@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, May 7, 2012

Si Alfie Lorenzo pa rin ang manager ni Judy Ann Santos (Not true na pinalitan na ng actress! )


Written by Peter Ledesma   
Monday, 07 May 2012 02:03  
May isyung dinedma raw ni Mama Alfie Lorenzo ang mister ng alagang si Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo. Nagtatampo raw kasi si Mama Alfie kasi hindi man lang ipinaalam sa kanya ng mag-asawa ang katatapos lang na bakasyon sa Maldives Island para sa selebrasyon ng kanilang wedding anniversary. Hindi ito ang ikinaiirita ng sikat at matapang na talent manager kundi ang balitang mag-i-expire na ang kontrata sa kanya ni Juday sa darating na June 2012 kaya papalitan na siya ng actress at magpapa-manage na sa Star Magic. Ayon pa sa kolum ni Mama Alfie sa isang morning tabloid not true ang chikang lalayasan na siya ni Juday. Saka anong kontrata raw ang magtatapos na ‘e, sa tinagal na panahon ng pagma-managed niya ay ni isa sa kanyang mga talent na pinasikat ay walang kontrata sa kanya. Wala sa bokabolaryo ni Mama Alfie ang mga kontratang ‘yan dahil ang mahalaga sa kanya ay ang palabra de honor! Get’s n’yo. So, klarong-klaro na na hanggang ngayon ay si Mama Alfie pa rin ang manager ni Judy Ann at gawa-gawa lang ang isyung nagpa-manage na sa Star Magic ni Mr. M. Heto lang naman ang banta ng kaibigan namin kolumnista kapag umalis sa poder niya si Juday. Malaking gulo raw ang mangyayari at kakabugin pa nila ang word war 3, 4 & 5. Ang sentensya raw ng alagang actress/TV host ay habambuhay at period ito at walang comma na hiniram ni Mama Alfie kay friends forever Pete A. ‘Yun na mismo gyud!
 
 


No comments:

Post a Comment