakaroon ng diskusyon ang dalawa sa harap niya at ng iba nilang mga kaibigan, pero pag umiinit ang usapan, tumatahimik na ang dalawa at ibinabalik ang dating masiglang mood.

Hindi rin daw pinaniniwalaan ni Jeffrey na nambabae si Ryan dahil sa halos araw-araw na pagtatrabaho nito, hindi niya makita kung saan pa isisingit ng kanyang ba*yaw ang extra-curricular activities nito.

Malalaman din daw ni Jeffrey kung nagloloko si Ryan dahil siguradong tatakbo sa kanila si Juday para magpa*saklolo. Pero sa ngayon, wala naman daw ikinukunsulta ang kapatid sa kanya. Kung meron man itong maliliit na problema, malamang na sa mga kaibigan niya nakikipag-usap si Juday.

Hindi sumasama ang loob ni Jeffrey sa mga nang-intriga sa kanyang kapatid at sa buhay may-asawa nito sa piling ni Ryan lalo at parang pinipilit na paghiwalayin ang dalawa.

Alam daw niyang ito ang buhay sa showbiz na talagang pagdadaanan ng kanyang kapatid at ng mister nito. Sa ngayon, nakakangiti pa rin si Jeffrey dahil alam niyang maayos at masaya ang buhay may-asawa ng kanyang kapatid.

No comments:

Post a Comment