@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, May 3, 2012

Malaking gulo pag naghiwalay kami ni Juday! “Huwag po ninyo kaming bibitiwan!” – Juday & Ryan Alfie Lorenzo






Sinabi pala ni Ryan Agoncillo sa mga reporters na nandoon sa preskon ng Talentadong Pinoy na pinagalitan ko raw siya dahil hindi sila nagpaalam nu’ng magpunta sila sa Maldives island in celebration of their third wedding anniversary.


“Huwag ka nang magtampo, hindi ko alam na hindi pala nagpaalam si Juday sa iyo,” ani Ryan sa akin.


Well, ang hinihintay ko lang naman ay konting respeto, kahit hindi magpaalam, magsabi man lang kung saan kayo naroroon. Ewan ko naman kung saan napulot ni Vinia Vivar na nilayasan na ako ni Juday at ‘di na ako ang manager niya dahil expired na sa June 2012 ang kontrata niya sa akin.


Wala kaming kontrata ni Juday sa isa’t isa. Sa rami ng mga na-build up kong artista, ni isa sa kanila ay hindi ko pinapirma sa kapirasong papel like other managers do. Para sa akin mas mahalaga ang word of honor at mabuting samahan.


And also to make it easier for me na bitiwan ng ganoon lang ang matigas ang ulong talent o pasaway nang walang kontratang pagtatalunan pa or go to court to settle things. Ganoon lang ako kadaling magdispatsa ng talents pag ayaw ko na.


There’s Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Romano Vasquez, Romeo Vasquez, Anjanette Abayari, Jackie Forster, Rosanna Roces, Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez, Priscilla Almeda, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, na nu’ng magsipag-asawa na I designated the decisions to their respective husbands dahil hindi ko pinangarap na may project akong tatanggapin, pero tatanggihan naman ng husbands, eh ‘di nagmukhang gago o tanga lang ako!


I was ready to do the same to Judy Ann Santos nu’ng nakaplano na ang wedding nila ni Ryan. But before their wedding, inimbita nila ako for lunch at may ipinakiusap sa akin.


“Alam naming pag nag-asawa na ang talents n’yo ay binibitiwan n’yo na. Hindi po kami hihingi ng wedding gift sa inyo. Higit pa roon ang hihingin namin ni Juday, sana huwag n’yo po kaming bibitiwan kahit kasal na kami,” pakiusap nina Ryan at Juday, spoken by Ryan.
Okay shoot!


So papaanong kakawala si Juday sa akin, eh ‘di sila mismo ni Ryan ang sumira sa sarili nilang pakiusap? At hindi ako papayag! Dahil sila ang may gusto, hindi ako.


Pag nangyari ‘yun eh malaking gulo, daig pa ang world war 3, 4 & 5. Ano ako, gagawing gago eh matagal na nga akong G-A-G-O! Bastusan na ‘yan!


Ang mga Liberty Boys ko, Rey “PJ” Abellana, Lito Pimentel, Patrick dela Rosa, Edgar Mande, Raul Calma, Emil Sandoval, Jaime & Jordan Castillo, Eruel Tongco, Wowie de Guzman, merely seeks my advice at naaalala ako pag wala silang trabaho. Ganoon lang ka-civil, walang komisyon. Ako pa nga ang nauutangan!


Ang sentensya ni Juday ay habang buhay! Period, walang coma ani Pete A. Maliwanag?




source here

No comments:

Post a Comment